Chapter 30

874 20 6
                                    


Chapter 30

Lumipas ang ilang araw ay hindi ko masyado nakikita si Maddox sa cafe. Ang huling bisita niya ay noong nakaraang araw pa. Nagtataka ako kung bakit hindi na siya bumibisita.

Hindi ko rin alam kung saan siya pumunta kasi hindi naman siya nag text. Hindi rin naman ako umaasa na mag text sa akin.

May kaunting kirot akong naramdaman nang maalaala ko ang sinabi ni Nica noong nakaraang araw.

Totoo kaya 'yon?

Kung ganon kaya ba hindi na siya bumibisita dahil nasa kay Freya na ang buong atensyon niya?

Nawala ako sa isip nang tumunog ang bell ng pintuan ng cafe. Napatingin ako kaagad don pero ibang tao ang bumungad. Napalunok ako at huminga nalang ng malalim.

Maraming tao ngayon sa cafe kaya double time kami ni Nica sa pagse-serve.

"Excuse me miss?" napatingin ako sa tumawag at sumenyas siya sa akin na linisan ang table niya kaya lumapit ako agad.

"Clean the table please, ang dumi kasi." maarte nitong sabi.

Sumunod ako sa sinabi niya.

"Here's your order ma'am," Nica.

Nang matapos ay aalis na sana ako nang natulak ko ang tray na dinadala ni Nica.

"Oh my goodness!" sigaw ng babaeng customer.

Nanlaki ang mata ko nang nabuhos sa kanya ang order niya.

"P-Pasensya n—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tinulak niya ako.

"You stupid freak! Look what you've done!"

Napalunok ako napatingin sa kanya. Basang-basa ang kanyang ibaba dahil doon nabuhos lahat ng inumin.

"P-Pasen—"

"You're so stupid! Ang tanga mo! Bakit ba kasi tatanga-tanga ka?!" sigaw niya.

Naagaw niya lahat ng atensyon ng tao sa loob kaya napatingin ito lahat sa akin.

Hinawakan ni Nica ang kamay ko at humarap sa babaeng customer.

"We're very sorry ma'am, hindi po namin sinasadya na mabuhos sayo yung order niyo. Aksidente lang p—"

"Accident? Wow! Kung hindi lang sana tanga yang kasama mo edi hindi sana ito mangyayari! My god!" singhal niya.

Napayuko ako.

Nanginginig ako sa takot at natatakot ako na baka ma sisante ako dahil sa nangyari ngayon.

"P-Pasensya na p-po talaga ma'am," maliit na tono kong sabi.

"Stupid bitch." she rolled her eyes.

"Mauna kanang umalis," bulong ni Nica.

Napalunok ako at tiningnan siya.

She smiled. "Ako na ang bahala."

Dahan-dahan akong tumango at naglakad pabalik nang counter. Nasalubong ko si Marlon pero tiningnan niya lang ako at umiling-iling.

Napakagat ako sa labi ko at pumasok doon. Masyadong masakit ang dibdib ko at kumikirot ito sa hindi ko malaman na dahilan.

Gusto kong umiyak dahil sa nangyari pero walang lumabas na luha sa mata ko. Hinintay kong bumuhos 'yon pero wala akong naramdaman.

Siguro pagod na ako sa kakaiyak?

Hindi nag tagal ay naayos na daw ni Marlon ang customer. I cha-charge lang daw sa sweldo ko ang nangyari at malaki ang pasasalamat ko dahil hindi ako na sisante.

Obey The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon