Chapter 10

69 2 0
                                    

Eto na...

Kaya ko 'to...

Pipikit lang naman ako di ba?

Sige, pikit na ako. 

Palapit na siya sakin. 

Pikit ka lang!! O\\\O

Pikit ka lang?

T-teka?

Pipikit?

Aish!

Pinikit ko na ang mga mata ko pero natamad sa kakahintay. Hay naku! Antagal naman ni Jan! Sabi nga sa script magkikiss daw, edi magkikiss! Psh, andami pang inarte.

Eh, bakit naman ako sang-ayon sa script.

Pagbukas ko ng mga mata ko, nakatulala lang si Jan sa harap ko, at ang sama ng tingin niya kay ma'am. Parang tumatawa rin si ma'am eh. Inirapan ko siya. 

"Mam!! Andaya naman kasi nito, eh Grade 9 palang kami," Nagpout pa ako with matching 'aegyo' sounds. Haha! Pati si Jan nanggaya, nag wink pa siya! 

Tapos nagdrama mode na naman si ma'am Iris. 

"Ganito kasi ang ESSENCE ng isang play, students," Tapos kumuha siya ng isang upuan at tumayo doon, "It is the ROMANCE and the DRAMA that makes it beautiful. Romeo and Juliet is a STUNNING play about two star-crossed lovers, and we have to act with all our might, and we will never give up. Because we are the crew that will make this play the best!"

Ha? Anong kinalaman ng madayang script sa sinabi ni ma'am? Hanudaw?

AISH!

Tumingin ako kay Jan at inirapan siya. "You. We won't kiss, alright?" 

Nakita ko naman siyang ngumisi. "Don't you know na maraming babaeng gustong mahalikan ako? Tsk. Swerte ka nga't favorite ka ni ma'am kaya ka niya pinili bilang Juliet."

Ah, ganun ah? @#%$&*!*@#^$@ !! Eh, ganyan na pala si Jan? Hmph. Akala ko naman parang nung elem siya, pero hindi! Akala ko naman hindi siya sumasang-ayon sa script, tapos sasabihin pa niyang swerte ako't mahahalikan ko siya? Ew! Siya kaya yung swerte! Yup, alam kong crush niya ako nung elem! H-halatang-halata! P-psh. 

Flinip ko na lang yung hair ko sa mukha niya at umalis na dahil sabi naman ni ma'am tapos na ang practice. Hay, I was expecting the play to be exciting. Panira naman kasi yung Jan na yun! Pasabi-sabi pa ng I think you're pretty tapos ganyan? Huh?

Uuwi na ako! Tutal wala naman akong gagawin sa school. Late na rin at ayaw ko nang makita yung pagmumukha nung napakaantipatikong ewan na yun!

*Boink*

Awww! Sino yun ha? Hay naku naman! Lord! Napakaswerte ko nga ngayon at may nakabangga ako! Ang sakit pa naman, nadapa ako? Nababaliw na ako, naiinis at natatawa? Hahahahaha.

Ah. Si It—-este, Ethan pala. O, ayan. Fans ni ETHAN, masaya na ba kayo? Buti naman hindi na 'ko FC. Psh.

Grabe. Sa ganito kasi na oras, hindi dapat ako iniinis! "Next time kasi, tumingin ka sa dinadaanan mo kundi, malay mo mamamatay-tao pala ang nabangga mo!"

Wa epek yung sinabi ko sakanya. He didn't get the hint. tsk. "Miss, swerte nga ako at hindi mamamatay-tao ang nabangga ko, kundi isang anghel gali—-"

*Pok*

Sinuntok ko siya sa tiyan pero hindi naman ganun kalakas. Yung tipong mapapalipad ka lang sa kinaroroonan mo, ganun. "Anghel pala ah? Hindi man lang magsorry, tsk."

Sorry talaga Ethan. Friend kita dati, pero kasi naiinis ako diyan sa bestfriend mo. Aish! 

"Uy, ita, anong ginagawa mo diyan?"

Narinig ko si Jan the Bwiset sa likod ko, inaalalayan si Ethan. Nafeel ko yung mga mata niyang tumitingin sakin. Siguro alam na niyang ako ang may kagagawan nun. Who cares, anyway? Galit pa rin ako, no. 

"You. Ikaw si Cass?" Tumingin ako sa likod ko, and yes, nakatingin nga siya sakin, at masama ang tingin niya. Well...

"Yes, bakit?" 

"Hindi na pala," Sabi niya at umalis. 

Is he talking about yung sa modelling?

Tsk. Fine! Hindi ko naman kasi gustong maging model! At tsaka baka mamaya gawin niya pang baboy yung mukha ko. Psh. =,=

...

Huminahon na ako at ngayon nasa kwarto na ako mag-isa. Buti na lang may business trip si dad at wala siya ngayon. Tumingin ako sa bintana na katabi ng kama ko, at narealize ko na sobrang shunga ko kanina. As in. Hindi man lang ako nag-sorry sa mga inasal ko, tapos nadamay pa si Ethan. Hindi ko naman kasi sinasadya, nagulat lang ako dahil nag-iba na pala si Jan. Tapos gusto ko pa sanang maging kaibigan si Jan muli. Ewan ko ba, parang hindi ako nag-iisip nun... 

I'm sorry. Really sorry.



Siya si ???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon