Chapter 5: Junior's Promenade

128 8 4
                                    

Chapter 5: Junior's Promenade

--

"Students.and teachers, welcome to Junior' Promenade Batch 20**" sabi ni mam del rosario. Host namin.

Nakaupo kami ngayon dito sa table. Di ko pa nakikita yung anim (henry, jacob, kian, ivan, zach, and aaron) dahil magkaiba ang pwesto ng tables nila. Pero im sure na wala pa rin silang pinagbago. Siguro gumwapo sila ng konti. Konti lang naman.

After so many ceremomies ng principal, at may ari ng school. Tinawag na ni mam del rosario ang Section I. Ok naman yung sayaw nila. Shocks! Ang ganda at ang gagwapo nilang lahat ngayon. Para ngang hindi mga nerds eh. Pero ang alam ko konti laag nerd dyan eh. Sadyang masisipag lang sila, kaya sila nalunta sa first section.

Sunod na kaming tinawag ni mam. Kami naman ang sasayaw. Sinali ni mam yung steps na susunduin kami kaya eto kami. Habang hinihintay yung start ng kanta, i mean pagkinanta na yung lyrics. Then nag start ang intro. Eto lang talaga masasabi ko.

Anak ng tinapang nilaga sa mainit sa tubig na may halong asin!!!!!

Ang Gagwapo nila..... Lalo na si HENRY......

Nakalapit na sila sa amin. Kinuha na nila ang kamay namin at pumwesto na kami sa harapan. Nilagay na ni henry yung kamay nya sa bewang ko at nilagay ko naman. Nagkatitigan kami at ngumiti ako.

"You look beautiful tonight." Sabi nya.

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug

Shemay! Bakit ganto kabilis ang tibok ng puso ko? Dont tell me bumalik na naman yung feelings ko kay henry? Gosh.

"I know right. But thank you anyway" prom ngayon. Gwapo naman sya kaya di ko sya susungitan.

Dumating na yung part na iikot na ako sa kanya. Eto na... hay salamat.

"Buti nasalo mo ko" sabi ko habang hini nakatingin sa kanya. Duh. Nakakahiya kaya.

"Sabi ko naman sayo eh. Hindi kita hahayaang malaglag" seryosong sabi nya.

"A-ah o-okay" saka ako ngumiti ng awkward.

After nun marami kaming sinayaw pero tahimik lang kami ni henry.

"Thank you Section II, now let's give it up for Section III!!!!" The crowd applause at nagsimula nang sumayaw ang Section III.

At syempre kami umupo na (malamang). Nagulat pa nga ako dahil imbes na kaming apat ang nandito eh nadagdagan pa kami. Naging sampo tuloy kami. Sakto nga sa seats eh.

Guess who kung sinong nakiupo samin? Aba syempre yung anim. Kailangan daw kasi na katabi mo yung partner mo. Psh. Pero yung iba nakipagpalit. Eh sa dahil nga close na kami sa anim na to. Sumama sila sa amin.

Henry Ako Jacob

Ivan Jamie

Zach Abby

Kian Aaron Lee

Gara nga eh. Pinaggitnaan ako ng dalawang lalaki tas ako pa nakahiwalay sa tatlo -____-

Siguro after ilang minutes. Natapos na yung mga sayaw sayaw ng bawat section. Pitong section lang naman kami eh. Haha. Kumain daw muna kami tapos pwede na daw pumunta sa gitna para sa free dance kuno. Psh. Para namang may magsasayaw sakin dito. Ay may nakalimutan pala akong sabihin sa kanilang lahat este sa anim pala.

"Boys, aaminin ko, You all look handsome tonight" sabi ko with matching smile pa yan. Wide smile pa nga eh. Yung tipong mapupunit na mukha ko sa ngiti. Pero syempre KaOAen ko lang yun.

Nagulat nalang ako dahil hinawakan ni jacob yung noo ko na para bang may sakit ako. Tss.

"Bakit ba?" Pinalo ko yung kamay ni jacob. Kainis.

Just a single stepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon