Chapter 10.2: Problema ng magaganda (part 2)

56 3 0
                                    


--

Tahimik lang kami ni shiela.

Sya nagdadrive, ako naman nakatingin lang sa may bintana.

San kaya kami pupunta? Malamang hindi sa bahay.

Tama! Bawal umuwi si shiela kasi baka mapagbuntungan nya ng kabadtripan nya ang mga maids nila.

Ako naman ayoko ring makita yung mga pagmumukha nila. Lalo kasi akong gumaganda lalo na pag nadidikit sila sakin ah. Lels.haha.

"Hoy ok ka lang?" Sumulyap sakin si shiela saglit "bakit ka ba tumatawa ng mahina dyan?"

"Wala" sabi ko at tumingin nalang uli sa bintana.

Tumahimik uli yung atmosphere namin. San naman kaya talaga kami pupunta? Baka mag mall kami. Pag gantong badtrip si shiela.

Magshoshopping yan pero yung iba nyang binibili di nya ginagamit kaya yung pinapamigay nya nalang sa mga orphanage.

Bait nya noh? Haha. Wala naman kaso yun kay shie. Isang swipe lang sa card nya. Ok na. RK eh. Sa aming apat sya ang pinakamayaman.

Naramdaman kong may nagvibrate sa pouch ko. Tinignan ko yung iphone ko.

1 message recieved

Kumunot yung noo ko. Sino kaya ang magtetext sakin? Dont tell me sila na naman. Oh please! Give me a break!

From Mama:

Hija, are you ok na? Nagtext sakin ang school nyo. Sabi nila inexcuse ka daw ng friend mo dahil masama daw pakiramdam mo? Nasan ka ba? Nasa bahay ka ba? Ok na ba? Ano bang masakit sayo? Do you want me to call your tito to check you out?

Naks. Akalain mo nga namang may pakialam sakin tong nanay ko. Pero nalaman nya lang because nagtext ang admin. So she just text because of my sick? Pinansin nya nako finally pero dahil lang yun ay may sakit ako kahit wala talaga.

Eh di sana pala araw araw nagkakasakit ako para mapansin nya naman ako. Tss.

Nagreply nalang ako para matapos na.

To mama:

Ok na ko ma. Wag nyo na pong tawagan si tito. I just need some air. Kasama ko naman po yung friend ko. Nothing to worry about :)

Message sent!

Kahit nasasaktan parin ako. Tinry kong magpakatatag.

"Tss" i hissed.

Napatingin sakin si shie "My mom" she just nodded.

Pag about sa parents na. Nagkakasundo kami ni shie. Alam kasi namin yung feeling ng only child ka na nga. Di mo pa kasama parents mo. Ouch right?

1 message recieved

Si mama to. I guess.

From 0923*******

Unregistered number?

Hi lee. This is your mom's secretary. pinapasabi nya lang na magpagaling ka daw. Alagan mo ang sarili mo at may dineposit na daw syang cash sa card mo. Bumili ka daw ng gusto mo. Di na sya nakareply sa text mo because of an urgent meeting. Yun lang. Take care lee! Text me anytime if you need me. :)

Oww. Kaya pala.

Nagreply na ako kay secretary ni mama. Para hindi ako mapagsabihang bastos. Ineffortan nya ko tapos ni ako magrereply kahit blank message man lang. Di ako ganun karude noh.

To: Mom's secretary

Ok po. Thanks by the way :)

Message sent!

Just a single stepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon