Chapter 1

1.2K 15 3
                                    

"Jane, Jane, tignan mo oh. May nagkakagulo dun!"

Hinigit niya ako kaya nagpatianod na lang ako. Grabe naman 'tong babaeng ito! Hindi nagpapalagpas ng tsismis. Pero syempre for some reasons, bestfriend ko pa rin siya. Yun nga lang, hindi ko alam kung anong reason iyon.

"Aray." Kung sino-sino na ang nabunggo ko dahil sa paghatak sakin ni Mae. "Magdahan-dahan ka naman!"

Nasa school kasi kami ngayon, papasok pa lang sa gate, nakita agad ng chismosang besfriend ko na nagkukumpulan ang mga tao sa canteen kaya hinigit niya ako papunta doon.

"Uy Lenna, andito ka pala. Ano meron dito?" tanong ni Mae nung nakita niya ang classmate namin. Gusto ko na batukan ang babaeng ito, kukulitin lahat para lang sa isang chismis, hindi naman kami ganun kaclose kay Lenna.

Teka nga.. "Ang baho!" reklamo ko.

"Nako kung napaaga lang kayo, mas mabaho pa!" sabi ni Dan na boyfriend ni Lenna. "Nilinis na kasi nila yung mga dugo dito.."

Nanlaki ang mga mata ko. And kahit nasa harap ko si Mae at nakatalikod sakin, alam kong ganun din siya.

"May nilagay sa ambulansya kanina. Kaso 'di namin alam kung sino. Ayaw sabihin eh." Napakamot si Lenny sa ulo.

"Good morning, beautiful." May bumulong sakin. Halos manginig ako sa lamig ng boses at init ng hininga niya na ramdam na ramdam ko sa may tainga ko. Halos mastiff na rin ako nung nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko.

"Morning babe." I pecked him on the lips. Grabe, halos one year na kami ni Kean pero hindi pa rin ako sanay sa kanya. Yung kilig na kilig ako sa mga kalokohan niya para sakin. Laging bumibilis ang tibok ng puro ko sa bawat galaw niya. Feeling ko nga nasa ligawan stage pa kami.

Nag fake cough si Mae. "Ehem PDA ehem ehem." Natawa na lang si Kean habang ako binatukan ang nag-uubo ubuhang si Mae.

"Hey guys! Ano meron?" Tinawag kami ni Bea kasama si Allen na hindi namin kaklase. Sila na ata eh.

"Ah wala, may namatay lang ata."

Lintek na Mae 'to. Ang loko talaga! May namatay na nga ata eh, tapos ganyan pa.

Nagulat tuloy sina Bea, pati si Kean kasi kadarating lang din niya.

"Talaga? Sino?" sabat ni Allen sabay hawak sa kamay ni Bea. Sila na nga.

Umangat ang balikat ko na nagsasabing 'Dunno, pero mamaya tanungin mo ulit kami. Siguradong alam na ni Mae.' Natawa ako sa idea kaya nagtaka si Kean, kinindatan ko na lang siya. Naramdaman ko namang napabilis ang paghinga niya, ganun ba ang nagagawa ko sa kanya? Sige, kikindatan ko siya madalas. Unfair kasi na lagi niya akong pinakikilig.

Umakyat na kami sa classroom kasama sila Bea, Lenny at Dan. Si Allen, sa kabilang building ang section eh.

Papunta pa lang kami, dakdak na ng dakdak si Mae. Langya, nagbibiro pa minsan kahit waley, sige pa rin lol.

"Uy Kean, nabalitaan niyo na ba kung sino yung dinala sa ospital?" sabi ni Niel na bestfriend niya.

"Hindi pa, bakit? Sino?"

"Ang balita ko pre, si Shaica eh."

Nagulat ako. SI SHAICA? Kaklase namin yun eh! Bakit kaya?

Pero out of nowhere, bigla na lang sumulpot si Shaica papunta sa upuan niya. Mukhang kadarating lang eh. Tinignan ko ng masama si Niel.

"Kinabahan naman ako! Loko ka Niel ah!" Kinutusan ko siya. Habang ang boyfriend ko tawa lang ng tawa habang pinagmamasdan ang girlfriend niyang kutusan ang bestfriend niya.

"Hula lang naman eh. Tska maaga kasi siya pumasok, natagalan ngayon." Nag peace sign siya.

Inirapan ko na lang siya at umupo na kami. Syempre, sa kaliwa ko si Mae, sa kanan si Kean.

Nakikipagchikahan ako kay Mae habang gumagawa si Kean ng assignment. Natulala ako sa kanya pero kunwari nakikinig kay Mae.

Grabe ang gwapo talaga ng babe ko, malinis siya sa katawan, yung buhok niya, medyo makapal at nagbobounce sa kaonting galaw niya, tapos yung kilay, grabe ang kisig. Hahaha, oo ang kisig, para sakin. Yung mata niyang color brown na laging nakatingin sa dibdib ko, haha joke. Gentleman yan no. Tapos yung ilong niyang sobrang tangos, parang wala ng butas ito. At syempre yung lips niya, mapula-pulang manipis. Sarap halikan! Shet! Ano ba 'tong iniisip ko. Mas lalo akong nawawala sa sarili eh.

Napansin niya atang natulala ako sa kanya, bigla siyang ngumisi pero hindi siya nakatingin sakin eh.

"HOY!"

Nagulat ako. Langya ka Mae! Wala namang ganyanan, alam mo namang magugulatin ako eh.

Tumili ako kaya medyo may napatingin na classmate namin. Nagpeace sign siya, ako naman napahawak sa dibdib. "ANO!" Tumawa siya.

"Masyado kang magugulatin, best. Ikaw kasi, chika ako ng chika, hindi ka nakikinig."

Binatukan ko na ulit siya. Paglingon ko, wala na si Kean. Nasan na yun? Tumingin ako sa likod. Sheeet! Smack nanaman! Nasa classroom pa kami pero.. sheet! Kinikilig ako!

"Excuse me Mr. Rosales at Ms. Beranda, wag kayo dito mag PDA." Tinaasan niya kami ng kilay. "Doon kayo sa labas maglampungan. Mga bata ngayon, oh!"

Napayuko kami ni Kean.

"Mam 'di naman po lahat ng bata, katulad ni--" Sabat ni Mae kaya tumingin agad ako ng masama sa kanya. Buti pinutol ang sinasabi niya.

"Oh shut up Ms. Perez! I'm not asking for your opinion."

Ha! Buti nga! Bumelat ako.

"NOW GET OUT OF MY CLASS, MS. BERANDA AND MR. ROSALES." Nanlaki ang mata namin ni Kean. "This will be my punishment for you. Ayaw niyo iyon? Mas may time kayo para maglampungan. Now, OUT!"

Wala na kaming nasabi, lumabas na kami ni Kean. Oh yeah? Bahala ka! Magsasaya kami. Mastress ka diyan, magkawrinkles ka sana ng marami!

The Unwanted SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon