Chapter 2

606 9 1
                                    

JANE'S POV

"Now get out of my class nyenyenye.." Umirap ako nung nakalabas na kami ni Kean. "Ayaw niyo iyon? Mas may time kayo para maglampungan nyenye. Hmp!"

Naglalakad kami ni Kean sa corridor.

"Sorry, ha?" Ani Kean.

"For what? OA lang si Ma'am. Wag mo iyon pansinin, menopausal stage na ata yun eh." Humalakhak ako at hinawakan ang kamay niya.

"Wala pa nga yung kiss na yun eh. Naalala mo ba dati halos naabutan natin sina-" tawa ako ng tawa kaya hindi ko matapos-tapos yung sasabihin ko. Mukhang naalala niya na rin kaya tumawa siya. "--Melody at Adrian.."

Naglakad-lakad pa kami palayo habang tumatawa.

"Shh!" Hinila ako ni Kean para magtago.

"Bakit?" Bulong ko.

"May mga pulis.."

"Eh bakit tayo nagtatago?"

"Babe, can't you hear them? Seryoso ang usapan nila. Parang may tinatago sila sa ating lahat."

Tumango ako, kung totoo nga iyon, bakit kaya? Ano kaya? SINO kaya yung kanina?

"Sir, may natagpuan kaming ID na may dugo sa CR na malapit sa crime scene. Kaklase ng biktima ang may-ari.." Inabot nung pulis ang ID sa isa pa. Pinipilit kong silipin kaso hindi ko makita.

"Sige, iexcuse niyo itong si Ms. Perez sa klase niya. Kailangan din natin siyang imbestigahan."

Nagkatinginan kami ni Kean. Perez? Hindi kaya si Mae iyon? Hindi. Hindi naman siguro, hindi magagawa ni Mae na pumatay.

"Babe, wala nga atang ID si Mae.."

Tinignan ko siya, "Babe, we're not sure about this. Let's go, please."

He nodded, maglalakad na sana kami palayo when I heard it, "What are you doing here? I TOLD YOU TO STOP THIS." Sabi ng principal.

"Pero--"

"We just want peace in this school. Kapag marami pa ang nakaalam sa nangyari, baka wala ng mag-enroll dito at malulugi ang school which will result to crowded schools nearby. At yung iba, like our scholars, baka matigil ang pag-aaral. Do you want that!?"

Napayuko yung pulis, "Sorry, Mr. Bermudez. We'll respect your decision. We're sorry again. We'll leave now."

Naglakad na kami ni Kean palayo.

"I can't believe this. Pinatigil ni Mr. Bermudez ang pag-iimbestiga. Pano kung mangyari ulit? Dapat hangga't maaga ay masolve na 'to."

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. "We can't do anything. Tama siya, baka mawalan pa tayo ng school."

"But we'll not be safe, paano kung napatay yung naospital kaya ayaw nila ipaalam? Tapos nandito lang sa paligid ang killer?"

"Jane, don't overthink okay? Baka naaksidente lang yung kanina at kapabayaan ng school kaya ganun."

Tumango na lang ako at sumandal sa balikat niya. Tama siya, marami pang dapat problemahin, hindi yung ganito.

Nung nasigurado na naming wala na yung haggard na teacher namin sa first subject, bumalik na kami ng classroom.

"Oh ano? Nakapaglampungan ba kayo?" Biro ni Mae.

"Whatever, Mae." May napansin akong nakakapagtaka. "W-where's your ID nga pala?"

Napatingin siya sa uniform niya at nagtaka. Napatingin din si Kean sakin at sa uniform ni Mae. Kinakabahan ako, may kutob ako.

"Oo nga no? Naiwan ko lang siguro sa bahay."

"Ay. Nasaan ka kagabi? Mga 6pm. I was calling in your telephone kaso walang sumasagot." I lied, I didn't call. I just want to know where she is.

"Hello? May schedule nga kami ng check-up ko di ba?"

Napatango ako. May sakit nga pala si Mae, may butas yung puso niya..

"Kamust--"

"GUYS!! OMYGOD!!" napatingin kaming lahat kay Melody na hingal na hingal, mukhang tumakbo siya papunta dito sa room ah.

"Bakit?" tanong ni Serold sa kanya.

"KILALA KO NA KUNG SINO YUNG NAOSPITAL!"

Biglang umingay sa classroom, bulung-bulungan, may ibang sumisigaw kung sino.

Napayuko si Melody at tumingin samin ni Mae, "Si Ayey.." nagkatinginan kami ni Mae at parehong nanlaki ang mata.

"AYEY?! Bakit? Ano nangyari kay Eya?!" tanong ko. Ayey, nickname ni Eya. Bestfriend din namin ni Mae.

"Naospital siya kasi.. nagbigti siya."

Oh My God.. napaluha na ako pati si Mae. Si Kean naman tinatap yung likod ko for comfort.

"B-buhay ba siya? O.."

Malungkot na umiling si Melody. Napuno ang classroom ng ingay, mga iyak at mga nagtatanong kung bakit kaya.

"Hindi 'to totoo.." sinubsob ko yung mukha ko sa balikt ni Kean habang tuloy-tuloy ang pag-iyak ko.

"Shhh, babe it'll be fine." sabi niya at niyakap ako.

"Mae, Jane, sorry ah. Ako pa ang nagsabi sa inyo ng mga 'to."

I smiled weakly until a question bothered me, "How d-did you know?"

"A-ano.. kasi ano, n-narinig ko lang sa *sniff* teachers."

I nodded habang pinupunasan ang luha ko.

"Ja-jane.." umiiyak si Mae nang niyakap niya ako so I hugged her tighter, "Mae, s-si Eya *sob* bakit siya pa?"

"Bakit siya nagbigti? *sob* Nandito naman tayo *sob* kung may problema siya 'di ba?"

The Unwanted SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon