Chapter 3 : Ang Nawawalang Mr. Pebbles

74 6 1
                                    

Indigo's POV

"Sino ba yang iniwanan ka ha? Parang namang nagbreak kayo ng boyfriend mo eh wala ka namang boyfriend!" Ani Erina.

"Boyfriend? Ew! I was talking about my teddy bear," Iyak ko.

Saan na kaya si Mr. Pebbles? Araw-araw, siya lang ang nakabibigay sakin ng mahal at 'warmth' na hindi binigay sakin ng ibang tao. Kahit naman kasi sikat ako sa school, aanhin ko iyon kung marami pa rin ang nanghuhusga sakin? Ayan, pati pangalan ko muntik ko nang kinalimutan, si Erina lang talaga ang nakakapagsalita ng pangalan ko without hurting me. Si Mr. Pebbles lang ang iniiyakan ko, maliban kay Erina, and hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi ko nahanap siya! 

Biglang tumunog yung cellphone ni Erina at tinignan niya ang screen nito. Nanlaki ang mga mata niya habang pinupunas ko yung mga luha ko. 

"Oh, sorry, I gotta go! Nakalimutan kong may formal party pala ang family namin sa OCR, bye," bago muna pumunta sa van nila, inutusan muna niya si Robert, yung butler niya, na buhatin yung bag niya. OCR is Oscar Current Resort, ang pinakasikat na resort sa amin. (And most expensive)

"Robert, please carry this for me," Inabot niya yung purse niya.

...

"This too," Yung supot ng candy na binili niya sa canteen. Twenty na maxx at thirty na potchi. 

...

"Oh, and this," pati yung backpack. 

Paalis na sana si Robert para ilagay lahat nun sa kotse, pero tinawag ulit siya ni Erina.

...

"Also... These?" Ngiti pa niya. Hay naku! Ang hirap kaya niyan buhatin! A lifetime supply of cardboard and markers at kung anu-ano pa. Project daw sa school? Anong project ang kailangan ng ten million cardboard?  

"Okay, Miss Dubois," simpleng sabi lang ni Robert.

"Oh, and Indigo, gusto mo mag-hire ako ng detective para hanapin iyon?"

Sasabihin ko na sana oo nang nakita ko si Jan. Ahh! Baka ma-bother ko pa si Erina! 

"'Wag na!"

"Au revoir et je reviendrai avec mon hélicoptère!" And she left. Nag-wave ako sakanya at lumapit kay Jan.

"Jaaaaan!" Hay, naaalala ko na naman si Mr. Pebbles...

Tumingin siya sakin at yun nanaman, parang nakakita siya ng multo. Nakita ko pa siyang ngumit ng konti. 

Jan's POV

"Jaaaaan!" May narinig akong pamilyar na boses na tinatawag ang pangalan ko. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko siya. At parang, sa isang saglit, huminto ang oras at nakita ko siyang patakbo sakin. Sinasaniban na ata ako ni ita sa mga sinasabi ko!

Nagtataka siguro siya kung bakit parang nakakita nanaman ako ng multo. 

"Tulungan mo 'kong hanapin si Mr. Pebbles!" H-ha?

"Sino 'yun?" Pinigilan ko yung sarili kong tumawa. Baka kasi iniinsulto ko siya. Pfffft! Mr. Pebbles! Graduating na siya from elementary may Mr. Pebbles pa siya! Haha! 

"=,= sige, tumawa ka lang, wala akong paki. Akala ko pa naman hindi ka kagaya nila, 내가 틀렸어," Iiyak na ata siya. T-teka! Hindi naman ganun! Paano ba magkorean ulit? Korean ba siya? Ha? Paalis na siya nang hawakan ko ang kamay niya.

"A-ani, m-mianhae?" Hindi ko alam kung ano yung sinabi ko. Natutunan ko lang sa mga kaklase kong babae na kumakanta ng kpop, when they don't know the hot and handsome guy is already in their classroom---me!

Pinunasan niya yung mga luha niya sa namumulang mata niya. Tapos kusa na lang siyang tumawa.

"psssh.... HAHAHA! HAHAHHAHAHAHHAHAHA! HAHHAHAHAHAHHAHAHAHA!" Nagmukha akong ewan. Bakit kasi kailangan magsalita pa ako ng korean na 'yan? 

"H-hindi ko alam na m-marunong ka palang m-mag korean!" Tawa niya. 

Naiinis na ako.

Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit at ngumiti.

"Tama na 'yan," Tingin ko sakanya, "hanapin na natin si Mr. Pebbles mo, I'm sorry for what I did."

'Yan, hindi na siya tumatawa! 

Pero ang problema lang ay...

Isang buong oras na kaming naghahanap sa campus...

Saan si Mr. Pebbles?

..................................

Sorry sorry sorry talaga po kung mabagal ako mag-update! Pero sana po magustuhan niyo ito!

Siya si ???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon