Chapter 34

854 16 9
                                    


Chapter 34

"May saltik ba sa utak ang babaeng 'yon?" mahabagin na tanong ni Nica.

Nasa loob kami ngayon at buti nalang wala munang tao sa cafe dahil napag desisyunan ni Maddox na isirado muna ito dahil sa nangyari. Nakahawak ako ng ice ngayon habang katabi si Nica.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay lumabas ng kusa si Freya. Malapit na sana siyang hatakin ni Maddox kung hindi ko lang napigilan. Nasa labas siya ng cafe ngayon at may katawag sa telepono. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay nakayuko at parang na iinis.

Nang lumingon ito sa akin ay ngumiti ako kaya nag laho bigla ang inis niya at napalitan ito ng lambot na tingin.

"Shuta! Hindi ko akalain na ganon ang ugali niya! Kata—aray!" ani Nica.

Tinulak siya ni Marlon.

"Manahimik ka nga! Ang dami mong ebas kaloka ka!" Inikutan ito ng mata ni Marlon. "Okay ka na ba Sunny?" tanong niya sabay tumabi sa akin sa upuan.

Tumango ako ng mahina at ngumiti.

"Ayos na ako, wag kayong mag-alala." nang masabi ko ito ay lumingon ako kay Maddox ulit.

Wala na ang cellphone sa tenga niya habang papalapit dito. Umayos ako ng upo nang tumunog ang bell ng pintuan dahil sa pag pasok niya.

"How are you?"

"A-Ayos na,"

Tumabi si Nica sa kaliwa at binigyan si Maddox ng space upang makatabi ito sa akin.

Tumikhim si Marlon at humarap kay Maddox.

"T-Totoo ba talaga sir? Na ikaw na ang may ari ng cafe?" tanong ni Marlon.

Maddox nodded while looking at me. Hindi ko alam pero naiilang ako sa titig niya. Kinakausap kasi siya ni Marlon tapos sa akin nakatingin.

"S-Sorry sir h-hindi namin na protektahan si Sunny kanina, biglaan kasi ang pag sugod ni ma'a—este Freya," ani niya pa.

Maddox sighed. "It's okay. It's not your fault,"

"H-Hindi kami ganoon ka close ni Freya pero nagulat talaga ako sa pinakita niya kanina. Inaamin ko naging malapit kami kaya hindi ko akalain na ganon siya ka sama."

"Oo nga sir! Mala anghel yung mukha pero yung ugali, naku! Mala satanas!" sabat ni Nica.

"She's a psycho."

"Kaya nga sir ta—" hindi natapos mag salita si Nica nang hinampas siya ni Marlon.

Pinalakihan niya ito ng mata.

"Ano ba! Nagsasalita yung tao eh!"

"Tumahimik ka nga! Ako pa yung nag sasalita tapos sabat ka ng sabat! Ano si Jollibee kaba?!"

"Anong Jollibee?!" singhal ni Nica.

"Bida bida ka kaya mukha kang Jollibee!"

Pinakyuhan siya ni Nica kaya napailing-iling nalang si Maddox. Hindi ko maiwasan mapangiti rin dahil sa kanilang dalawa.

"That's enough! Kailangan natin isirado muna ang cafe para makapagpahinga kayo,"

"S-Sirado sir? F-Forever?"

"Hindi, ngayon lang." ani Maddox.

Huminga ng malalim si Marlon.

"Jusko! Akala ko forever sir! Since kayo na ang bagong may-ari sana naman hindi niyo maisipan na isirado ang cafe kasi napamahal na ako dito," Marlon pouted.

Ngumiti ako sa sinabi niya. Naalaala ko nga noon noong nag apply ako dito, siya ang nag asikaso sa akin kaya hindi ko masyadong kilala si Freya dahil akala ko si Marlon talaga ang may ari.

Obey The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon