Chapter 1

2.2K 48 0
                                    


Chapter 1

Lumipas ang isang taon ay simple lang ang pahuhumay namin ni Scarlett. Gaya ng ibang magkapatid ay ganun ang ginagawa namin ni Scarlett. Minsan gumagala kami sa ibang lugar at dinadala niya ako sa iba't ibang beaches sa buong pilipinas.

Halos lahat ng lugar siguro sa pilipinas ay na libot na namin. Masaya masyado ang 17th birthday ko kasi doon kami sa Boracay nag celebrate. Medyo engrande ang celebration na 'yon kasi na imbitahan lahat ng mga friends niya.

Nahihiya nga ako kasi halos ng mga kaibigan niya ay mayayaman at naka alahas lahat. Parang taga ibang bansa ang mga taong yon at ako naman ay normal lang na tao. Pero hindi ko iyon ininda kasi sa lahat ng pagsasama namin ni Scarlett ay masaya masyado.

Nararamdaman ko talaga sa kanya na kapatid ko siya at swerte ako na nakilala ko siya.

Nasa condo ako ngayon at gumagawa ng assignment. Nag paalam kanina si Scarlett na umalis kasi may ime-meet daw siyang investor ngayon. Sa pagkakaalam ko lang ay ang business niya ay isang construction site atsaka siya daw ang CEO dito kaya medyo busy siya.

Habang gumagawa ako ng assignment ay hindi ko maiwasang maalaala yung pamilyar na lalaki na dumalaw dito noon. Simula nong pumunta siya dito ay hindi na siya dumalaw ulit. Hindi din ako nakapag tanong kay Scarlett kung sino 'yon kasi mukhang magiging chismosa ako kapag mag tanong pa ako.

Atsaka wala din naman akong karapatan para mag tanong kasi hindi niya naman ako ka ano-ano pero na ku-kuryoso talaga ako sa lalaking 'yon. Kahit na hindi kami magkakilala ay may nararamdaman akong hindi ko alam sa gitna ng katawan ko.

Umiling-iling nalang ako binalewala ang pakiramdam na iyon. Nag focus ako sa pag sagot ng mga katanungan sa assignment ko. Dapat matapos ko ito ngayon kasi bukas ito ipapasa.

Nang mag hapon na ay nag luto na ako ng hapunan atsaka hinintay sa dining area si Scarlett. Hindi pa siya dumating kaya hihintayin ko nalang siya.

Lumipas ang ilang minuto at dumating na nga si Scarlett. May dala siyang isang box at kahit ano pa na hindi ko alam. Agad ko siyang tinulungan sa mga dala niya at nilapag iyon sa lamesa ng living room. Mukha siyang pagod pero ngumiti pa din siya.

"Nakapag luto na ako ng hapunan at hinintay kita." sabi ko.

She smiled.

"Thanks Sunny and anyway, may regalo ako sa'yo." biglang sabi niya sabay kuha ang isang bag.

Binigay niya sa akin iyon kaya tinitigan ko muna ito ng sandali.

"Open it. That's my gift for you." nakangiting sabi niya.

Tumango ako at binuksan iyon. Nagulat ako sa laman non kasi isa iyong Chanel Bag. Tinitigan ko si Scarlett pero nakangiti lang siya habang hinahaplos ang buhok ko. Kinuha ko ang bag na iyon at tinitigan ng maayos.

"S-Salamat dito." sabi ko sabay yakap sa kanya.

She hugged me back.

"You're welcome. Alam mo namang para na kitang kapatid diba?" sabi niya sabay tawa.

Natawa din ako sa kanya habang tinitigan ang bag. Hanggang sa nakaramdam kami ng gutom kaya tumungo na kami sa kusina para kumain.

Nakahanda na lahat doon kaya nag simula na kaming kumain. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa nag salita ulit si Scarlett.

"By the way, Sunny. Malapit na ang 18th birthday mo, next month. Nakapag plano ako na kung pwede maging engrande ang celebration kasi this time you're finally legal!" sabi niya.

Uminom ako ng tubig bago mag salita.

Oo nga malapit na ang birthday ko at ngayon ay magiging legal na ang edad ko. Hindi ko alam kung ano ang mga plano ko kaya sasang-ayon nalang ako kay Scarlett.

Obey The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon