Chapter 11

12 1 0
                                    

"The moment you do something wrong, everything falls behind you."

Yun ang nakita ko nung binuksan ko yung facebook ko. =,= Minsan talaga nagkakataong may status sa news feed mo na hugot nang hugot. 

Aba siyempre nilike ko yung status kasi nakarelate ako.

Pinatay ko yung computer tapos pumunta sa kama... It's Sunday, at marami nang araw ang lumipas pagkatapos nung incident. Andaming nangyari sakin nung nangyari yun. Feeling ko palaging nakatingin sakin yung mga fans nina Ita at Jan, tapos maririnig kong nangtsitsismis sila sa cr...

And the worst thing is iniiwasan ako ng 99% ng buong school.

*KNOCK* *KNOCK*


"Sino yun?" Sabi ko habang nakahiga. Tinatamad akong buksan yung pinto, hindi naman nakalock eh. 

May nagsalita. "Ma'am si Jenny po. Sabi ni Mrs. Smith may party daw mamayang six o'clock sa OCR, and as the only daughter of the family required daw na pumu--"

"UUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUGH! Yes Jenny... later. T^T" 

Hindi ko na pinatapos si Jenny, yung assistant ni mama, at nanatili na lang sa kama. Alam niyo pa rin ba yung OCR? Hindi? Ilang chapters pa lang nakalimutan niyo na. Haaaaaay kabaw.

*ahem* OCR. Oscar Current Resort. Please refer to Chapter 3 for more info. 

Anyways. Sigurado akong plano na naman ito ni William. It's not just a party, it's this super boring party where I have to participate and converse with people I know, in tagalog, ito ay isang party na punong puno ng mga shunga, FC, at kung anu-ano pa. Alam ni William na ayaw kong nakikipag-usap sa mga businessmen at mga anak nila, hindi ako interesado. Pero it's his way of testing me, parang gusto niyang makita kung bibigay ako o ano. At ginagamit niya si mama bilang taga "push" sa akin. 

After five minutes pumili na lang ako ng isang itim na knee-length dress at dark red heels. Kahit ano na, ang importante naman di ako magwawala sa party. Kasi I tend to do that. A lot. Ang boring kasi tapos mga arranged marriage at kung ano ano pang mga lumalabas sa talsik laway nilang bunganga ang pinag-uusapan. Di ba pwedeng mga masasayang topic? Dance? Rich Parents? Basta kahit ano huwag lang yung arranged love love na yan. -.- Kulang na lang bad boy tapos magiging cliche love story na yung buhay ko. 

...

 Kasama ko si mama sa Limo at nakarating kami sa OCR in no time. Pagpasok namin, medyo marami nang tao, and then may mga papalapit sa amin. 

Normal lang naman to eh, medyo nasanay na ako, pero hindi ko pa rin maiwasang ma-shock, magulat, at matulala nung makita ko siyang papunta samin, nakangiti, at naka formal attire. Protocol: Smile. Pero bakit di ko iyon magawa? Bakit nakabukas lang bibig ko, tapos walang masabi? 

"Hello," nagsalita yung matandang lalake sa tabi niya. Hindi kami nagtinginan, mukhang ayaw namin ng sitwasyon na ito. 

Si mama naman, ang saya saya. 

"Good evening, Mr. Nathans! What a nice party we're having, yes?" 

T^T No. Di pwede. What. Bakit. Shhhhhhhh...

"Oh, who is this? Is this your son?" Turo ni mama dun sa pamilyar na lalake. Nooooo.

"Yes, this is Nathan, the heir to my company. And I assume that she is your daughter? Miss... Miss Cass?" 

Tapos iniwanan nila kami dito na nakatayo, habang sila pumunta sa isang lamesa. Ang awkward nung atmosphere, tapos walang umiimik sa amin. 

"So..." Sabi ko. La eh. 

Umubo siya. "Apology accepted. Di ako bakla para masaktan sa ginawa mo. Tutal weak naman yun. OA lang si Jan kasi crush ako nun. Hahaha."

Bigla akong natulala. Di ko ineexpect na sasabihin niya yun. At medyo nagalit din ako ng konti kasi sabi niya weak daw ako sumuntok. Hmph. Malakas na nga yun eh. 

"So... sasali ka sa aming tinatamad na mga anak?" Tinuro niya yung lamesa dun sa corner, may mga kasing taon naming nag ce cellphone at walang paki sa party. He reached his hand out for me, at kinuha ko iyon. Hmm...

This party may not be so bad after all. Hanggang may nakita akong figure doon sa lamesang pinupuntahan namin. 

Holy Siopao. 

"So dis is Cass J. Smid, dohter op yu know... Basta! Siya," tinuro niya ako at umupo na ako sa isang vacant na seat. "Cass, meet Sam Peralta, Cindy Garner, Michael Sira, Vira Park, Demi Oaks and..." Napaubo siya. "Jan de los Reyes."

Yoshioka Putaba. Oh no. 

...A/N...

EHMEHGED NAKAKAHIYA SORRY!!! Sobrang, sobrang late akong nag update. As in. Buong bakasyon di ako nag-update. Busy po eh, pumuntang ibang bansa xD. Siyempre kailangang i-savour yung moment. *bows* SORRY TALAGA >.<. Mag uupdate din ako bukas para masaya ulet haha. Tapos yung BTS Fanfic ko pa... waaah. Follow me if you like kpop and potatoes <3. Peace out. *Flies away*

Siya si ???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon