Chapter 9: Kulit
--
Shiela's Pov
"Ayoko nga!" Sigaw ko sa dalawang babaeng to. Tss. Ang kulit.
"Sige na shiela! Please may kailangan lang kaming patunayan" sabi ni abby.
Nandito kaming apat sa tambayan namin sa school grounds. Maaga pa naman eh. Kaya nagkwekwentuhan muna kami. Trip nila ako ngayon -___-
"Oo nga sige na shiela pumayag ka na. Para rin naman sayo yun eh" sabi ni jamie na nakapagpataas agad ng kilay ko.
"At ano yung pinapatunayan nyo at anong para sakin rin yun? Anong maganda idudulot kung makikipagclose ako kay jacob at kunware crush ko sya. Paki explain nga. Panget nyu!" Saka ako tumawa. Haha.
Pero back on the topic, gusto nilang .dalawa na sabihin ko daw na crush ko daw si jacob. Tss. Ano namang magandang idudulot nun?
Di pa nga ako nakakagetover sa pagalis ni payat makikipaglandian na ko agad. Aba! Kataksilan yun kay payat noh. haha. Lels.
"Edi ano pa. Edi pagseselosin namin si henry!" Si henry? Ano namang kinalaman nya dito?
"Pano napunta kay henry yun? Eh diba si jacob? Gulo nyo" pagrereklamo ko.
"Hay nako shiela. Ganto yun, gagmitin mo si jacob para pagselosin si henry" -jamie.
"Eh bakit ko naman pagseselosin si henry?"
"Kasi nga napapansin namin na may feelings sya sayo" -abby. What?! Si henry may gusto sakin? Imposible.
"Weh?? Di nga??" Akala ko kasi si payat lang nagkagusto sakin eh. Ayan naalaal ko na naman si payat ~3~
"Oo nga!!!" Sabay nilang sabi ah.
~Bell rings~
"Oy bell na!" Sigaw ni lee samin. Kaya naman tumayo na kami.
Eh kung gawin ko na kaya? Haaaayyyy sige na nga........
Bago kami pumasok sa loob ng classroom nagsalita muna ako.
"Oy payag na ko"
"Payag saan?" Aba patay malisya pa tong si jamie -____-
"Tss. Payag nang pagselosin si henry" medyo hininaan ko pa yung boses ko kasi baka may makarinig samin eh.
"Yes!!!" Para namang nanalo tong dalawa kaso kung magsaya wagas. At nagapir pa. Tss. Babaw.
Pagpasok namin ang saya saya nila. Samantalang kami ni lee. Tahimik lang. Badtrip ako eh. Di ko lang alam kung anong problema si lee. Mamaya ko na tatanungin. Tinatamad ako eh. *yawn kaantok. Psh.
Antagal pumasok ni sir ngayon ah. Napalingon ako sa kumalibit sakin. Tinaasan ko lang to ng kilay.
"Simulan mo na" sabi ni jamie.
"Simulan ang alin?" Takang tanong ko.
Napapokerface nalang sya "edi ano pa, yung operation: pagselosin si henry....... makakalimutin ka na ba shiela?" Umiling iling pa sya. Ahhhhh... yun lang pala yun... tsss. Di naman kasi mahalaga kaya di ko na inalala.
Napadukdok nalang ako sa desk "paano ba yun sisimulan?" Bulong ko.
Nagulat nalang ako ng may bumulong sakin "Isigaw mo na crush mo sya"
Bumangon ako sa pagkakayuko at humarap kay jamie "sya? Sinong sya?"
Inikot nya ang mata nya. "Edi sino pa ba. Si jacob. Isigaw mo na crush mo sya" saka sya ngumiti ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
Just a single step
Novela JuvenilSingle step at prom... Single step to be your friend.... AND JUST A SINGLE STEP TO BE YOURS. © ImJayne 2015