Chapter 14: Chat
--
Shiela's Pov
Wala pa rin sila mam.
Sa friday na pala yung concert. Sa makalawa na pala. Wednesday na ngayon eh.
Kaya heto uli kami. WIFI!!!
"Uy tignan nyo to" sabi ni lee sabay turo sa iphone nya.
Yung dalawa lang ang tumingin, ako hindi. Alam ko na kasi yan -___-
Picture nya kasama si valdez -_____- Yung volleyball player ng ateneo. Volleyball player kasi si lee, nakalimutan kong sabihin.
"Waaaaaahhhh, Grabe lee! Dream come true mo na yan ah? Nice" commento ni jamie habang nakatingin parin sa iphone ni lee.
"Sana kami rin ni jamie, hay ang hirap kasi nyang abutin eh" Drama ni abby. Tinaas nya pa yung dalawang kamay nya. Yung parang may hinihingi or kinukuha mula sa taas.
Tss. Magdadrama na naman sya about kay eliz. Crush este mahal ay ewan! Basta ayun. Eh ang pangit naman ni eliz eh. Mukhang ewan -___-. Saka di matalino yun, fourth year na sya at nasa last section sya.
Binatukan sya ni jamie kaya natauhan sya sa pagdedaydream nya.
"Ayan ka na naman eh. Di ka pa titigil? Kitang ikaw na nga ang iniiwasan ng tao pero ano? Ikaw pa tong si tanga na naghahabol sa ayaw magpahabol" sermon ni jamie.
Nagkatinginan kami ni lee. At pag ganyan, ALAM NA!
Pumalakpak kami ni lee ng sabay at pansin namin na napatingin samin ang buong klase pero wala kaming pakelam.
Wag nilang sirain ang moment naming apat!
Taka naman yung mukha ni abby at jamie kaya nag salita ako.
"Kelan ka pa naging love doctor jamie? Akala ko ba engineer-ing kukunin mo?" Sabi ko.
"Yun pala papayo ka about sa pag-ibig" lee.
"May pinang huhugutan teh?" Dagdag ko pa.
Mula sa pagtatakang mukha ni abby naging mukhang ewan na. Pano ba naman kasi, sumali na rin sya sa pagpalakpak at pagtawa namin.
Heto namang si jamie. WALK OUT.
haha.
Lumingon samin yung anim na lalaki.
"LAGOT!!" Sabay sabay nilang sabi with matching daliri pa yan. Yung hand gesture na Lagot sign talaga.
Psh. Kaartehan lang yun ni jamie. Kita mo babalik rin yun.
Inirapan lang naming tatlo yung boys.
Whatever!
Nag'tss' nalang ang boys sa pag-irap namin at bumalik na sa dati nilang ginagawa.
Pagtatablet -____-
Kami namang tatlo. Gadgets rin. Hehe. Nakikipagchat nga ako kay payat eh ^ ^
Mark: Hi liit! Musta? Hooooh grabe ang lamig dito. Sana nandito ka :(
Shiela: Hi too payat! Ok naman. Lamig? Teka nasan ka ba? Di mo kasi nabanggit eh T3T
Mark: Naiimagine ko yung mukha mong nakapout. Masarap kayang ikiss yan?
Ramdam kong namula ang buong mukha ko. buti nalang wala sya dito kundi aasarin na naman nya ung mukhang kong kamatis na sa pamumula.
Shiela: Baliw! Sapak gusto mo?
BINABASA MO ANG
Just a single step
Teen FictionSingle step at prom... Single step to be your friend.... AND JUST A SINGLE STEP TO BE YOURS. © ImJayne 2015