Chapter 3

528 7 6
                                    

JANE'S POV

Hindi talaga ako makapaniwala. Si Ayey, wala na. Bakit naman siya magpapakamatay?

I felt anger rushing through me nang maalala ko yung narinig ko kanina. Pinapatigil ni Mr. Bermudez ang investigation. Tapos namatay na pala ang estudyante, pinatigil pa rin? I'd understand kung aksidente lang tapos nasaktan.

Kaso NAMATAY eh, ay mali NAGPAKAMATAY pala.

"Kean.. hindi pwedeng ipatigil ang investigation." sabi ko sabay bigay ng helmet sa kaniya. Inangkas niya kasi ako sa motor niya pauwi.

"Babe, listen. Nagpakamatay si Eya ang siguro by now, naimbestigahan na na baka dahil nadepress lang si Eya kaya nagawa niya yun. No further investigation needed, ang mahalaga lang ay madalaw natin yung pamilya niya dahil alam kong hirap na hirap sila ngayon."

I frowned at huminga ng malalim, "I guess you're right." matamlay akong ngumiti.

"Sige na, pumasok ka na."

"Ayaw mo bang pumasok muna?"

Umiling siya at ngumiti, "Magpahinga ka na." hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko tapos hinalikan ako sa noo.

"Ingat."

Pagpasok ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at nagkulong. Wala akong ganang kumain. Wala akong ganang manood o gumawa ng kahit ano.

"E-eya.." pawis na pawis na ako, tumatakbo ako para hanapin siya.

"*sobs* Jane.." naririnig ko lang yung iyak niya habang binabanggit ang pangalan ko.

"Ayey nasan ka?!" umiiyak na sigaw ko, "Magpakita ka please."

"Jane nandito lang ako.." may biglang humawak sa balikat ko mula sa likod.

"EYA!!" napaupo ako at pinunasan yung pawis at luha ko. P-panaginip lang pala. Pinakalma ko lang muna yung sarili ko at huminga ng malalim.

I checked my phone, 3 am pa lang pala. Ni-rub ko yung mata ko saka humikab. I'm about to sleep again nang may naisip ako. Sinasadya kaya ni Eya na dalawin ako sa panaginip? Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko hindi pa natatahimik ang kaluluwa niya. Siguro nga dahil namatay siya dahil nagpakamatay siya o may malalim na dahilan kung bakit niya nagawa yun.

Binuksan ko ang laptop and checked her facebook. Ang huling post niya..

'Had fun yesterday w/ Mae :) salamat best! At sa new friends that you've introduced me. Sayang wala ka Jane! Bawi ka ah?'

That was the day before she died. Bagong ang bahay kasi nila kaya nagpablessing sila ng bahay at imbitado kami ni Mae and our family or relatives. The next thing in the morning, ayun. Wala na siya. Siguro maaga pumasok saka nagpakamatay.

Pero bakit sa school pa?

Eya, ano ba talagang nangyari?

KEAN'S POV

Patay na si Eya. Tama lang sa kanya yun. Bakit? Hadlang kasi siya. Yan ang nangyayari kapag humadlang ang isang tao.

Pero ang inaalala ko, si Jane. Masyado siyang nasaktan. Pano siya babalik sa dati? Kailangang gumawa na ako ng paraan, nag-aalala na talaga ako.

Katatapos ko lang magshower nang may mapansin ako. There's a figure with a dark aura. Nakatingin siya sakin at unti-unting ngumisi. Ngising nakakatakot. Ngising demonyo. Tumalikod na ako sa salamin para masundo ko na agad si Jane at makapasok na kami sa school.

Sinuot ko yung helmet at nagmotor papunta kina Jane. Kumantok ako ng ilang beses bago binuksan.

"Good Morning Tita!" masayang bati ko, "Si Jane po?"

Ngumiti siya, "Ah nagbibihis na hijo. Pasok ka muna."

"Sige po." umupo ako sa sofa nila at nanood ng TV.

"Tita, kamusta po si Jane?" nag-aalalang tanong ko.

"Si Jane? Bakit? Hindi ba't kayo ang laging magkasama?" kunot-noong tanong niya.

"About Eya po, 'di ba niya nakwento?" kumunot ulit ang noo niya kaya kinwento ko na.

"Nakakalungkot naman. Mabait yung batang 'yun eh. Bakit kaya nagkaganun?" I just shrugged at napatayo na kasi dumating si Jane na puyat na puyat.

"Jane, ayos ka lang ba?" tanong ko. Bago pa siya nakasagot, si Tita naman ang nagtanong, "Kumain ka ba kagabi? At parang hindi ka nag-agahan. Nagluto naman ang yaya Nelly mo ha."

Hindi siya sumagot kaya nilapitan siya ni Tita, "Nak, alam ko na ang nangyari. Bakit hindi mo agad sinabi kagabi?"

"How? Wala ka pagdating ko. Lagi naman. Tss." walang galang na sagot niya tapos tumingin sakin na parang sinasabing sundan ko siya tapos lumabas na agad siya.

I wore an apologetic look kay Tita, "Ako na po bahala sa kanya Tita. Sige po, una na kami." ngumiti na lang siya.

Namatay ang Daddy ni Jane 2 years ago. Kaya medyo hindi na sila ganun kaclose ng mommy niya.

Lumabas agad ako and saw her standing habang nakasandal sa motorbike ko.

"Babe.." papangaralan ko na sana siya.

"Babe I don't have time for this. Saka mo na ako sermonan, intindihin mo na lang muna ako please. Kailangang kailangan kita ngayon."

Lumapit ako sa kanya at yumakap, "Hinding hindi ako aalis. I'm not like any other guy na mawawala ng parang bula lalo na kapag kailangan na. Remember Jane, kahit anong gawin mo, tama man o mali, hindi kita iiwan. You can always count on me." she separated from the hug, she's smiling now, a bit.

"I know, kaya nga ikaw ang pinili ko." napangiti ako and I handed her the helmet saka kami pumunta sa school.

Pagdating sa school, may mga tao nanaman sa canteen.

---

Author's Note: Kung may readers man ako (xD) sorry po sa sobrang bagal na update. Busy lang talaga at mahirap pala mag-isip ng mystery-thriller ideas sa story na 'to. Haha pinilit lang ako ng 2 kaibigan ko na mag-update. (Pero hindi nila sinabi ng sabay haha destiny sila) kaway-kaway Rovi Ramos! Sabi mo kasi ito lang ang story ko na type mo. Haha kaway ka rin Mae Anne Armas! Happy Birthday :) Salamat sa foods. Hahaha! Ayan na nag-update na ako for you two at kung may readers. Haha next year na ang next-UD hahaha dejk. Bye!

The Unwanted SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon