Chapter 9

51 3 0
                                    

Paggising ko, nasa kwarto ko na ako. May band aid din sa kamay ko kasi ang alam ko tinamaan din ako dun. Ang sakit ng pakiramdam ko. 

Biglang nag ring yung phone ko na nakapatong sa isang table, at tinry kong kunin. Aray... ang sakit...

Tiniis ko at nakuhan ko na rin iyon. Nang tignan ko kung sinong nagtext, si Jan pala. Bigla na lang ako napangiti. 

'Alam kong matagal pa ang saturday, pero saan bahay niyo :D?'

Nagtext ako kaagad. Ewan ko kung anong nangyayari sakin, pero simula nung nakilala ko ulit si Jan at si Ita--este Ethan, parang gumanda ang buhay ko. I mean, meron pa rin naman si dad pero umokay naman kahit onti ang mundo ko :) Bihira na lang siya gumuguho. 

...

'Banana split or Apple pie?'

'Banana split. I love cold things :)'

Isang oras na kaming nagtetext ni Jan... hindi ba siya nasasawa? T.T Sabagay, ako rin naman hindi pa nasasawa, okay na okay pa ako! Sige, text lang ng text, hangga't maubos ang load ko!!

Bigla naman akong nakarinig ng tunog, parang pinto na nagbubukas, kaya tumingin ako sa pinto ng kwarto, at nakita ko yung mukha ni mama. Hindi ako tumingin sakanya. Sure, mahal na mahal ko si mama, and without her, hindi ko na sana nakilala si Jan, hindi na sana ako ipinanganak, pero simula nung pakasalan niya yang William na 'yan, nawalan na ako ng ganang mabuhay. Ayaw na ayaw ni mamang nasasaktan ako dati, at nilalagyan pa niya ng band aid yung mga sugat ko, pati ngayon ayaw niya pa ring nasasaktan ako, pero dahil kay William nasaktan ako. We went to America to commence a nuptial. My mom and him. Nagulat naman ako, siyempre, pero ipinagpalit ni mama si papa para sa pera. Normal korean lang naman kasi si papa, at mas gusto ni mama ang mayaman. Ayan, hindi lang nawala ang mga kaibigan ko sa school sa buhay ko, pati rin ang kaligayahan ko. Araw araw... paulit-ulit... pinapalit pa sakin ni DAD ang pangalan ko kasi nakakasuka raw yung korean name ko. Walanghiya daw kasi si papa kasi hinayaan lang niyang mapunta si mom sakanya. Ang swerte nga niya hindi siya binugbog ni papa! Basag ang mukha niya nun!! =.=

Napansin kong hindi na nagrereply si Jan. Pati rin ako. Pero I have another concern. Mom.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Padabog? Nagagalit? Ewan ko. HIndi ko alam kung paano ko sinabi yun, pero ang alam ko naiinis ako sakanya. Dati pa. 

Yumuko naman siya. "I'm sorry for William... minsan hindi naman siya ganun."


Sumigaw naman ako. Umiiyak na ako pero hindi ko na lang yun pinansin. Nakatingin pa rin ako kay mama para malaman niya na dapat lang magsorry. Dapat lang.. "Jiralhane!"

*SLAP*

Bigla naman akong nakatanggap ng isang malakas na sampal kay mama. Lahat na lang namumula sakin. Ang mga mata ko namumula sa kakaiyak, ang pisngi ko namumula dahil sa sampal.

Akala ko nang onti mahal pa rin ako ni mama. Konti lang... pero hindi pala. Pati rin pala siya... ayaw na nilang magkorean ako...

"Tumahimik ka! Bawal mag korean dito, sabi ni WIlliam! At hindi ganyan magsalita sa nanay mo!" 

Umalis na siya sa kwarto ko at naiwan ako doon, naiinis, umiiyak, malungkot, naiirita, masakit.

Hindi ko naman ginawa 'to dahil trip ko lang. Ewan ko kung sinaniban ba ako o ano pero binuksan ko yung phone ko at nag text kay Jan. Hindi ko na alam kung anong nilagay ko dahil nakatulog na ako...

...

Pagdilat ko ng mga mata ko, umaga na pala. School day ngayon ah. Naligo ako at kumain, and it was as if walang nangyari kahapon na hindi maganda. Yung mga maid namin, walang sinasabi, kahit naman alam kong narinig nilang umiyak ako kahapon. Hindi ko na rin binother na tignan yung cellphone ko kung ano yung sinend ko dahil siguro naman matino. I'm not the smartest, pero hey, may utak ako no! :D

Pagpunta ko sa school, tinakpan ko yung malungkot kong mukha. I mean, hindi ko naman gustong makialam sila, di ba? Baka mamaya ano pang gawin ni dad. Ugh. 

Pagdating ko, nakita ko si Shy na nagwawave sakin. Kasama niya sina Demi, pero busy sila eh. *ahem* busy na nagtetext? Ewan ko ba kung sino yung tinetextan nila dun pero mukhang masaya naman sila kaya hindi ko na lang sila pinakialaman. Pablush blush pa nga si Ky eh! 

"Don't mind them, may sariling mundo mga 'yan!" Tawa ni Shy. Sinilip ko kung sino tinetext ni Ky at may nakita ako. Pero konti lang. Ayoko naman maginvade ng privacy. Nakasabi...

'jake'

"HI KY!" Ngiti ko.

"Ay, Jake!" 

HAHA. NADULAS NA SIYA XD.

"Jake pala ah? Hay naku, bahala ka na nga!" Sabi ko. Of course, hindi ko siya pababayaan ng ganun lang. Siyempre naman, aasarin ko muna siya. 

Nung nag lunch na, naglakad kami papuntang lunch. Nung lumalakad kami, nakasalubong namin sina Jan. Si Ita at si Demi nagcocommunicate in their own alien language habang ako naman nakatitig kay Jan ng ewan. Hindi ko alam. Gwapo siya... pero ewan ko...

Ngumiti naman siya sakin pero umiwas din kasi malay ko ba. Parang namumula nga siya eh.

"Oy, pre, ba't ka ngumingiti? Ayiieeee! Baka naman kasi----asdflkdahfsdgjhsdkg"

Tinakpan ni Jan yung bunganga ni Ita at hinila siya papuntang canteen. Nagshrug na lang ako. Parang ang weird niya ngayon ah. Usually naman "pa-cool" si Jan pero ngayon hindi. By usually I mean kahapon and the days when I was in America. Aigoo :>.

Nung makarating kami sa canteen, nakita ko si Ita at si Jan sa isang table kasama si Demi. Parang instinct naman ni Deming makasama sila =,=. Kulang na lang magdikit na sila ni Ita para hindi na sila humiwalay. Lakas ng kutob ko na crush ni Demi si Ita eh. Gwapo naman. Goddess and handsome match, right? At ang sweet kaya nilang dalawa, palaging nag-aasaran. Hahahaha. 

May gusto sana akong tanungin kay ita pero 'wag na sabi ko... baka mamaya kung ano pang isipin niya kaso..

"Ita!"

Bigla kong napasigaw. Nagulat naman siya sakin. Pati rin si Jan. Nanlaki pa yung mga mata niya eh. May masama ba sa ginawa ko? Tinawag ko lang naman---

sh*t. Sinabi ko Ita. Eh di ba tawag sakanya Ethan? Si Jan lang ang nagtatawag sakanya ng ita. Nag-isip ako ng palusot at nakaisip ako ng isa, bago pa makarating si Jan sa lamesa namin.

Parang nakatingin siya sakin at iniisip na medyo suspicious ako. Nag relax lang ako at pa-simple lang. "Why? Parang surprised kayo ah?"


"Sino ka? Walang tumatawag kay ita ng ita. Ako lang."

Huminga ako ng malalim, Relax, Cass...

"A-ah... kasi narinig kong sinasabihan ni Demi si Ethan ng ita... k-kaya... Pasensya na. Siguro masyado akong FC no?" Patawad ko.

May mga narinig naman ako sa paligid namin nagbubulungan.

"Buti naman inamin ni ate."

"Haha, talaga, FC nga. Kala niya kung sino. And my Ethan is NOT an ita! Eww"

"ugh, feeling."

Nakakainis naman kasi Cass! Second day of school tapos ganyan ka na! Nakakainis ka na!

Poker face si Jan pero may sinabi siya. Lumapit siya sakin at may binulong at unti-unting lumaho ang lungkot na bakas sa mukha ko. Pinangiti niya ako... Ang sabi niya...

"Don't worry about them, because even though you think you're FC, I think you're p-pretty."

Bigla naman akong nagblush. Ewan ko. Basta what he said made me feel happy. Kasi may mga tao palang nagiisip ng ganun. Akala ko kasi pangit ako... sinasabi kasi sakin ni dad... pero siya...

"Thank you," Ngiti ko. 

Well...

I guess wala ngang nagbago kay Jan. Mukha lang ^-^

Siya si ???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon