Chapter 8

207 5 1
                                    

A/N: Sorry for the long wait. Wahaha kunwari sobrang nagtiyaga kayong maghintay ng update. Real sorry for those active readers na nagvovote at comment tapos pinaghintay ko lang. Ang hirap kasi T___T Sana kahit konti masatisfy kayo dito sa new chappie.

JANE'S POV

Napahawak ako sa dibdib ko, pati na rin ang noo ko. Shit ang sakit ng ulo at dibdib ko.

"Ouch.."

"Jane? Anong masakit?" Napadilat ako nang marinig ang boses ni mama. "Teka lang ha tatawagin ko ang doktor--"

Ang huling naaalala ko, nasa school ako. Tapos.. nagdilim ang paningin ko.

"Wag na.." mahinang sabi ko. Nung nagising lang naman ako masakit eh.

"Ayos ka lang ba talaga? Sabi ng dok--"

"Kean." Napangiti ako nang nakita ko siyang palapit sakin. Pinilit niyang ngumiti.

Nakagat ko ang labi ko, nanginginig ako nang inabot ko ang kamay niya. "S-si.. si Hershey ba.."

Yumuko siya at umiling..

"Oh God.." napatakip ako ng bibig, namuo ang luha sa mata ko at tuloy-tuloy na umagos.

Ilang minuto akong natahimik, pumikit ako at sumandal sa headboard.

"Jane.. you need to eat." Umupo siya sa kama at hinalikan ang kamay ko.

Bumukas ang pinto, dumilat ako at nakitang lumabas pala si mama.

"You.. you called her?" I asked.

Dahan-dahan siyang tumango. "Here's your food." Tinuro niya ang table na may mga pagkaing nakabalot pa ng plastic sa tray.

"Wala akong gana.." nanghihina ako pero wala pa rin akong gana..

"Hindi pwede 'yan." Kinuha niya 'yung tray at inassemble ang mga pagkain. "Gusto mo ba talagang magkasakit Jane? Tsk. Sa ayaw at sa gusto mo, kakain ka."

"Kean naman kasi!" Umupo ako ng maayos kasi pinipilit niya akong subuan, sa huli wala na rin akong nagawa, hinayaan ko na lang siya. "Okay fine, kakain na talaga ako! 'Wag mo na akong pakainin. Kumain ka na ba?"

"Yup."

"Oy! Sabi ko kaya ko ng kumain mag-isa, ako na!" Inagaw ko ang tinidor ng sapilitan pero hindi ko naman maagaw ang kutsara.

"Ako na Jane--" Naputol ang sinasabi niya nang magring ang phone niya. Sumulyap siya sakin bago sumenyas na lalabas lang siya. Tumango agad ako.

Sino kaya 'yun? Bakit kailangan pa niyang lumabas? Nacucurious talaga ako.

Dali-dali akong tumayo nang makalabas na siya, good thing wala ng nakakabit sakin na kunt ano, hindi nakasarado ng mabuti ang pinto kaya itinapat ko ang tainga ko sa butas.

"God.." hinilamos ni Kean ang mukha, "Wrong timing bro.. shit. Jane just got hospitalized dahil sa nangyari kay Hershey.. I can't tell her these right away."

"Damn. Basta keep me updated. I need to go."

Tumakbo agad ako pabalik sa kama nang maramdamang pabalik na siya at umaktong kumakain lang, marami akong isinubo para lang makita niyang may improvement naman.

"Sino 'yun?" Kinakabahang tanong ko. Ano na naman kaya ang nangyari?

"Ano.." Nag-iwas siya ng tingin at painosenteng naghikab habang kinukusot ang mata, "Wala 'yun, si Kenny lang nangangamusta kasi nabalitaan ang nangyari sayo. Akin na pakakainin na ulit kita.."

The Unwanted SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon