Chapter 8

1.6K 44 9
                                    

Chapter 8

"Ahh Ryder? Bakit ka pala nandito? Diba galit si Maddox sayo?" tanong ko kay Ryder.

Mga ilang linggo na siyang nandito kaya nagtataka din ako kung bakit siya nandito.

Galit si Maddox sa kanya kasi may ginawa siyang kababalaghan kaya siguro kung makita man siya ni Maddox ay baka masuntok siya sa walang oras.

"Pakialam ko dun, gunggong naman yon." pa irap niyang sabi.

Kumunot ang noo ko.

"Ano pala ang nangyari?" tanong ko.

He sighed heavily.

"Malaking problema ba iyan? Kasi ang lalim ng hininga mo." sabi ko ulit.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Gusto ko lang naman sana mag Tiktok!" iritado niyang sabi sabay nguso.

Gusto kong tumawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka magalit siya.

"A-Anong Tiktok ba yan? Yan ba yung tumitilaok?" tanong ko.

Tiningnan ako ng masama ni Ryder kaya napakagat ako sa labi ko.

"Taena naman pati ba naman ikaw mang-iinis din sa akin ngayon? Pero di bale ang Tiktok ay isang app sa cellphone." sabi niya kaya tumango-tango ako.

"Pwede kang sumayaw, lipsync at mag pa cute." sabi niya pa.

"Eh bakit galit ka kung gusto mo naman mag Tiktok? Edi mag Tiktok ka ngayon din." sabi ko.

"Wala akong cellphone, kinuha ni Maddox kaya nanggigil ako sa bonak na yun." sabi niya sabay iling-iling.

"Siguro yung ginagawa mo palagi ay yung mag pa cute lang, tama ba ako?" tanong ko ulit sabay ngiti.

Pumikit siya ng marahan.

"Kalma self, si Sunny yan." mahinang sabi niya sabay tingin sa akin ng masama.

Eh kasalanan ko bang hindi ko alam kung ano yang Tiktok?

"Eh ano ngayon kung nag pa-pa-cute lang ako? Atleast cute diba? Eh ikaw? Cute ka?" maangas na tanong nito.

Ngumuso ako.

"H-Hindi ko alam, minsan kasi nasasabihan ako ng mga pangit na salita pero sabi ni nanay ay maganda daw ako." sabi ko.

Tumawa siya ng malakas.

"Ha! Syempre sasabihan ka na maganda ka dahil anak ka e ta-"

"Are you two done talking?"

Bigla akong napabalikwas ng tayo dahil narinig ko ang boses niya. Nakita ko si Maddox na naka white t-shirt with black coat and fitted jeans.

"U-Uyy...pare musta? Haha." bati ni Ryder sa kanya.

Hindi nag salita si Maddox kaya parang natakot si Ryder.

"Kung ano man yung narinig mo kanina ay hindi totoo okay? Sige aalis na ako." kabado na sabi ni Ryder sabay alis agad.

Hindi ko alam kung ilang segundo siyang nawala pero ang bilis niyang nag laho dito kaya kami nalang dalawa ni Maddox ang naiwan.

"Pupunta tayo sa isang party ngayon sa kabilang isla kaya gusto kong mag bihis ka ng mga pinamili ko." sabi niya sabay halukipkip.

"O-Okay." sabi ko kaya nag handa na ako kahit na mamaya pa ang party na sinasabi niya.

Nag hintay lang ako sa living room habang suot na suot ng binili niyang mga damit.

Isang pink dress iyon at kumikinang pa ito dahil sa glitters na nakalagay. Maganda siya at mukhang mamahalin kaya natatakot tuloy ako pumunta doon sa party na sinabi niya. Hindi pa ako naka punta sa mga party dahil at hindi ko alam kung anong gagawin doon.

Obey The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon