Chapter 11

243 5 2
                                    

JANE'S POV

Pumikit ako at huminga ng malalim. Panibagong araw, ano naman kaya ang mangyayari ngayon? Sumasakit parin ang ulo ko. Nagpuyat ako kagabi kakaisip. Irregular ang araw ng pagpatay sa class officers, sunod-sunod sila at nararamdaman kong palapit ng palapit ang araw na kami naman ni Kean ang bibiktimahin niya. Kaya nakapagdesisyon akong puntahan ang iba kong mga kaklase ngayon, magtatanong-tanong, pati sa pamilya ng mga namatay.

Syempre, kailangan kong sabihan si Kean. Bumaba ako para tumawag sa telepono dahil wala naman akong load.

Hindi na ako nagulat nang maabutan hawak-hawak ni Mama ang telepono. Lagi na lang siyang may kausap. Mula nang mamatay si Papa.

Naiinis talaga ako. Hindi ba niya minahal si Papa? Bakit parang ang bilis niyang makahanap ng iba. Dahil hindi man niya sabihin, alam kong may namamagitan na sa kanila nung Chris. Minsan kasi, narinig kong tinawag ni Mama ang pangalang 'yun habang hawak-hawak ang telepono.

Hindi ko alam ang magagawa ko kapag pinakilala niya sakin ang lalaki niya. Ang kapal naman ng mukha niya kung maglalakas-loob siyang gawin 'yun.

"Oo.. sige.. bye." Nakangiti niyang ibinaba ang telepono at halos mapatalon sa gulat nang mapatingin sakin. "A-Ah Jane? Good morning anak. Kanina ka pa ba riyan?"

"May tatawagan ako."

Agad siyang tumabi para makalapit ako sa telepono. Nag-dial ako ng number.

"Hello, Good Morning po. Andiyan po ba--"

"Jane!" Masayang bati niya. "Napatawag ka? M-may.. problema ba?"

"Magpapasama lang ako, magtatanong-tanong. Alam mo na."

Napapansin kong panay ang sulyap ni Mama sakin kaya tinitigan ko siya at umiwas naman siya ng tingin.

"Sige. Ngayon na?"

"Oo sana.." Kagat-kagat ko ang lower lip ko nang may maalala pagkarinig na pagkarinig ko ng boses niya. Omygod. Monthsary namin.

"Alright. Give me 30 minutes."

Should we celebrate? Parang niloloko naman namin ang sarili namin kung ganun. Dahil alam naman naming.. malapit na kaming puntiryahin ng killer.

"Okay thanks. Bye, I love you." I smiled.

"Love you more." He waited for me to hung up.

As always. Never siyang nauna na pagbabaan ako ng telepono kapag tumatawag siya. Why? Kasi sabi niya, he hates to know that he left me hanging. Totoo naman. Never niya akong iniwan sa ere. He's always with me in every hardships in my life, mula nung nagkakilala kami.

I'm so happy na parang ang tatag ng relasyon namin. Kasi kapag naghiwalay kami, hindi ko na alam ang mangyayari sakin. We're too young, but I know he's the one. He's the man that I want to be with, forever.

"Si Kean ba 'yun?" Sinundan ko ng tingin ang nagsalita, nakangiti si Mama habang sinasandok ako ng pagkain.

Lumakad ako palapit sa hapag-kainan at umupop, without breaking my stare at her.

"Si Chris ba 'yun?" I asked. Kitang-kita ko ang pagbagsak ng labi niya mula sa ngiti. Nag-iwas siya ng tingin.

"A-Ang alin?"

"Wala." Bumagsak ang tingin ko sa pagkain at sinimulang kainin ang mga iyon.

I'm disappointed. Sobra. She knew what I meant pero nagpainosente lang siya.

Hanggang ngayon ba naman, Ma? It's been 2 fucking years mula nang mamatay si Papa at maghinala ako. But you left me clueless. You never clarified anything.

