Chapter 35

835 26 4
                                    


Chapter 35

"Girls! Why are you there? Come over here!" rinig kong sabi ni Scarlett kaya napabalik ako sa katinuan ko.

Napatingin ako kay Nica na ngayo'y nakatingin pa din sa akin at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napalunok ako at dahan-dahan na umalis doon para ma alis ang tensyon na namumuo sa pagitan naming dalawa.

Huminga ako ng malalim at dumiretso sa loob at nakita kong nandoon na si Maddox. Nang makita niya ako ay ngumiti ito.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko at nahihirapan na huminga.

Tama ba talaga ang ginagawa ko?

O sadyang natatakot lang talaga ako?

"Huy! Ba't ang tahimik mo Nica? Sinaniban ka ba ng kaluluwa ni Sunny?" pabirong tanong ni Marlon sabay humalaklak.

Ngumiti ako ng mapakla at binatukan naman ito ni Nica.

"Kapal mo e kung halikan kaya kita dyan?!"

Inikutan ito ng mata ni Marlon. Umupo ako sa gilid at nakitang napatingin ulit si Nica sa akin.

Buong pagsasama namin ay halos nakatingin lang siya. Minsan nag bibiro na din si Scarlett kung bakit daw ang tahimik ni Nica. Naiintindihan ko din naman siya dahil sa sinabi ko.

Alam kong marami siyang tanong at handa naman akong sabihin sa kanya sa lahat.

Huwag lang ngayon.

Kinabukasan ay nag simula ang renovation sa cafe. Pumasok ako kahit na masakit ang katawan ko dahil sa puyat at pagod. Hindi ako nakatulog agad kagabi dahil sa iniisip.

Iniisip ko na tama ba ang ginawa ko kahapon?

Paano kung sasabihin ni Nica kay Maddox kung ano 'yong sinabi ko kahapon?

Nang makarating ako doon ay alas diez na nang umaga. Nandoon na din ang mga ibang trabahador para sa pag papagawa ng bagong istura ng cafe.

Nasa harap si Marlon habang kausap ang isang lalaki, si Adam ito dahil naka sport coat at khaki pants. Nang lumingon ito sa akin ay kumaway siya at ngumiti. Nginitian ko din siya pero hinahanap ng mata ko si Nica ngunit hindi ko ito nakita.

Bigla akong kinabahan sa iniisip ko.

Hindi niya naman siguro gagawin.

Tumunog bigla ang cellphone ko kaya nagulat ako. Binuksan ko ito at nakitang may nag mensahe kaya agad ko itong tiningnan.

From: Maddox

I can see you right now. Turn over to the left, and you can see us here. Be careful with the metals and watch over them.

Agad akong napalunok ako at napatingin sa kaliwa. Naka tinted 'yon na salamin kaya kumunot ang noo ko. Nandyan lang pala sila kanina pa at nandito naman ako, hinahanap sila.

Dahan-dahan akong nag lakad patungo doon. Nang makapasok ako ay napalunok ako dahil nandoon si Nica. Silang tatlo ang naroon, si Maddox, Nica at isang lalaki na hindi ko kilala.

"This is Branson, the architect." pakilala ni Maddox.

Ngumiti ang lalaki at nilahad ang kamay.

Kukunin ko na sana nang kinuha ito ni Maddox kaya nagulat ako.

"It's okay man, hindi na kailangan." ngumiti ito ng peke.

Narinig kong napa ubo si Nica kaya napatingin ako sa kanya. Umiwas siya ng tingin kaya huminga ako ng malalim at umupo nalang.

Kinakabahan ako dahil hindi naman siya ganito katahimik. Ang ingay-ingay niya kahapon kaya kinakabahan ako dahil baka sinabi niya na kay Maddox ang totoo.

Obey The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon