Chapter 25: Dream or Part of past?
Third person's Pov
"Oy pre" bati ng isang lalaki sa kakapasok palang na lalaki sa private room nilang magbabarkada.
Tumango lamang ang lalaki.
"Kamusta ang gala kasama sya?" at dahil dun sa tanong ng isa pa nyang barkada ay napangiti na naman sya.
"Mukhang alam ko na ang nangyare ah. Nakafirst base ka na ba?" maloko talaga ang isang to. isip nya.
apat silang magbabarkada, hindi sila magkakapareho ng school pero they find time to reassure that they will have a bonding with each other. yun nga lang may nawalang isa.
"Baliw!" sigaw nya dun sa pinakamaloko.
"Naalala na ba nya?" tanong naman ni boy genius.
sumimangot sya "Hindi eh"
Lahat sila ay napabuntong hininga nalang.
"Maalala nya din ang lahat" sabi nung isa na kaagaw nya dun sa hindi makaalala.
Tipid na ngumiti lamang ang lalaki.
**
Shiela's Pov
NAGISING ako nang maramdaman kong may parang dumidila sa kamay ko.
Bumangon ako to find it out na its only a dog. San naman galing to?
Nakatulog pala ako sa sofa dito sa may theater room, buti hindi sumakit likod ko. at saka pala dinidilaan ng aso yung kamay ko kasi nakalaylay lang ito.
Its a chitzu puppy. Aww so cute. kinarga ko ito at inupo sa lap ko.
Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang maids na may dalang boxes.
Anong meron?
"Gising na pala kayo maam" sabi nung isa.
"Ay hindi tulog pa ko, kaya nga nakita nyong nakadilat ako diba?" sabi ko at inirapan sila.
"Ay bumalik sa dati" rinig kong bulong nung isa dun sa isa.
Puro isa diba? simple lang yan, di ko kasi alam names nila at wala akong balak na alamin.
"Oo nga eh, parang kagabi lang ang bait bait"
"Pwede ba, kung magbubulungan kayo gusto ko yung tipong di ko maririnig ha"
"Sorry maam" sabay nilang sabi.
"Whatevs, so what was that boxes for?" I asked while looking at that two boxes na dala nila.
"Ah maam nakita lang po namin kanina sa may gate, nakapangalan po sa inyo kaya ibibigay po namin sa inyo"
"Akala po namin nasa may kwarto kayo yun pala nandito."
Tumango ako. Gusto ko man silang barahin hindi ko magawa. sayang sa laway. "Eh san galing tong puppy?"
"Kasama po nitong boxes, eh nasa kulungan po yan kanina. nabuksan po nung isa kaya siguro tumakas at napunta dito" paliwanag nya.
*arf arf*
Napatingin ako dun sa puppy nang bigla syang tumahol. I smiled.
"Pakilagay nalang dyan sa may lamesa" yung pinaglalagyan ng pagkain pag manunuod ka ng movie.
Nilapag naman agad nila yun ay umalis. Tinignan ko ang phone ko.
50 missed calls and 5 texts
Aba! sino tong tumatawag?
chineck ko kung sino yon.
Gosh! si mark to! bat ba kasi nakasilent to at ayan tuloy hindi ko sya nasasagot.
BINABASA MO ANG
Just a single step
Teen FictionSingle step at prom... Single step to be your friend.... AND JUST A SINGLE STEP TO BE YOURS. © ImJayne 2015