Kaya hindi ko na kasalanan, kung napalayo at mas mapapalayo pa lalo ang loob ko sayo. Dahil wala akong alam, paniniwalaan ko na lang ko kung anong nararamdaman kong totoo.

Pagkatapos kung kumain ay tumayo na agad ako at pumunta sa sala.

"Hi Tita good morning po!" Agad akong napalingon sa may pinto nang marinig ang boses ni Kean.

"Kean, hijo, good morning din. Halika pasok ka.." Nakangiti si Mama sa kanya.

Kinuha ko agad 'yung mini backpack ko at 'yung jacket saka ko hinila si Kean palabas.

"T-Tita! Ay sorry next time na lang po nagmamadali po ata si Jane eh!" Pasigaw na habol ni Kean para marinig ni Mama. "Kapag po ginabi siya don't worry! Ihahatid ko naman po siya pauwi! Bye po!"

"Jane! Ano ka ba naman. Nanay mo pa rin 'yun. Galangin mo naman!" Giit niya pagkalabas na pagkalabas namin.

I rolled my eyes. "You know the story behind."

Napabuntong hininga siya habang umiiling. Lumapit kami sa motorbike niya, sinuot ko na rin 'yung jacket ko dahil lumalakas ang ambon.

"San tayo?" Inabot niya 'yung extra ka helmet niya sakin saka sumakay sa motor.

"Bahay ni Ayei." Sumakay na rin ako.

"H-ha?! Akala ko magtatanong tayo sa mga kaklase natin?"

"Unang biktima si Ayei, let's talk to her family first."

"Do you think it's the right time? Nagdadalamhati pa sila sigurado. Tapos ipapaalala mo pa sa kanila lalo 'yung nangyari."

"Pero Kean--"

"Saka na 'yung pamilya ng mga biktima, okay? Doon muna tayo sa mga kaklase natin.. na buhay pa." Namutla siya bigla. Hindi ko siya masisisi kung natatakot na siya.

But I'll make sure na mauunahan namin ang killer, lalaban ako. Hindi kami pwedeng mamatay. Or atleast si Kean.. In fact, I already have a plan kapag kami na lang ang natira sa class officers, pero h'wag naman sana. Sana mapigilan namin siya. Ngayon pa lang.

"Uhh.. wait." Dinukot ko ang cellphone ko sa backpocket ng pantalon ko nang maramdaman itong magvibrate.

"Sino 'yan?"

I shrugged. Number lang ang nagtext. Binuksan ko iyon at laking gulat ko nang-- nang makitang ito rin 'yung number na nagsabi kung kailan si Coreen..

"Do you want it to end now? Meet me. Sa iskinita papunta sa backgate ng school. I'll be waiting, Jane. Or else.. wait for me, sandali na lang, pupuntahan na kita."

Napalunok ako. Biglang nagvibrate ulit 'yung phone ko.

"Don't dare call the police. Kung hindi.. pabibilisin ko ang lahat para sa klase nyo :))

P.S. I hate waiting.."

"Kean!" Napasigaw agad ako. Nanubig ang mata ko. "Shit. Shit. Shit!!"

Masyado akong nagulat, ang bilis masyado. Bakit gusto niyang makipagkita? Bakit ako? Pero dapat, pumunta na ako diba? Ito naman ang gusto ko, to end everything as early as possible.

"Dang!" Napasinghap niya pagkabasa ng messages saka tumayo sa harapan ko.

"Kean, let's go." Huminga ako ng malalim. Inipon ko na ang lahat ng lakas ng loob ko. I need to do this.

"What?! Jane nababaliw ka na ba?!! FOR FUCK'S SAKE, YOU WANT TO MEET THE KILLER?!"

"Kean please."

Pumikit siya saglit. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayo.."

Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi niya, "Mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayo.. let's go. I want to end everything."

Alam ko naman kasing hindi niya ako papayagang pumunta mag-isa kaya ayoko ko man, hindi na lang ako nakiusap na hayaan na lang akong pumunta mag-isa.

The Unwanted SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon