Chapter 27

953 30 11
                                    


Chapter 27

Maaga akong nagising kinabukasan dahil hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip kung anong mangyayari ngayon.

Date. Mag da-date daw kami.

Kahit ako hindi makapaniwala na mag da-date kami after how many years. Kahit alam kong maraming nangyari noon ay hindi ko 'yon iniisip dahil mas nangingibabaw sa akin ang gustong mangyari ngayon.

Hindi ako pupunta sa date na 'yon na hindi handa. Kailangan kong malaman kung bakit siya nandito at nag pakita ulit sa buhay ko.

Maayos na ang buhay namin ng anak ko at biglang susulpot siya. Alam kong may rason ang pag punta niya dito at kailangan kong malaman kung ano 'yon.

"Mama... Aalis ka po?"

Napatingin ako kay Roscoe ngayon na kinusot-kusot ang mata at humikab.

"Oo anak, may pupuntahan lang si Mama ngayon." sabi ko.

"Saan po?" tanong niya pa.

"S-Sa cafe lang anak, mag-kikita kami ng Tita Nica mo." sabi ko.

Umiwas ako ng tingin agad at ngumiti. My poor baby. Hindi niya alam na ang kikitain ko ngayon ay ang Papa niya.

Nilapitan ko siya at hinalikan ang kanyang noo.

"Babalik ako agad anak,"

Dahan-dahan siyang tumango.

"Okay po Mama," sabi niya sabay ngiti.

Ngumiti ako at niyakap siya. Huwag kang mag-alala anak. Kailangan ko 'tong gawin para sa kalagayan natin. Ayaw kong mapahamak ka ulit dahil sa katangahan na desisyon ko kaya ginagawa ko ito.

Nakarating ako sa cafe ng ilang minuto at nakita kong may nag hihintay na isang itim na sasakyan. Huminga ako ng malalim bago dahan-dahan na nag lakad patungo doon.

May lumabas sa sasakyan at alam ko na agad kung sino 'yon kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hey! Good morning," bati niya sabay ngiti.

Napalunok ako at ngumiti din ng maliit.

Nakakapanibago talaga siya. Hindi naman siya ganito noon sa akin. Naalaala ko pa na sobrang strikto niya tapos ngayon bumabati na siya.

"Good morning din," bati ko pabalik.

"Let's go?"

Dahan-dahan akong tumango at pinagbuksan niya ako ng pintuan sa sasakyan kaya pumasok na ako.

Siya naman ay umikot at nakasunod lang ang tingin ko sa kanya habang nag lalakad siya papuntang driver seat. Bumukas ang pintuan kaya umiwas na ako ng tingin.

Ang lakas talaga ng epekto niya sa akin. Nag simula siyang nag drive at huminga lang ako ng malalim habang nakatingin sa harap.

"We're going to Simala." he said.

Simala? Hindi ko pa narinig ang lugar na 'yan.

"M-Malayo ba?" tanong ko.

"Not really. Mabilis tayo makarating doon since may sasakyan." sabi niya.

"Ah, sige." sagot ko.

Nakita kong sumulyap siya sa akin kaya tiningnan ko din siya pero nawala na ang tingin niya. Baka guni-guni ko lang 'yon. Humikab ako dahil sa sobrang lamig. Hindi talaga ako sanay sa aircon dahil mas gusto ko ang electric fan.

Atsaka hindi ko rin afford yung aircon kaya electric fan lang.

"You can take a nap," sabi niya.

Tumango ako at sinandal ang ulo ko sa bintana. Humikab ako ulit at hindi namalayan na nakatulog na pala ako.

Obey The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon