Chapter 12: Siya Si... Jan?

33 1 0
                                    

"Uhh... Hi?"

Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o ano... I don't know T^T Tulong plith.

Kaharap ko ngayon si Jan, at nagtagpo ang aming mata. As in yung eye contact na matagal. Katabi ko naman si ita na parang walang paki na sobrang tense ng air kasi nga may ginawa akong mali. Talaga, ita? Di mo ba ako tutulungan?

Si Demi naman ngumiti sakin at nag wave nung umupo ako pero hindi na rin ako pinansin. I guess I have to fight this battle alone, huh?

Sige, eye to eye tayo Jan. Tignan natin kung sinong mananalo.

Hmm...

Hmm...

Hmm...

=,=

AHA!!!

YES. AKO NANALO.

Tumayo ako at nag victory dance sa harap. WOOHOO! YEAH! OH YEAH, OH YEAH. TAKE THAT JAN!

Tapos nung tumigil na ako, napansin kong lahat ng mga mata nakatingin sakin. Clinear ko yung throat ko at nag-isip ng rason... hm...

"Guys, di ba ang ganda nung choreography? So Nathan, what does the Nathans Family's company think about this way of advertising?"

Tulala lang si ita, parang walang narinig. Nakatingin parin silang lahat sa akin, at kinailangan ko pang magbulong kay ita. "Psst. Sabihin mo 'it's okay'!"

Agad-agad siyang tumango. "U-uh. Eet's okey, magandang ideya?"

Tapos natuloy ang mga conversations nung mga tao, at di na ako yung focus nung party. Napaupo ako at pinunasan yung pawis sa noo ko. Yes, nakalusot ako T^T.

Teka...

Tama ba yung naririnig ko?

Si Jan ba yun? Na... Tumawa?

Tumingin ako sakanya na nakayuko tapos parang may pinipigil, at namumula yung pisngi niya. Napansin niya sigurong nakatingin ako sakanya kaya siya umupo nang maayos.

Flinip ko yung hair ko kasi masyado nang malapit sa mukha, fc yung bangs ko eh.

Tinignan ko na naman si Jan. Para kasing hindi mo maiwasan? Yung parang nagpapanggap ka na di mo siya gustong tignan, tapos iniiwasan mo siya pero palaging dumarating ang mga mata mo sakanya? Nakapatong yung ulo ko sa kamay ko habang pinagmamasdan ko siyang nakayuko pa rin.

Grabe. Kitang-kita mo talaga yung mga pinagbago niya. What the eff happened to him while I was in America? Bakit ganun, feeling ko left out ako sa pagiging teenager or something? Parang ako lang di nagdalaga? Bakit ganun, lahat sila binata't dalaga na, ako saktong five feet lang? Anyare?

Speaking of anyare... "I-este, Nathan, bakit andito si Jan?" Napatingin sakin si Nathan, at magsasalita na sana siya nang umimik si Jan.

"Grabe ang sakit sa puso, Miss Cass. Ganun ba ako ka mukhang taong grasa para di mag-attend ng formal na party?" Ngumiti siya sakin habang naglalaro sa iphone niya na kinuha niya sa bulsa niya.

Si Demi naman ang nagsagot sa tanong ko, unlike si Jan na walang ginawa kundi sagutin ang tanong ko, with another question. Seriously?

"Kaya rin nga sikat si Jan, rich kid 'yan eh!" Turo pa ni Demi sakanya.

Bigla namang naging defensive si Jan. "Ako? Rich kid? Hindi! Pinapunta lang ako ni papa rito."

Tumawa naman si Demi. "Eh bakit andito yung papa mo?"

Napatahimik niya si Jan.

"Kasi siya yung nagmamay-ari ng halos lahat ng resort sa Pilipinas..." Bulong niya.

Nagulat naman ako. Di naman siya mukhang mayaman, actually. Parang simple lang. Tapos nagsimula ang pagloloko at pang-aasar kay Jan.

Natumba si ita sa upuan niya sa kakatawa dahil kinukwento niya yung istorya nung pagkayaman nina Jan. About two years ago ata?

"Hahaha. Si Jan kasi gumising isang araw, ta's nakita raw niya yung nanay niya sa kwarto niya sumisigaw. Ta's tinanong niya. Ta's sabi niya---" Si Jan tumuloy nung sinabi niya.

"Sabi niya, 'NAK NANALO TAYO NG LOTTO!!!'"

Napatawa na lang kaming lahat habang umiiling. xD Pero woah. Ang baba ng boses ni Jan. Ang cute O///O.

Pinansin ko si ita na may katext sa iphone niya. Tapos after that nagbuntong hininga siya at nilapag yung phone niya sa lamesa. "Guys, papunta na yung Lee at Cruz pamily. Yung Dubois pamily naman daw di makapunta. May ginagawa sa Pranse."

"Ano ba yan sayang men, hinihintay ko pa naman si Erina. Chicks pre." Narinig kong magreklamo yung isang lalake sa lamesa namin.

After a few minutes, parang di na ako makahinga nang mabuti. I always hated these kinds of parties. Yung tipong masyadong pormal at yung mga magulang mo lang ang masaya. Kasi yung mga kasama ko nagdala ng iphone at ipad. Ako nakalimutan kong i-charge. After kong inuntog yung ulo ko sa lamesa, lumabas muna akong OCR para huminga ng fresh air.

Wala akong nais na mag-stay sa party na yun. Wala naman kasing magagawa roon. Hindi ko alam kung saan ako tutungo pero ganito naman yung buhay no? Di mo alam kung saan ka papunta pero what matters is you get there. Kaya para akong shungang naglalakad papuntang kahit saan, hanggang napansin kong may malaking garden pala sa labas ng OCR. Kaya doon na lang ako nag-stay.

May nahanap akong bench at tsaka nagpahinga muna doon habang pinagmamasdan yung mga bulaklak sa ilalim ng dilim ng gabi. Sa konti ng nangyari the past few days, lahat ng supposed to be na ginawa nun nangyari ngayon. Andami kasing events ngayon. Di nakaya ng ulo ko, and worst, di na kaya ng puso ko.

Kasi naman, si Jan, kainis, maha-heart attack na ko sa kakatingin niya sakin, tapos kung titignan ko siya, iiwas. Ano yun? Bakit ayaw niya akong tignan? Is there something wrong? Tapos si ita naman, parang walang pake sa amin. Doesn't he know the situation? O may amnesia siya at nakalimutan na niya yung nangyari dati?

"O, anong ginagawa mo rito, nag eemote mag-isa? Sama naman ako."

Napatayo ako nang marinig ko yung pamilyar na boses na iyon. Nang tumingin ako sa likuran ko, nandoon siya, hawak-hawak ang isang maliit na teddy bear na pinaglalaruan niya. Habang nakatayo siya sa kinaroroonan niya, hindi ko na maiwasang mapangiti.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang lakas ng tibok ng puso ko, at hindi ko maiwasang mapangiti, at kahit anong gawin ko, nananatili yung ngiti sa aking mukha, parang nakapintura na. Lumapit siya sakin at ibinigay yung teddy bear.

Napaupo kaming dalawa, at huminga siya nang malalim. "Ang boring nung party no?"

Tumango na lang ako.

"Minsan, kapag naboboringan ako o kapag malungkot ako, o kapag nalilito ako at di alam ang gagawin ko, tumitingin na lang ako sa teddy bear na 'yan."

Hinawakan niya yung kamay nung teddy bear habang nakalapag iyon sa ibabaw ng hita ko. "'Yan si Mr. Pebbles. And I don't know kung anong iniisip mo ngayon, pero I guarantee you na kahit sobrang lungkot mo man, mapapangiti't mapapasaya ka niya."

Mr. pebbles...

Nung nginitian ko siya, bigla siyang umiwas ng tingin. But after a few seconds, he smiled back.

Doon ko lang natagpuan na after all these years, the reason why even if bata pa kami nun, the reason why I still remember what happened during our Graduation day, is because fate told me to stay, listen, and follow this path. At ngayon, kitang-kita ko na kung saan papunta yung path na yun.

At dahil doon, the next day, friends na kami ni Jan.

.............A/N.............
#friendzoned hindi naman ata no? Basta what matters is bati na sila :D yay.

Siya si ???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon