Chapter 15

12 0 0
                                    


Indi's POV

Hindi ko alam kung anong nangyari...

Asan ako?

Binuklat ko yung mga mata ko at tumingala ng kaunti.

May puting dingding at sahig, at nakahiga ako sa isang kama... nasa clinic ba ako?

Pagharap ko, nakita ko si Jan na nakatulog. Nasa isang upuan siya na malapit sa kama, at nakapatong ang ulo niya sa hita ko.

Naabot ko yung buhok niya't hinimas-himas ito. Aaaaa. Ang cute niya. 

"...Mmm..." Napatawa naman ako kasi parang nagsasalita siya habang natutulog. 

"Mmmnh... Indi..."

Bigla kong tumigil sa paghimas ng buhok niya at nanlaki ang mga mata ko. Parang hindi ako makahinga. A-ano? Alam niyang ako si Indi?

Oh my God. May nangyari ba? 'Di kaya nahulaan niya---'di kaya ininvestigate nila ang past ko or something?

Napatingin ako sa kulay asul na kumot na nakabalot sakin. Nagkaroon ng maitim na mga bilog-bilog, at napansin kong umiiyak na pala ako. Hindi ko mapigilang hindi makahinga. Pinipilitan kong hindi mag-ingay para hindi magising si Jan, kaso tumutulo lang ang mga luha ko. 

"Mmh." Gumalaw siya at nakita kong magbukas ang kanyang mga mata. Nagulat siya dahil nakita niya ako at binalot kaagad niya ang mga kamay niya sa aking katawan. 

"Cass okay ka lang ba?" Hinigpitan niya ang yakap sakin. "May nangyari ba?"

Nanginginig ako na ewan, na para bang hindi ko masabi ang nais kong sabihin. "A--*hiccup*--" shit, naghihiccup ako. "A--*hiccup*--alam mo, na---na, ako si I---Indi," hingal na sagot ko. 

Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sakin. Hindi niya ako binitawan. "Oo."

Pinatong niya ang noo niya sa balikat ko. "Oo, alam ko."

Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko. Ayaw kong mag-ingay pa. "Oh my God."

Pinilit kong humiwalay sakanya at nakatayo na ako. Inayos-ayos ko ang damit ko at nagsapatos na. Tinignan ko siya, at nag-soften ang features ko. "I'm sorry. I need to go."

Nahihingal pa rin ako pero okay lang. Gusto ko lang umalis. Nakakahiya na nakakatakot na ewan. Nagpaalam ako sa nurse at mukhang concerned siya sakin. Siguro pulang-pula na ang mukha ko no? Haha. 

Sinubukan kong punasan ang mga luha ko sa pisngi ko pero ang sakit. Ang hapdi at kahit naman na punasan ko ito, iiyak din lang ako ulit. 

Tumingala ako para bumaba yung luha. Eto ang palagi kong ginagawa, lalo na nung nakatira pa kami sa America. Titingala ka lang, tapos babalik ang mga luha mo sa mata mo. Pros: hindi ka nila makikitang umiyak. Cons: Diyan lang 'yan, forever. Hindi na babalik. HIndi mo na mailalabas, at masakit.

Pero okay lang, basta hindi ko lang maipakita na umiyak ako.

I'm so pathetic. Lahat na lang pinapalala ko. Alam ni Jan na nagsinungaling ako sakanya. I'm supposed to be his friend. And I just lied to him, sinabi kong ibang tao ako kahit na ako ang dating crush niya. 

Gusto kong maging Indi ulit, I swear. Gusto kong bumalik doon sa time na graduation namin at wala pa akong worries. Gusto kung bumalik sa panahon na bata pa lamang ako at wala akong paki. Gusto kung bumalik sa time na nagkakacrush pa ako sa isang dork na kagaya ni Jan. Yung Jan na sabi ko hindi tatangkad. Yung Jan na plain-looking, pero yun pala masayang kasama.

Gusto kong maging Indi.

Pero I'm Cass, eh. 

Pumasok ako sa CR. Alam kong ito ang only place na hindi ako mahahanap ni Jan. 

Siya si ???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon