Chapter 8

42 4 1
                                    

Magtataas kaya ako ng kamay? W-what if...

"Ahm, ma'am," tinaas ko yung kamay ko pero konti lang. Yung parang hanggang balikat lang. Hindi pa kasi ako sure kung sasali ako...

"GREAT! Cass, you're in!" Nagulat naman ako. Hindi ko pa nga sinasabi kung bakit ko tinaas yung kamay ko eh! Oh well. 

"Uhm ma'am, wala bang audition or something?" Nahihiya kong sinabi. 

"Meron! Ikaw ba, sino yung gusto mong role?" May binigay sakin si ma'am na isang papel ng mga roles at ang kanilang info. Siyempre, tinatarget ko si Juliet, kaso... Hay, sige na nga! Oo na!

Tinuro ko yung pangalan ni Juliet sa papel at iwinagayway iyon. Parang watawat lang, ganun? Pinakita ko sa mga kaklase ko with my war face. Sabi nga nila, face your fears, di ba? "Ma'am! I want to be... JULIET!"

Nagnod na lang siya habang nanlaki yung mga mata niya. Siguro hindi inisip ni ma'am na magiging "vocal" ako. Yung mga kaklase ko naman, kung ano-ano yung pinagbubulungan. Ewan ko kung ano. Wala naman akong pake, basta gusto ko mag-acting! Kung kokontra sila, tandaan muna nila na ako ang pinakamagandang babae sa buong universe. *flips hair*

"TAMA NA KASI!!!!"

Nagulat naman ako nang biglang sumigaw si Demi. Nakatayo pa siya, Nakatulala rin si ma'am. Clinear ni Demi yung throat niya at binabaan yung boses niya. "Kayo diyan, para naman kasing mga langaw na ang ingay ingay! FYI, rinig na rinig ang mabaho niyong boses! It's her decision, okay? At hindi nga niya kilala si Jan, so huwag nga kayong mang-aakalang gusto niya si Jan kaya lang siya sumali," at umupo na siya ulit habang nagfliflip ng hair. T-T Ano ba yun? 

"P.S. Tandaan niyo, walang kokontra samin ni Cass, Ky at Shy. Dahil sila ay maganda, at ako naman ang natatanging---DYOSA!" 

Ang ganda talaga ng, uhm. speech niya. Na-touch naman ako (by touch I mean napaubo nung sinabi niyang diyosa siya). 

...

It's already the end of my first school day... parang andaming nangyari. First, nag-agree akong maging model ni Jan para sa painting niya on Saturday, second ay nakilala ko sina Demi, third, sumali ako sa isang play na kasama pala si Jan. I'm so doomed. 

Anyways, hinintay ko na makarating yung kotse namin na dinadrive ng, obviously, driver. Sino pa ba? Pero iba yung nakita ko sa labas ng gate ng school. Mukhang pamilyar, pero hindi ko talaga maalala. Parang yung nakita ko lang si Jan kanina, mukhang pamilyar, pero hindi ko maalala yung pangalan. Sino ulit siya? 

Babae siyang naglalakad lang sa labas ng school. Parang wala lang. Pero nakasuot siya ng uniform, and I know na schoolmate ko siya. Tinry kong tignan yung ID niya, pero hindi ko masakto yung timing. Baka mamaya pagkamalan akong magnanakaw or something.

Wait.. teka... bigla akong nakaramdam ng lamig... at malakas na hangin. Tumingin ako sa taas.

ANO!? BAKIT MAY HELICOPTER SA TAAS? 

Nanlaki ang mga mata ko at nakita ko siyang ngumiti sakin. Inabot niya ang kamay niya, siguro para magshake hands? 

"Hello. I'm Erina Dubois, heiress of Dubois Companies, and I'm guessing you're one of the Smith family, huh?"

Teka... ERINA? Woah! Anlaki ng pinagbago niya. First of all, umikli ang buhok niya, siguro pinacut niya, at hindi na siya mukhang bata! Talagang dalaga na siya... Ako kaya? xD

Nagshake hands kami at tumawa ako kasi naaalala ko pa yung mga ginagawa namin nung bata kami. "Y-yeah. How did you know?"

"Don't forget, miss Smith. Our company and yours are partners."

Ohh, hindi kasi ako pinapayagan ni dad na makialam sa trabaho niya. Nuisance lang ako eh. Tsk. 

Umakyat na siya sa ladder papuntang helicopter habang nagwawave. "Adieu!"

Teka... parang nangyari na 'to dati ah.. Ah oo nga pala! Palagi kasi siyang nag frefrench kung aalis na eh, feeling naman niya naiintindihan ko yung sinasabi niya. Mag googoodbye na rin sana ako sa korean para hindi rin niya alam kung ano yung sinabi ko pero naalala ko na hindi pala ako korean. I'm american now.

...

Dumating din yung driver at nakauwi na ako.

"I'm home," Tinatamad na bati ko nung nakarating ako. Binaba ko yung bag ko sa kwarto ko sa 2nd floor at bumaba para makausap si William. Nandun siya sa living room, nagpapahinga. Tumingin siya sakin at walang emosyong nagpakita sa mukha niya. 

"Cass, didn't I tell you to clean the living room before you go to school? It's a f***king mess," Iritang ika niya. Nakakainis talaga si William no? Uutusan ako eh wala na nga akong time para maglinis! Pero hindi ko nalang siya kinontra... baka ano pang mangyari. 

"Okay, William, calm down."

"Calm down? Didn't I tell you to call me dad? You're a part of the family now, and I told you to clean up. If you don't," May kinuha siyang crowbar... Oh no... Tumakbo ako papuntang kwarto pero nahila niya ako at nadapa ako. Wala akong makita, yung bangs ko kasi nasa way ng mata ko. 'Wag! Please...

"If you don't... I will have to punish you, won't I?" Nakangisi niyang sinabi.

Tinamaan niya ako gamit ang crowbar at sa sobrang sakit, hindi na ako nakagalaw. Natamaan ang likod ko. Parang may nasirang kung ano, at umiyak ako sa sahig. Tumutulo na ang luha ko. Hindi ko na talaga kaya... Somebody..

"William! Stop," Narinig kong sabihin ni mama, pero hindi ko na marinig yung iba. Ang alam ko lang ay bigla na lang akong nahilo at parang nag brown-out. 

...


"Indi..." narinig ko ang boses ng isang lalake. 

"S-sino yun? At tsaka... h-hindi ako si Indi.." pagsisinungaling ko.

"Indi... Mahal na mahal kita."

...

Siya si ???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon