Special Chapter: Henry's Side

21 1 0
                                    

First day of class

"Oy pre, may chix tayong kaklase oh" sabi ni jacob.

Bagot ko siyang tinignan "Pake ko dyan"

"Tss" nasabi niya nalang.

Tinignan ko yung harapan, meron ngang mga chix. Tss. Nagpapakilala na sila.

Ang arte ng mga teacher. Third year high school na kami tas may mga nagpapakilala pa. Dapat wala na eh.

"Hi! Abby Roxas here! Hope we all be friends!" Nakangiting sabi nung abby daw. Maganda naman siya, medyo chubby lang.

"Ako nga pala si jamlid cereza. Jamie nalang" Maganda rin tong jamlid ay jamie pala. Mukhang masayahin.

"Lee lanohana pala" sabi nung lee. Mukhang mataray pero maganda naman.

"Hi lee! Can i call you mine?" Napatingin kami kay ivan na sumigaw. Natamaan na ang lintek!

Nginitian siya ni lee at umirap "Sorry. Not available"

Dahil katabi ko si ivan. Tinapik ko siya sa balikat "Okay lang yan pre"

"Tss. Di ako susuko"

Napailing nalang ako. Natamaan eh. Wala na tayong magagawa.

Nagfake cough si maam. "Ms. Samonte, kindly introduce yourself"

Samonte? Shit. Siya ba yan? Pero pwede ring hindi. Maraming samonte sa mundo. Pero......

Tinignan ko yung samonte na sinasabi ni maam. Siya nalang mag-isa sa harapan.

"Do i seriously need to do this?" Woah. Taray!

"Yes ms. Samonte"

Umirap siya at nag sigh "Shiela samonte. Ge" at umupo na siya.

Napatingin siya sa gawi namin at nagtama ang mata namin.

Shiela samonte? Shit. Siya ba talaga yon?

Di ko namalayan na nakatingin lang ako kay shiela buong discussion ni maam.

*bell rings*

"Class dismissed" sabi ni maam at umalis na. Recess na eh. Favorite subject >:p

Nagtayuan ang barkada ko. Si kian, aaron, ivan, jacob at zach. Edi syempre sumunod ako. Akala ko pupunta na silang baba para kumain pero umupo sila palibot dun sa mga magaganda. Kela shiela. Napapikit ako. Posible bang siya ng yon?

"Hi mine" nakangiting bati ni ivan kay lee. Pero si lee, inirapan lang si ivan. "Who you?" Boom!

"Im yours mine"

"Korni mo dude!" Sigaw ni zach.

"Taena! Nababading ka na yata ivan!" Sigaw naman ni jacob. Pero tignan mo nga naman tong si jacob. Lumapit kay shiela. Oh shit.

"Hi shiela" sabi ni jacob. Tinignan lang siya ni shiela. Taray talaga.

Tumayo na yung abby at nagsitayuan din yung iba "Tara na kumain. Naasar na ko dito eh" nakita kong tumingin siya kay zach at si zach naman nakita kong nayukom yung kamao niya. Hmmmm. Parang may past yata tong si zach at si abby ah.

"Ge tara" sabi nung jamie at tumingin kay jacob. Ohhh! Parang natamaan yata siya kay jacob ah. Pero si jacob nakatingin kay shiela. Si shiela naman, nakastraight face lang.

"Bye shiela babe" sambit ni jacob pero parang walang narinig yung shiela at dumeretso na sa pintuan.

Sumunod naman yung tatlo at umalis na sila.

Napakamot ng ulo si ivan at jacob. "Langya ang taray nila" sabi ni jacob.

"Oo nga pre eh" sabi naman ni ivan.

"Oy pre bat parang ang sama ng tingin sayo nung abby?" Tanong ni kian kay zach.

Tinignan naman siya ni zach ng masama at tumayo. "Wala pre" at umalis na siya.

"Oy henry. Tahimik mo yata?" Tanong sakin ni aaron.

Umiling ako. "Wala to pre. May iniisip lang"

"Ang ganda talaga ni shiela" sabi ni jacob.

"Bagay nga kayo eh." Komento ko.

Tinignan niya ko ng masaya "talaga?"

"Oo nga. Bagay kayo nung jamie"

Tinignan niya ko ng masama at pinigilan kong matawa nun "Ayoko dun pre. Tss"

I shrug my shoulders "malay mo kayo pa magkatuluyan nun si jamie"

"Eh pano na si shiela babe ko?"

I grinned "edi akin nalang"

Napuno ng tawanan ang classroom. Kami lang naman tao dito. Lahat kasi sila nasa may canteen.

Shiela samonte. I need to know who you really are. I need to know kung ikaw yung matagal ko ng hinahanap.

Chichi ko.

Just a single stepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon