Chapter 21: Comparing them

40 3 1
                                    

Chapter 21: Comparing them

--

Shiela's Pov

Di pa naman tapos yung concert eh lumabas na kami.

Patapos na naman. eh sa nagmamadali ata sila kya lumabas agad.

Sabagay. ako man, eh nabobored na dun -___- psh.

Pagkalabas namin nagulat ako dahil dumeretso agad sila sa parking lot.

ano namang gagawin nila dun? Sumunod nalang rin ako.

"Shie nasan kotse mo?" biglang tanong sakin ni jamie.

"Nandun sa bahay. bakit?"

Nagulat ako ng napasabunot sya ng buhok. problema neto? "Aish. bat di mo agad sinabi? Naglakad pa tayo papunta dito oh. Tara na nga. Commute nalang tayo"

"Kasi naman, dapat jamie nagtatanong muna. tsk tsk" pangaral naman ni abby.

"Oo na. tara na nga" 

At naglakad uli -___- kami papuntang gate ng school. Dirediretso lang kami papalabas. syempre nauna ako. TInignan ko lang ng masama yung guard at pinalabas na kami. Takot lang sakin ng mga tao dito sa SCHOOL KO.

oo akin to, pero wala pang nakakaalam. Ay meron pala. Si payat :( haaaaaay. miss na miss ko na yun. 

Nag-abang lang kami ng jeep pero sa kamalas lamasan nga naman. eh wala pang dumadaan.

kaya in the end, naglakad nalang kami. malapit lang naman yung restaurant na kakainan namin. 

"Shiela. Ano ang love para sayo?" biglang tanong ni abby.

Ha? oh no! siguro love na ang topic namin, hays. makikiride na nga lang ako. minsan lang kami magusap ng about sa love eh.

"Ewan ko. di pa ko naiinlove eh" SINUNGALING!

"Ay weh?" 

"Oo. hanggang crush lang ko eh" SIGE. MAGSINUNGALING KA PA SHIELA.

"Ah sige. Eh may crush ka ngayon?" tanong ni jamie.

bat ako yung tinatanong nila ngayon? -___-

"Kayo muna. mamaya na ko" sabi ko.

"daya naman neto. sino nga???" ang kulet nman neto ni jamie eh tss.

"Jamie. ililibre kita basta huli akong magsasabi." Edi natahimik rin at hindi ako kinulit haha! 

Aba, swerte ata netong si jamie ah. Malilibre ko na nga to sa sabado tapos malilibre ko pa ngayon. Ayos din!

"Sige ha. Sabi mo yan ah" tuwang tuwa na sabi ni jamie. tumango tango nalang ako.

Nakakaguilty kasi na magsinungaling ako about sa love love na yan. Di pa ko ready magsalita about dun, baka maiyak lang ako.

"Ang daya ah. bakit si jamie lang shie?? ako hindi mo ba ko lilibre?" Oo nga pala. Nakamalimutan kong may isa pa pala akong kibigan na mahilig din sa libre.

"Ayoko nga" sabi ko. pagtitripan ko lang to si abby nyahaha. Para naman sumay saya ako wahahaha. okay. Bad friend. bad shiela!

"Eeeeeehhh.. sige na kasiiii" niyugyog pa nya ko. Teka nasa gilid lang kami ng kalsada! baka mahagip ako! MAWAWALAN NA NG DYOSA SA MUNDO xD

"Woooyyy.. Wag mo kong masyadong yugyogin. baka mahagip ako ng mga kotse oh" tinanggal na nya yung kamay nya sa braso ko "saka kawawa ang mga tao pag nahagip ako ng mga kotse"

"At bakit naman sila magiging kawawa?" Nakapamewang na tanong ni jamie.

huminto muna ako sa paglalakad at tinignan ko silang dalawa "Kasi hindi na sila makakakita ng magandang katulad ko"

Just a single stepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon