Chapter 8: OPH
--
Jamie's Pov
"Antagal naman ni shiela" sabi ni abby.
Psh. Di pa nasanay eh lagi naman late si shiela.
"Di ka pa nasanay dun eh alam mo namang may monday sickness yun, kaya kung hindi late absent yun malamang" sabi ni lee.
Hindi na ko kumibo dahil wala ako sa mood makipagkwentuhan dahil iniisip ko parin kung may gusto na ba ko kay jacob at henry. Haist.
"Oy jamie ok ka lang?" Tanong ni lee.
"Ah oo okay lang ako" sabi ko at ngumiti.
Ilang sandali pa biglang tumahimik yung klase at may narinig kaming nagaaway sa pinto.
Pagtingin ko dun sa may pinto nakita ko si henry at shiela. Ok Awkward sa kanila yan.
Napatingin sila sa isat isa pero eto si shiela tumango lang sa kanya at sa amin nung napatingin sya dito at dumeretso na sa upuan nya at isinubsob yung ulo nya sa desk. Ok problema nung babaeng yun?
Si henry naman halatang nagulat. Dati kasi pag magkakasabay sila aawayin ni shiela si henry tapos walang humpay na yung pagaaway nila, matitigil nalang sila sa pagaaway pag dumating na yung first teacher namin.
Pero ngayon iba so shiela, parang dala nya lahat ng problema sa mundo.
"Problema ni shiela?" Tanong ni henry tas tumingin sa pwesto ni shiela na kasalukuyan parin nakasubsob yung mukha sa desk. natutulog ata?
Sino ba kausap neto ni henry.. tss masagot na nga lang yung tanong nya.
"Ewan" sabay sabay naming sagot nila lee at abby at jacob?
Nako jacob..... i smell fishy about you. Haha.
Nagkwentuhan nalang kamong tatlo. Siguro napuyat lang si shiela kaya nagbabawi ng tulog. Pero napapansin ko, etong si henry at jacob lingon ng lingon sa pwesto ni shiela.... tsk tsk.. torn between two lovers ang peg ng bestfriend ko ah. Wala eh. Ganda nya. Haha.
Mayamaya dumating na si sir science. Napansin nya yatang hindi lahat binati sya kaya naman tinawag nya si shiela.
"Shiela!" Tawag ni sir pero hindi yata narinig ni shiela. Kaya naman tumayo na ko at dumeretso sa pwesto ni shiela.
Niyugyog ko sya pero nahawakan ko yung leeg nya which is mainit ngayon. Sobrang init.
"OmyGosh! Sir si shiela po!"
"Bakit?" Nataranta na rin si sir siguro dahil sa pagkataranta sa boses ko.
"Mainit po sya! Dadalhin ko na po sya sa clinic!" Akmang bubuhatin ko na si shiela pero pinigilan ako ni sir. Pati narin yung dalawa (lee at abby) pati yung anim (henry,jacob,ivan,zach,aaron, kian) nataranta narin. Ano kayang problema neto ni shiela?
"Hindi mo sya kaya" tumingin si sir sa boys "Gab ibuhat mo si shiela. Malaki ka kaya mo yang si shiela. Di naman sya ganun kataba kaya hindi ka mahihirapan sa kanya" pagkasabi nun ni sir tumayo na si gab at pumunta na kaya shiela at binuhat sya.
"Ahm sir babantayan ko po si shiela sa clinic" paalam ko kay sir.
"Sama kami!" Sabay na sabi ni lee at abby. Nung una hindi pumayag si sir pero napapayag parin nila. Malakas yata tong si lee sa mga teachers. Haha.
*Clinic
"Bakit kaya ang init at namumula si shiela?" Tanong ni lee.
Kanina ko pa nga yan tinatanong eh . Ok naman sya nung friday ah? Saka kung titignan mo yung mukha nya. Ang lungkot lungkot.... Saka parang kakagaling nya lang sa iyak, namamaga yung mata eh.
BINABASA MO ANG
Just a single step
JugendliteraturSingle step at prom... Single step to be your friend.... AND JUST A SINGLE STEP TO BE YOURS. © ImJayne 2015