Chapter 6

60 3 0
                                    

"So, saan ka dati tumitira?" Tanong sakin ni Demi. She has long, black hair and a "professional" face. Sobrang opposite ko. 

Saan nga ba ako tumitira dati? I can't remember anything, ang naaalala ko lang ay ang itsura niya habang sinasaktan si mom. The smell of alcohol. At ang mukha niyang nakangiti. Parang sinasabihan niya ako sa isip niya na "Like what you see?" Ayoko nang bumalik pa sa nangyari noon... mas maganda pa nung panahon na kasama ko sina Jan...

Hindi na lang sana ako umalis.

"Hmm?" Nagtataka ako. Bakit ba sila nakatingin sakin? Ganun ba kapag maganda ka? Tinitignan ka palagi, 24/7? Haha! Joke. 

"I was asking about where you lived before," niremind ako ni Demi. Nakatingin pa rin sakin sina Shy at Ky, habang si Demi naman nakafocus sa slorpee niya. Masharap? xD

Naalala ko na pala. Wow. Three years na akong nandoon pero nakalimutan ko. Ganun pala ang nangyayari kapag may bagay na gusto mong makalimutan nang sobra. "Sa America. Hindi ka ba nakikinig kanina nung introduction ko? Akala ko naman walang defection yang tenga mo!" Asar ko, binato naman niya yung empty na slorpee sakin. Hahaha! 

"Where in America? Pumupunta kasi kami doon ng family ko kapag may time, I just want to know," sabi niya. Well...

"Los Angeles," Simpleng sabi ko. Yeah, L.A. Ayoko doon, gusto ko rin doon. Nandoon yung mga kaibigan ko, pero doon din ako naparusa. 

Nanlaki ang mga mata nila. "WOAH! RICH KID!" Sigaw ni Shy. Ayan, pinagtitinginan na kami ng mga tao. Hindi naman kasi ako rich kid! Average lang kaya kami! 

"Hindi ah!"---hinina ko yung boses ko---"Ahem, hindi ako rich kid! Average na pamilya lang kami!"

"Really, Cass? Really?" Tanong ni Ky with sarcasm, "Half korean girl na tumira sa LOS ANGELES at may COLLECTION ng 100 na CONVERSE na sapatos para raw kapag nanakaw ang isang pares, meron pang ISA, at may ari ng SMITH BUSINESS ENTERPRISE?" That's no big deal! Company 'yan ni William. My dad. Hindi sakin yung company! At hindi nga ako mayaman!

"Okay, okay! But let me tell you this," lumapit ako sakanila at ibinulong sakanilang tenga, "my dad refuses to lend me money. Wala. Wala akong baon, wala. Yung converse ko na mga sapatos binili ko gamit ang pera sa mga part time jobs."

Nagtaasan ng kilay. "Sure kang may nabibili na 100 na converse sa PART TIME JOB na sweldo lang?"

Hindi naman kasi nila naiintindihan eh! So I changed the topic.

"Anyways, may kilala ba kayo na Jan?" Tanong ko.

Uh oh. Did I say something wrong? Kasi nagtitinginan sila. At parang may sinabi akong hindi dapat sabihin. 

"M-may kilala ka bang J-Jan? K-kaya mo t-tinatanong?" Ninenerbiyos sila. Hindi ko inakalang magkakaganito sila... lalo na si Demi.

Tumango na lang ako.

"Siya ang pinakagwapong lalake dito! Kasama si Nathan Nath Ita---este Nathan Nate Ethan Nathans. Ewan ko ba kung sinong magulang ang magpapangalan sakanilang anak ng ganun, pero yup. Kaya ang swerte mo kanina. Katabi mo si Ethan! Kaso lang kay Logan Lerman lang ako!" Kinwento sakin ni Demi. 

Nabulunan ako. Kumakain kasi ako nun ng lunch ko. Malamang. Kasi nga lunch. 

ANO? ANO? 

Wait...

GWAPO SIYA? 

Wait...

NAGUSTUHAN KO SIYA?

Kung gwapo nga siya ngayon... anyare? Ano 'to, nagbinata lang, gwapo na? Ganun? Kung ganun, sana lahat na lang ng lalake ganun, no? Para walang mga hipon sa mga kalsada. Pati mga babae. Ba't nga pala ako naging ganito? Ah, I remember. L.A. changed me. 

"Woah, mukhang shocked ka ah." Ky.

Tumango ako nang mabilis. Yeah, I'm REALLY shocked.

"Kaano-ano mo ba siya?" Nagtatakang salita ni Shy. 

Hindi ko naman pwedeng sabihin na ako si Indi. Or na dating student ako rito. My cover would be blown, at hindi na niya ako tatanggapin. 

Nagbuntong-hininga ako. "Wala. My friend just showed me his facebook at nalaman kong dito pala sa school na 'to siya nag-aaral."

Tumawa sila. Why? Did I say something?

"He's a famous artist. Artist as in nagdradrawing. And magaling siya sa dance. So Dapat kilalang-kilala mo siya. At dapat malaman mong wala siyang fb."

WHAT? Ano ba 'yan! Isang famous na guy, si Jan The Great/Alexander The Great, walang fb?

"Yun siya o," Sabay turo ni Demi. Para namang wala siyang paki kahit na sikat si Jan. 

Tinignan ko naman kung saan nakaturo ang daliri niya. Sa gitna ng canteen. Medyo malayo samin, pero halatang halata ang mukha niya. Siya ang pinakamatangkad sa buong canteen. Matangkad? Jan? Hinding-hindi pwedeng idugtong ang dalawa sa isang sentence. 

Nakita ko rin yung messy na black hair niya na nagpapagwapo sakanya at yung maputing skin niya.. and pink lips. For a guy? Woah. 

"Mukhang na-amaze ka ah," ani Ky. Oo nga. Hindi pa rin ako makapaniwalang lumaki na siya. Hindi naman ako ina or something, pero parang proud ako na lumaki siya? Ano? Ba't naging tanong? Haha! Proud ako na lumaki siya. Tuldok. 

Kasama niya pala si Ethan. Hindi ko napansin kanina nung katabi ko siya, pero lumaki rin siya! Pero dati pa rin siya gwapo, hindi lang namin sinasabi kasa inaabuso niya yung kagwapuhan niya eh. Nagmumukha na siyang ita ulit sa sobrang lakas niya magpasikat. xD

"Demi!" Nagulat ako bigla. Tinawag kami ni Jan. Or... tinawag niya si Demi. 

"Oh, by the way, close friends sina Demi at Jan kasi friends sila nung middle school," Nagsalita si Shy nung umalis si Demi para kausapin si Jan.

Nakikita ko from a distance na tumatawa si Jan at binabatukan ni Demi si Ethan but that is all I saw, kasi napansin kong nakatingin si Jan sakin at may biglang naalala. Oh no.

Sh*t. 

Umiwas ako ng tingin. 

No. No. No. Hindi dapat niya malaman na ako si Indi. No. 

Palapit na siya nang palapit, nararamdaman ko yung paglakad niya. Parang third eye? Haha. No. I should not be laughing in this situation. Nararamdaman kong pinapawisan ako nang sobra, at nakatingin sakin sina Ky, parang naweiweirdan. 

"Hey, you," pa-cool niyang sinabi. Whaaat? Cool? Haha! Hindi pala cool, parang old style lang niya. FEELING COOL. 

"Hey, me?" Tinuro ko sarili ko. You know, mahirap kapag feeling ka. Malay mo gusto lang niyang kausapin sina Shy. Sikat sila rito eh. 

"Yes, you," naiiritang sabi niya, pero nakangiti siya. Actually, hindi halatang naiinis siya kasi tinatago niya sa isang malaking ngiti pero kilala ko siya. Kahit na konting araw lang kami magkasama, kilala ko siya. This is not his smile. 

"Why?"

"I need you,"

NEED?

......................................

SORRY SORRY po talaga :)

Malapit na kasi po yung exams :D

Hindi rin ako magaling magsulat kasi po nosebleed ang tagalog! 

So... Eto na po ^-^

Siya si ???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon