Chapter 9

241 4 1
                                    

JANE'S POV

"Guys ano ba!" Sigaw ko. Sigawan pa rin sila ng sigawan. "SHUT UP KAYONG LAHAT!"

Ayun nagsitahimik rin. Bumaling silang lahat sakin. "Ano ba kayo! Sa halip na magpanic kayo, magtulungan na lang tayo."

"Pano?" Sabat ni Gino. Nagtinginan lahat sa kanya tapos sakin.

"Open up. May nakakaalam ba or may clue ba kayo kung bakit nangyayari 'to?"

Natahimik ang lahat, naghihintay kung may magsasalita ba.

"May nabanggit 'yung mga magulang ni Hershey." I paused. "May pupuntahan daw dapat siya bago siya mawala.. it's about a video, pero hindi na nasabi ni Hershey kung ano. May alam ba kayo tungkol doon?"

Wala na namang nagsalita, nasa 20 kami dito malayo sa mga bisita sa burol ni Hershey, sobrang tahimik na nila kumpara kanina na puro tsismisan at pagkapanik.

"Wala ba talaga?" Huminga ako ng malalim. Umiling silang lahat, pero.. ang weird ng mga tinginan nila. "Alright. Pero may napansin ba kayo.. sa kanila? Sa mga kaklase nating biktima?"

"Class officers." Sabat ni Sierra. Napasinghap 'yung iba, 'yung iba naman parang narealize na rin 'yun.

"Oh my God.." Napatakip ng bibig si Coreen. Siguro narealize na rin niyang magkakasunod ang officers na namatay, at siya na ang susunod kay Joel.

"Pero bakit si Shaica?" Tumayo si Sophie. "Lahat naman ata tayo gustong patayin ng killer! Bakit hindi na lang tayo lumayo? Pabayaan na lang natin 'yung mga pulis!"

"Oo nga." Sang-ayon ni Nikki.

"Nakikita niyo bang nag-iimbestiga 'yung mga pulis? Hindi diba? Kasi ayaw ng principal!" Inis na sigaw ni Kean. "Saka ano ba kayo! Bakit ipapaubaya sa mga pulis? Kung may makakaalam ng mga ito, tayo-tayo rin. Tayo ang involve dito!"

"At walang kasiguraduhan na safe pa rin tayo kahit lumayo tayo sa school natin. And we can't just forget! May mga namatay na.." Umupo ako, nanginginig na.

"What if isa satin ang killer?" Tumindig ang balahibo ko, napatingin kami sa nagsalita, si Nikki. Tumayo siya, "Oh ano? Tapos nalaman din ng killer ang mga plano at nalalaman natin? Edi mas paglalaruan niya tayo? Edi patay pa rin pala tayong lahat!"

"Eh anong gusto mong gawin natin? TUMUNGANGA?" Nagtaas na rin ako ng boses.

"'Wag ka kasing nagmamagaling Jane! You're always making yourself the leader kahit hindi naman dapat! Feeling mo laging ikaw ang tama!"

"So this is anout me now, Nikki?!" Hinawakan ako ni Kean sa braso para pigilan ako.

"I'm just telling the truth! Kabago-bago mo sa cream section tapos kung makapag-lead ka! Kapag napahamak tayo dito dahil sa gusto mong mangyari, hindi ko na alam ang magagawa ko sayo!"

Kumukulo na ang dugo ko, nakakaasar! I'm trying to help here tapos ganun?!

"I'm taking the lead kasi wala namang ibang tumatayo to lead us! Anong gusto mong mangyari ngayon? No one's brave enough to handle this situation Nikki! Anong gusto mo? Magtago tayong lahat?!"

"Stop it!" Awat ng iba. "Tama na 'yan Jane, Nikki! Hindi 'yan makakatulong sa'tin!"

"Ewan ko sayo, ewan ko sa inyo! Bahala na kayo diyan, I'm leaving!" Kinuha niya 'yung purse niya at umalis.

"Nikki ano ba!" Umalma ang iba sa pag-alis niya. "Nag-uusap pa tayo dito!"

"Hayaan niyo na 'yan!"

Kahit kailan, never kong nakasundo 'yang si Nikki. Nakakainis! Sobrang close ng mga kaklase ko sa isa't isa, 'yung tipong halos magkakaugali na ang lahat. Sa ilang taon ba naman nilang magkakasama, pero kahit bago lang ako pinaramdam nila sakin na parte na talaga ako ng cream. But Nikki, we've never been in good terms.

Matapos magkainisan, nagpasya kaming magaiuwian na lang.

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si Mama na may kausap sa telepono.

"Okay bye.. I-I love you too.."

Pagkababa niya ng telepono ay napaawang ang bibig niya nang makita ako. Matama ko siyang tinitigan.

"Anak kanina pa ba? Kumain ka na ba? A-Ah ano 'yung narinig mo--"

"Wala akong pake. Gawin mo ang gusto mong gawin." Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko.

Sumasama na naman ang pakiramdam ko. Nag-facebook na lang ako sa cellphone ko, sa groupchat na lang kami mag-uusap pansamantala ng mga kaklase ko.

"Two years.." I blurted out. "Just Two freaking years since Papa's death tapos may ibang ka-I love you agad?! Is that long enough? Parang ang bilis pa rin! Who knows how long she's been seeing another man!"

"Nakakainis!"

Nagulat ako nang biglang lumabas sa screen ng phone ko si Nikki, nag-PM sakin.

Nikki Cornea: let the cops do their job first. Baka mas lalo tayong mapahamak sa gusto mong mangyari.

Me: I'm sure their investigating now, impossibleng hindi. But I don't know how far Mr. Bermudez would let them go. He hates issues, you know that.

Napakagat ako ng labi, hindi pwedeng hindi kami makialam, buhay namin ang nakataya. Kung ayaw nila, basta ako makikialam ako. I won't let the cops do it all, kasi hindi lang sa movies, kahit sa totoong buhay, late ang mga pulis. Tulad ng namatay si Papa, sinaksak siya ng ilang ulit, late ang mga pulis kahit maaga silang tinawagan.

Nikki Cornea: then make Kean talk to Mr. Bermudez, he's his uncle after all, maybe he'll listen to his nephew. Think, Jane.

Kumunot ang noo ko. Anong uncle ang pinagsasabi nito?

Me: uncle?

Ang tagal niyang typing pero nawala-wala rin hanggang sa nagchat na nga siya.

Nikki Cornea: u dont know?

Me: Magtatanong ba ko if i know?

Nikki Cornea: whatever!! kbye!

Itinabi ko na rin 'yung phone ko. How come hindi ko alam na pamangkin pala ng principal ang boyfriend ko? At kung umasta si Kean, akala mo hindi niya kadugo ang principal.

The Unwanted SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon