Chapter 12: Problema nun?

49 3 0
                                    

Chapter 12: Problema nun?

--

Shiela's Pov

Heto na naman po tayo.....

Pinililit na naman po ako ng mga kaibigan ko na makipaglandian daw kay jacob....

Pero, habang tumatagal.... di na pakikipaglandian natatawag ko dun.

Somehow i enjoy being with jacob the whole day....

Yeah tama kayo ng basa.... WHOLE DAY....

pano ba naman kasi....

Katabi ko sya sa sitting arrangement... meaning kadesk ko sya... pero minsan lang yun kasi pinapaalis ko sya -___-

Kasabay namin ang grupo nila sa lunch at recess...

At pag uwian naman... sabay sabay kaming pumupunta sa parking lot.

Pero minsan lang ako natutuwa kasi minsan naiinis na ko.....

Tulad nalang ngayon....

"Oy shiela, sa tingin mo? Bagay tayo?" Tanong ni jacob na ikinatahimik ng mga kaibigan namin.

Babanat na naman kasi sya.. eh dahil ako si shiela. Ang dakilang mambabara..... Babarahin ko sya. Kairita eh. Kitang kumakain eh-___- saka kadiri π_π

Tumingin muna ako sa lahat at kay jacob. "Hindi tayo bagay. Tao tayo. Tandaan mo yan ha?" Sarkastiko kong sabi at ipinagpatuloy nalang ang pagkain ko.

"Oww.... ok lang yan pare.... haha pumili ka kasi ng maayos na pick-up line para hindi ka mabara" sabay tapik ni kian sa likod ni jacob.

Simula kasi nung pinagkalat ko sa buong room na crush ko sya. Nagsimula na syang bumanat ng mga pickup lines.

Nakita kong may binulong si zach kay jacob dahilan para magreact ng OA si jacob... ano kay yun?!

"Baduy pre eh!" Sabi ni jacob kay zach.

"Subukan mo... gumana kila aaron yan eh" sabay ngisi ni zach.

Mukhang nagulat si aaron dahil sinali sya sa usapan eh. Tahimik lang naman syang kumakain sa tabi tulad ni..... henry?

Lately napapansin ko tahimik sya? Bakit kaya?

Haist. Heck i care about him? Hamak na classmate ko sya.. at wala akong feeling for him...

'Wala nga ba?' Seriously? San galing tong mini voice na to? -___-

Syempre wala ako feeling sa kanya!

"Anong ako?" Tanong ni aaron kay zach.

Nakita ko naman na siniko ni ivan si aaron "Maki ride ka nalang"

"Ah oo gumana DAW sakin" sabi ni aaron at pinagpatuloy nalang ang pagkain. At talagang inemphasize pa nya yung word na 'Daw'

Kakatapos ko lang kumain at balak na sanang bumili ng inumin nang pigilan ako nila lee.

"Uy shie, wait lang. May sasabihin daw uli si jacob eh.. " kaya sapilitan ako naupo at hinarap si jacob na hinihintay akong makaupo.

"Psh ano na naman ba?!" Inis kong sabi at inirapan sya at tumingin nalang sa iba. Hayaan mo syang magsalita dyan.

Nag fake cough muna si jacob kaya ako napatingin sa kanya saka sya nagsalita "Alam mo shiela kaya kong buhatin ang buong mundo makamit ko lang ang matamis mong oo" sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko. Agad akong umiwas ng tingin. Kakailang kaya.

Magsasalit pa sana sya pero naunahan sya ni henry.

"Pfft. Haha sure ka jacob na kaya mong buhatin? Ang liit mo kaya. Saka teacher's table pa nga di mo kaya. Mundo pa kaya?" Agad kaming napatingin kay henry na seryosong nakatingin kay jacob pero maya maya tumawa bigla .

Just a single stepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon