Chapter 39

905 22 2
                                    


Chapter 39

Isang linggo na ang lumipas simula nong lumipat kami sa condo ni Maddox. Medyo malayo ito sa skwelahan ni Roscoe pero wala dapat akong ipag-alala dahil araw-araw siyang ihahatid -sundo ni Maddox.

Nakapunta na ako dito nong may ginawa kaming aktibidad na kami lang ang nakakalaam pero hindi ko iyon nakita ng lubusan dahil mabilis akong naka alis. Nong una ay ayaw ko sanang lumipat dito sa condo niya dahil sa sobrang laki. Ultimo yung cr niya dito ay parang yung apartment lang namin.

Hindi ko talaga akalain na sobrang layo ng buhay namin sa kanya.

Siya din ang nag insist na dito tumira dahil mas malaki kumpara sa apartment. May apat na kuwarto sa loob at isa na doon ang magiging kwarto namin ni Maddox. Sobrang saya din ni Roscoe dahil may kanya na siyang kwarto.

Naging maganda ang takbo ng pamumuhay namin. Sa bawat araw na magkasama kami ay hindi ko mapigilan na makaramdam ulit ng saya. Yung saya na hindi ko pa nararanasan noon.

Biyernes ng umaga ay maaga akong nagising para makapag-luto at makapag-handa sa mga gamit ni Roscoe. Iniwan ko sa kama si Maddox habang nakatanday ito sa akin kanina. Natagalan pa ako ng konti sa pag alis ng kamay niya dahil mabigat iyon at ayaw ko rin na magising siya.

Bago ako dumiretso sa kusina ay pinuntahan ko sandali si Roscoe para tingnan ito. Mahimbing itong natutulog kaya napangiti ako.

Pumunta na ako sa kusina at nag luto ng pagkain. Medyo nahirapan pa ako sa pag operate ng induction cooker dahil hindi pa ako masyadong sanay.

Habang nag-luluto ay may humawak sa bewang ko kaya nagulat ako. Narinig kong humalaklak si Maddox at hinalikan ang leeg ko.

"Did I startle you?" he whispered.

Ngumuso ako.

"Mejo," tipid kong sagot.

Huminga siya ng malalim at hinigpitan pa lalo ang pag hawak sa bewang ko kaya napalunok ako.

Naramdaman ko tuloy ang pag laki ng nasa ibaba niya.

"What are you cooking?" mahina niyang tanong.

"Yung paborito ni Roscoe tuwing umaga," nakangiti kong sabi.

"Hmm, my son likes this..." bulong niya.

Tumango naman ako.

Pinatay ko na ang induction cooker at hinimas-himas naman ni Maddox ang dalawang dibdib ko.

Napailing-iling nalang ako dahil paborito niya talaga itong pag laruan tuwing nasa kusina kami.

"Good morning Mama! Papa!"

Agad akong napalingon kay Roscoe na nasa likod namin.

Tumikhim si Maddox at lumayo naman ako ng konti sa kanya pero ang hawak niya ay nasa akin pa rin.

"Good morning anak," masaya kong bati at naglakad papunta sa kanya para buhatin.

Pero naunahan ako ni Maddox!

"Mornin' buddy, how's your sleep?"

Napakagat ako sa labi ko at ngumiti nalang dahil sa nakikita ko.

"Maayos po papa atsaka sobrang laki talaga ng room ko,"

Maddox chuckled and nodded.

"Do you like it?"

Tumango-tango si Roscoe.

"I love it papa!"

They giggled both and I was smiling the whole time! Hindi ko talaga akalain na magiging ganito kasaya ang magiging pamilya namin.

Obey The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon