Epilogue

246 6 1
                                    

KEAN'S POV

"SHIT!" Pinilit kong maglakad kahit may saksak ako ng kutsilyo sa tagiliran.

Napatingin ako sa bangkay ni Tito Chris, "I'm sorry Tito."

"K-Kean.." takot na takot si Tita, "H-hindi ko alam k-kung bakit nagkaganun, kung b-bakit gusto niya akong patayin. Salamat sa diyos at dumating ka.."

Napakagat ako ng labi para pigilan ang sakit, "S-si Jane po?" Kabadong tanong ko.

Nanlaki ang mata niya at napatakip ng bibig, tuloy-tuloy ang agos ng luha niya, "Kasama niya kanina sa labas.."

Tangina.

"Tita, humingi kayo ng tulong. Hahanapin ko siya basta magtawag kayo ng pulis."

"Ka-kaya mo ba?"

"Oho."

Parang nawala ang sakit, pero ang totoo ay hindi ko na lang muna pinansin. I need to find her.

Nagulat ako sa naabutan ko sa 'di kalayuan, p-pinatay ni Renee si Mae. At nandoon si Jane.

Halo-halo ang nararamdaman ko pero nangingibabaw ang galak, galak na buhay si Jane. At wala na si Mae na magdudulot pa ng panganib.

"Jane" tawag ko at nanghihina na ako.

Napatingin agad siya sakin at niyakap agad ako, "Thank god you're alright." Umiiyak na sabi niya.

Ngumiti ako, "Hindi ko mapapatawad amg sarili ko kapag may nangyari sayo.. saka nangako ako diba? Na hindi ko hahayaang may mangyari sayo.. pero sana tanggapin mo ako kahit na--"

Kumalas siya sa yakap, "Ayos na Kean, basta mahal kita, ayos na.."

"I love you."

"I lo--" hindi ko na siya pinatapos dahil inatake ko na siya ng halik. Masyado akong natakot na baka mahuli ako sa pagsagip sa kanya, mahal na mahal ko siya.

Napakunot ang noo ko nang maglasang kalawang ang bibig niya, dugo. Dugo.. napadilat ako bigla at nakita si Renee sa likod niya na nakangiting parang demonyo. Naramdaman ko bigla ang bigat ng katawan ni Jane at pinigilan kong mahulog kaming dalawa.

"JANE!" sigaw ko, pero unti-unti na siyang napapikit. Namuo na ang luha sa mga mata ko. Hindi pupwede 'to!

"I want you Kean," inosenteng sabi ni Renee, "I did it. Wala ng makakahadlang satin. They're all dead, there's no unwanted students of that unwanted section anymore. And you won't feel unwanted when you're with me, I assure you that."

-The End-

Kung nakaabot po kayo dito, salamat po ng marami! First thriller/mystery story ko 'to and sobrang hirap pala! Jusko! Kaya pasensya na kung marami akong mali, lalo na sa plot, kung naboringan man kayo. Or napangitan sa ending o sa buong story mismo (huhu XD) basta salamat sa pagbabasa! ;) Sana basahin niyo rin ang ibang stories ko, karamihan nga lang ay fanfiction. At salamat rin pala lalo na sa mga bumoboto at nagcocomment. 'Yung names po ay based sa mga taong kakilala ko in person but not all. So kung may kapangalan man kayo diyan wag assumera hahaha jk! Silent readers na umabot dito, salamat din ng madami!

-Jem (@xjimenezjem on twitter)

The Unwanted SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon