Chapter 2: Awkward

145 6 7
                                    

Chapter 2: Awkward

--

Shiela's Pov

"Oy, Kamusta partners nyo? Nakausap nyo na ba?" Tanong ko sa tatlo.

"Yeah, wala naman akong problema sa partner ko. At isa pa naging close naman kami ni carlo last year kaya walang problema" sabi ni lee sabay kagat sa kinakain nyang sandwich. Nandito kami ngayon sa foodcourt, lunch na eh.

"Ako din, close naman kami ni Gab kaya ok na rin" sagot ni abby. Kainggit naman. Buti pa sila close na sa partners nila :3

Napatimgin ako kay jamie kasi iniintay ko yung sagot nya. Aba ang babae, nakatulala lang sa wala. Ano kaya iniisip neto?. Hmmmm......

"Hoy!!!" Sigaw ko kay jamie.

"Ay jacob" sabi nya. Jacob? Hahaha iniisip nya si jacob.

"Uy ikaw ah. Haha di makaget ober te? Musta usapan nyo kanina ni Jacob your loves yieee" pinopoke poke sya ni lee. Huli ka Girl!

"Ha? Anong jacob my loves ka dyan na sinasabi?" Patay malisya pa to. Tss

"Totoo naman eh. Haha" dagdag pa ni abby. Ako na nga rin. Makikisali na ko.

"Iniisip mo parin si jacob noh? Ha? Ha?" Namula sya!

"Eh kasi naman eh. Nahihiya ako kanina sa kanya. Alam nyo ba kanina. Hindi ako nakapagsalita dahil,, hay ganon siguro talaga kapag kaharap mo na yung crush mo, nabubulol na yung dila mo" at nagdaydream na naman sya.

Kung tatanungin nyo kami ni henry. WALA! As in wala kaming pinagusapan hinintay lang namin na matapos ang oras kahapon. Kahapon kasi yung meeting namin eh.

So tell me, anung magiging resulta ng sayaw namin ni henry? Arghh dapat kasi si joshua nalang eh. Isang nice guy sa klase namin at Close ko naman kasi sya kahit papano.

At yun nga, nagkwentuhan nalang kaming apat. Tungkol sa buhay, sa studies(na si jamie lang ang interesado), about sports( si lee lang rin ang interesado) at about sa crush na kaming dalawa ni abby ang interesado. Haha. And the rest is history.

。。

"Class, stand up, ituturo ko na sa inyo ang mga steps. So Boys, sunduin nyo na ang mga partners nyo" sabi ni mam de guzman. Adviser namin. Sya daw kasi ang magtuturo eh.

Since magkakatabi kaming apat. Unang sinundo si lee, sunod si abby, then si jamie na kinikilig kilig pa at syempre ako...... WALA PA. tinignan ko naman yung partner ko. Andun sa upuan, naglalaro ng Cellphone! Eh sa dahil mabait ako, ako ng sumundo. Nakakahiya nga sa kanya eh -____-

"Oh henry! Baka gusto mong tumayo na at ituturo na satin yung steps. Saka paalala ko lang, nakatingin si mam sayo kanina ay hindi pala sa cellphone mo, hula ko, gustong gusto na nya yan kuhain kasi nakakahiya daw sayo, ikaw nalang kasi ang hinihintay ng klase. Hmm?" Grabe ang haba ng speech ko. Bat ba ko nagsalita ng mahaba sa kanya. He's not worth of my saliva you know.

"Henry, could you please stop that and stand up already. All your classmate are ready. And also shiela, nakakahiya dahil sya pa ang sumundo sayo. Tsk. Tsk"sabi ni mam. Yeah right! Nakakababa ng ego yung ginawa ko ah.

"Sorry mam" sabi nya at tumayo na rin. Kinuha nya na yung kamay ko at pumwesto na to.

Habang nakatingin kaming lahat kay mam na itinuturo yung steps. Hawak hawak nya parin kamay ko. Owkayy??

"Uhm henry" napatingin sya sakin.

"Bakit?" Di ba sya nakakapansin?

"Uhm yung kamay ko." Yumuko ako para tignan yung kamay namin.

Binitawan nya bigla yung kamay ko. "Sorry" sinagot ko nalang sya ng "Okay" at nagpatuloy na kami sa pakikinig kay mam.

"Ok class kayo naman" what?? Agad? Agad? "Boys, ipwesto nyo yung mga kamay nyo sa bewang ng mg babae at kayo naman girls sa shoulders ng boys" Anak ng tinapa naman oh. Bakit ganun yung pwesto?

Tinignan ko naman tong si henry. Parang nagaalinlangan pa sya eh kaya ako na mismo ang kumuha ng dalawa nyang kamay at nilagay ko sa bewang ko at ako naman inilagay na yung mga kamay ko sa shoulders nya. Nagtama ang mga mata namin, at nginitian ko sya and he smiled back. Medyo matangkad sya sakin pero keri na rin.

"Ok next step, sway lang kayo ng sway habang naka eye to eye kayo" Sabi ni mam.

Pero syempre hindi ako nakipageye to eye. Di ako sanay noh! Kaya ang tingin namin no henry magkaiba ang direksyon. Di rin naman kami pansin ni mam dahil nasa likod kami.

Tinignan ko naman yung tatlo. Si lee, nakikipageye to eye kay carlo. Si abby naman, syempre harutan sila para siguro mawalaang awkwardness sa isa't isa. Eto namang si jamie, hindi din sya makatingin pero etong si jacob tinutusok yung bewang ni jamie sinisigaw nya pa nga na mataba daw si jamie. Haha napatawa tuloy ako.

"Bakit?" Tanong ni henry. Siguro nasa isip neto na baliw ako dahil magisa akong tumatawa.

"Wala" sabi ko ng nakapoker face. Close ba tayo? Bakit ang tsismoso nya? Tss.

"Ahh" yun lang nasabi nya.

Sabi ni mam, sway sway lang daw kami. Siguro after ilang sway pinagpahinga na kami ni mam. Grabe ah. Nakakapagod palang tumayo at magsway. At syempre, isama mo pa yung may nakahawak sa bewang mo at minsan nagnanakaw ng tingin sayo. Gosh! Its Awkward, you know that guys? Syempre hindi kaya ko nga sinasabi sa inyo eh. Tss.

。。

The next day....

"Guys! Practice daw uli!!" Sigaw ng classmate kong close kay mam.

At syempre dahil sa mababait ang mga classmate ko, nagtayuan na agad sila. Excited makasayaw ang crush nila. Haist buti pa sila :3

Tinignan ko naman tong partner ko. Aba. Nasaan na yun? Bakit hindi sya nakaupo sa upuan nya at nagcecellphone? Tss. Baka absent.

"Shiela" Ay taong palaka! Sino yun? Pagkalingon ko. Aba. Nandito na si henry at ako ang sinundo. Nakakahiya naman kasi pag ako na naman ang sumundo eh.

"Uhm tara na, dun na tayo sa stage" sabi ko saka naunang maglakad. Hindi ko alam kung bakit ako naiilang kay henry. Pero sabagay, kahit isang taon na kami magclassmate, hindi ko naman kasi sya kinakausap or pinapansin. Kaya siguro ganun nalang ka-awkward ang situation namin. Haayyy. Sasanayin ko na nga yung sarili ko kay henry. Kakausapin ko na sya talaga lagi. Promise!!

Just a single stepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon