Chapter 14

1.2K 36 5
                                    


Chapter 14

Three rounds.

Nagising ako sa init ng araw na dumapo sa aking pisngi. Hindi ko namalayan na umaga na pala kaya napabangon ako pero may isang kamay na nakatanday sa aking katawan kaya napatingin ako doon.

Nakita ko si Maddox na mahimbing na natutulog kaya natulala ako saglit sa mukha niya.

Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang mukha at hindi ko maiwasan na ma pogihan talaga sa kanya dahil masyadong maganda ang hugis ng kanyang mukha.

Gumalaw ang kanyang panga kaya inalis kona ang kamay ko na naka-haplos at mainam na inalis ang kanyang kamay sa aking katawan.

Tumayo ako sa kama at sinuot ang aking damit na nasa sahig kanina. Hindi ko alam kung paano kami nakapunta agad sa kwarto dahil sa bilis ng nangyari.

Napasapo ako sa aking noo at lumabas na ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para mag handa ng maka-kain.

Habang nag hahain ako ng pagkain ay narinig ko ang mga yapak na galing sa hagdanan kaya napatingin ako doon.

Nakita ko si Maddox na naka topless at short lang suot kaya napaiwas agad ako at kinuha na ang fried rice at nilagay ito sa plato.

"Good morning Sunshine," he said with a baritone voice.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"G-Good morning, akala ko mamaya kapa gigising kaya nag luto nalang ako agad." sabi ko.

"Mabango nga kaya nagising ako." sabi niya sabay upo.

Ngumiti ako at nag kuha ng plato at kutsara. Nilagay ko 'yon sa kanyang harapan at pinag-hain siya.

Tahimik lang kaming kumakain at ako naman ay nakayuko lang dahil hindi ako makatingin sa kanya.

"May gagawin kaba mamaya?" biglang tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Mag-lilinis siguro kung may ililinis." sabi ko sabay halaklak.

Hindi siya kumibo at nakatingin lang sa akin kaya napanguso ako dahil sa seryoso niyang mukha.

"Let's go outside later?" tanong niya.

"Saang labas ba?" tanong ko.

"Kahit saan kung saan gusto mo." he said.

"Ikaw ang gusto ko." mahina kong bulong.

Kumunot ang noo niya.

"What?" tanong niya.

Ngumisi ako dahil hindi niya narinig ang sinabj ko

"Secret haha," sabi ko sabay ngiti.

"Sasabihin mo ba o sasabihin mo?" tanong niya.

"H-Huh? P-Pinagsasabi mo?" natatawa kong tanong.

"Sasabihin mo ba o didiretsuhin kita sa kama?" seryoso niyang sabi kaya napatikom ako sa bibig ko dahil sa takot.

Katakot nga.

Hindi ako nagsalita kaya kinabahan ako nang bigla siyang tumayo at hinarap ako sa kanya.

Napalunok ako dahil sa paghawak ng kamay niya sa akin. Tila kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko.

Hindi ko pa din maisip kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. Kahit na ilang beses ko na siyang nakakasama pero iba pa din.

"Sabi ko ang pogi mo." mabilis kong sabi sabay alis sa pagkahawak niya.

Nakita kong gumalaw ang panga niya kaya napalunok ako at umupo sa upuan.

Obey The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon