Chapter 14: Haters Gonna Hate

27 1 0
                                    

Indi's POV

Pumasok na ako sa school. Still, hanggang ngayon, iniisip ko pa rin yung nangyari sa party... Simula nun, palagi na kaming nagkikita ni Jan, parang best friends na kami. Kapag lunch, kumakain na ako kasama sila tapos siyempre sumasali sina Ky, Shy at Demi.

Morning classes as usual, nothing special. Napabuntong-hininga ako nang marinig ko ang bell. Lunch na pala.

Pagkalabas ko sa classroom, may narinig akong nagsitilian. Hay naku, alam ko na kung sino yung mga yun.

Grineet ako ni Demi, Shy, Ky, Ita at Jan sa corridor.

"Hi," ngiti ni Jan sakin. Of course ngumiti rin ako sakanya, pero medyo nahihiya. Ewan ko kung bakit, ang weird.

Itong lima na 'to, sila talaga ang mga sikat sa school eh. Si Demi, Ita at Jan, dati nang sikat, siyempre kasi mga RK, pero sina Shy at Ky, simula nung naghang out sila kasama nina Ita at Jan, bigla na lang nagkaroon ng increase sa friends nila sa FB. I mean, dati na silang naghahang out kasama si Demi, but dahil kina Ita, mas lalo pa silang nakilala ng mga ibang students dito.

Ako naman, ewan ko kung anong nangyari sakin. Siguro naging abnoy kagaya nila.

Pumunta kami sa cafeteria, tapos nasa harap ko si Demi, Shy at Ky while si Ita at si Jan naman nasa kaliwa at kanan ko. Napapansin kong umiiling si ita kapag nagtatama ang mata nila ni Demi. Hmm... Parang may something. Si Demi naman, 'lang pake sa mundo, kumakain.

Andami kong pinag-iisipan, about sa life, sa company ni William, at most especially kay Erina Dubois, Kaya hindi ako masyadong nakinig sa mga kaibigan ko.

"So Cass, sasama ka ba samin?"

Bakit parang hindi siya nagpapakita sa school? Di ba student naman siya? Hmm...? Saan kaya pumupunta si Erina? Ang dami kong tanong pero wala namang sagot.

"Cass?"

At tsaka meron pa ba yung butler niya na si Robert? Baka wala na kasi mukhang matanda na rin siya noon eh.

"Huy Cass!" Binato ni Demi sakin yung Slurpee niya.

"AW MASHAKET! Ano ba?" HInawakan ko yung noo ko kung saan saktong naitama ni Demi yung Slurpee.

"Pupunta ka ba sa Birthday party ni Jan sa Saturday? September 26, remember?"

Of course. Paano naman hindi ko maaalala? Palaging nireremind sakin nung mokong na yun, humihingi ng regalo =,=. Pero, siyempre naman bibigyan ko siya ng regalo, kaso 'di ko pa naisip kung ano.

Tumango na lang ako sakanya, tapos after that, nagkaroon ng iba't ibang conversations at umalis na rin kami sa cafeteria para pumunta sa classes namin.

Nasa corridor na kami ng 2nd floor papuntang classroom nang mapansin kong may nakalimutan ako.

Tumigil ako, so pati na rin sila Ita. "Teka lang guys, sorry. Huhu, nakalimutan ko yung bag ko sa baba."

Nagkamot ng batok si Ita. "Sige okie lang yun, sama na rin kami sayo, tutal matagal pa bago time."

Bumalik kami sa cafeteria, tapos hinanap namin kung saan kami umupo kanina, at nakita ko yung bag ko nakapatong sa lamesa.

Pero parang may kakaiba.

Si Ky, inobserbahan yung bag ko. "Guys, may napapansin din ba kayo?" Sabi niya habang nakatutok pa rin sa bag.

Tumingin kami lahat sakanya para sa sasabihin niya. "Hindi rito nilagay ni Cass yung bag niya. Sa isang upuan niya nilagay. Nakabukas pa yung zipper. May gumalaw sa bag mo."

Siya si ???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon