Chapter 14

149 3 1
                                    

JANE'S POV

Tingin ako ng tingin sa orasan. One hour.

One hour na lang magkikita na kami ni Ayei. She texted me last night the time and place for our meet up.

I stood up and slowly made my way to the door.

"Anak? Saan ka pupunta?"

I bit my lower lip saka pumihit para humarap, "Umm.. may dadalawin lang po na kaibigan."

"Kasama ba si Kean? Delikado kasi, alam mo naman 'yung nangyayari sa school niyo."

Tumango agad ako at nag-iwas ng tingin.

"Nasaan siya?"

"On the way na Ma, sasalubungin ko na siya kasi nagmamadali na kami."

Mukha namang naniwala siya at tumango-tango, "Mag-iingat kayo."

Ngumiti ako at lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi, nagulat siya at hindi nagtagal ay ngumiti na rin.

I think I should start being a good daughter now.

"Ayei." Tawag ko sa kanya nang namataan ko siya na nag-aabang sa liblib na lugar na napag-usapan namin.

"Jane, kailangan mo ng malaman lahat."

"I'm ready."

Tumango siya at hinalungkat ang bad niya, "Ito. Panoorin mo." Kinalikot niya ang cell phone niya saka niya inabot sa akin.

Hindi na ako nagtanong pa, kinuha ko na 'yung cell phone niya. Nagulat ako nang makitang video pala ito na..

"Ano 'to?"

She looked away, "Panoorin mo na lang, Jane."

Labag man sa loob ko, pinlay ko na. Napatakip ako ng bibig. Hindi ako nagkamali, si Mae nga. Lasing na lasing siya, ang daming tao sa paligid niya. Karamihan ay lalaking mga kaklase namin. At ang iilang mga babae ay nasa gilid at tumatawa o nagvivideo.

"Hindi mo 'to alam, nangyari 'yan bago ka pa lumipat sa school. Mae was such a bitch back then, maraming naiinis sa kanya. But we're bestfriends, alam ko kung bakit siya nagkakaganun. Naiintindihan ko." Emosyonal na siya habang nagsasalita, hindi na niya mapigilan ang sarili niya, she broke down crying, eksaktong natapos na ang video kaya umupo ako sa tabi niya at pinakalma siya, but she insisted, gusto niyang ipagpatuloy na agad, "Nalasing siya. Lahat ng kaklase natin nandoon. You know, hindi mo kilala ang mga kaklase natin. Lahat sila, lahat kami, may itinatagong sikreto sa lahat, pati sayo. Napag-usapan naming lahat na kalimutan na lang 'yon. Jane, maniwala ka sakin. Hindi ako pumayag sa ginusto nilang gawin. Na pagkaisahan si Mae nang nalasing siya, na videohan siya ng hubad. But they were all angry at her. They wanted to do that, at napatahimik nila ako. Impyerno ang napasukan mo, Jane. At mga demonyo ang naging mga kaklase mo."

Nalaglag ang panga ko sa lahat ng sinabi nila. I didn't know na dinanas ni Mae 'yon. Kung kumilos siya sa classroom, parang kaibigan niya ang lahat.

"Si Mae, hindi siya nagsumbong?"

Napakagat siya ng labi at umiling, "Hindi namin alam. Basta isang Linggo siyang hindi pumasok, at nang pumasok na siya, sabi niya kalimutan na lang ang nangyari." Panay ang punas niya sa mga luhang tuloy-tuloy ang pagtulo.

Namuo ang luha sa mga mata ko, "Oh my god.."

Napasinghap siya, "Pero may kailangan ka pang malaman. Si Kean at si Mae ay magkarelasyon noon."

Naestatwa ako sa kinauupuan ko.

"Pero kahit ganun, pati ako hindi makapaniwala, he wanted to break-up with her back then but she didn't want to, pero ang hindi alam ni Mae, si Kean ang lumasing sa kanya."

Tumingin ako sa malayo at pinilit na iprocess ang lahat sa utak ko. This can't be happening..

Napatingin ako sa kanya, "P-pero, anong kinalaman nito sa patayang nangyayari?"

"You'll find it out on your own, trust me."

***

Nanghihina ako, ayokong kumausap sa kahit na sino. Hindi ko kayang paniwalaan ang mga nalaman ko. Hindi ko kaya.

Lalo na si Kean.. ayokong kausapin siya. Nakareceive ako ng text, tinignan ko ito nang makitang si Ayei ang nagtext.

From Ayei:

Jane. She told me to tell you everything about Mae's scandal. So I told you. Everything about it. Everything, na kahit siya hindi niya alam. I know, once you receive this message, mamamatay na ako. Sumunod ako sa kanya para hindi niya idamay ang pamilya ko, na sana tuparin niya. I hope you'll forgive me, sa pagtatago ng katotohanan sayo noon. Remember what I told you? Don't trust anyone. I'm sorry if your life became miserable dahil sa pagkakasali sa section natin. We were all pure devils by that time, and until now. Na pagbanayaran namin, sana masagot mo na. Sana hindi ka madamay. I love you best

Nanginginig ang mga kamay kong inilapag ang cell phone ko sa tabi, anong gagawin ko. Tulungan niyo ako diyos ko.

Mabilis ang paghinga ko, akyat-baba ang dibdib ko, pinunasan ko ang luha ko at binasa ang text nung number na ginamit ng killer.

Patay na talaga siya. Totoo na to. :)

Kinilabutan ako bigla at napahagulgol na lang.

~-~

A/N: Last chappie is up next then epilogue :)

The Unwanted SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon