Chapter 7: Play

50 4 0
                                    

"I need you,"

A-ano?

"A-ano sabi mo?" Tanong ko. Malay mo hallucination lang pala.

"I need you."

"Ano? At tsaka my name is Cass, by the way =,=," Tanong ko ulit. Malay mo nananaginip lang ako.

"Tsk," Mukhang naiirita siya pero ngumiti siya, "I need you."

Tinuro ko yung sarili ko. Nakanganga pa ako, pero hayaan mo na. Kahit isang daang langaw ang pumasok diyan.. Shocked na shocked pa rin ako. "A-ako ba? B-bakit?"

Please wag mong sabihing kilala mo ako...

Please wag mong sabihing kilala mo ako...

Please wag mong sabihing kilala mo ako...

"Oh, kasi naghahanap ako ng model para sa drawing na gusto kong gawin," ika niya.

Ahh yun lang pala——-teka.... di ba kapag model mag nu nude?

Ewwww!

"Uhm, busy pa kasi ako eh," Palusot ko. Sana naman maniwala siya! Ayoko mag nude! Please!

"Don't worry, saturday yun," Oh my gosh. Saturday? Saan kami pupunta? Sa bahay niya? Oh my gosh. Ayoko talaga mag nude! Tulungan niyo ako!

Hindi ko na kaya! Please.... Lumapit ako sakanya at binulong para hindi naman nakakahiya, "hehe, Ayoko mag nude kasi eh... humanap ka na lang ng iba, yung gusto maghubad sa harap ng lalake..."

Nakita ko namang namula yung pisngi niya. Tapos umiwas siya ng tingin.

"I-it's with clothes. H-hindi ako nag nunude," tinignan niya ako, seryoso,"I respect girls."

O-oh. Ganun pala. Awkward.

So...

Nagtinginan lang kami.

"Pre, tara na, may cute na babae doon o, crush ka raw, haha!" Yaya sakanya ni ita nung lumapit siya samin.

"So you found a model, huh?" Sabi ni ita. brinush niya yung hair niya at may mga nagtilian na mga babae sa likuran namin. Hindi talaga halata ate. Hindi talaga halata.

"OHEM GEE ANG GWAPO MO NATHANNNNN!!"

Hinding hindi talaga halata ate. Akala ko nga wala kayo eh.

Tumango si Jan at tumingin siya sakin. This time a sincere smile. "Give me your number,"

"Uhh... ***********."

Binigay rin naman niya ang number niya.

Kinuha niya yung cellphone niya kay Demi na ninakaw iyon sakanya kanina para maglaro ng Flappy Bird. "Got it. I'll just pick you up on Saturday, just text me your address. Late na kasi kami—-I mean tayo," Oh crap. Late na nga kami. Hindi ko napansin kasi nakatulala pa rin ako eh. Gumwapo si Jan... pero kitang-kita ko pa rin yung Jan na maliit! Haha.

Nung tumatakbo kami papuntang classroom, napansin kong pumunta si Jan sa sarili niyang class. Katabi lang pala ng samin. Huh.

...

"Good afternoon class!" Maligayang bati ng guro namin sa English. Kakaiba siya. Friendly, sweet, at parang magiging ka-vibes namin. Habang nakabukas yung pinto ng classroom, nakita ko si sir Julio na tinitignan si Ma'am Iris (English teacher) at umiwas ng tingin. Ayiee! Blush pa more sir!

"Today I'm going to inform you that I'm planning a play. If you want to join, talk to me," wika niya. Yes! Finally! Mahilig kasi akong mag-acting pero wala pa akong nakitang opportunity para mag-act dito sa school na 'to. Mukhang hindi sila masyadong active sa mga plays. Mas active sila sa dance... which I would like too pero interested talaga ako sa mga plays. Buti na lang naisip ni ma'am na gumawa ng play!

"The play is about Romeo and Juliet, but it will have a twist. I have already made a decision to make Romeo as Jan, so if you're interested in the male lead role, please choose another role,"

Oh no. Pinaplano ko pa sanang maging lead role... pero baka mabuking ako eh the more I spend time with him, the more he knows...

Great.

Siya si ???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon