Chapter 29

832 22 2
                                    


Chapter 29

"Are you okay?" mahinang tanong ni Maddox.

Tumango ako at ngumiti.

"Ayos lang ako,"

Nasa isang bahay kubo kami ngayon at dahil sa lakas ng ulan ay na stuck kami dito. Ang kubo na ito ay may apat na upuan at round table. Naka-upo ako ngayon sa kabila at naka-upo siya sa kaliwa. Naghahanap din ako ng signal pero one bar lang talaga ang nasa cellphone ko. Dahan dahan kong tiningnan si Maddox at napabawi ako agad nang makita ko siyang nakatingin sa akin.

Napalunok ako at huminga ng malalim. Naalaala ko ang nakaraan. Ganito din kami sa kubo ng Isla niya.

"I think there's no signal here. Liblib ang lugar na ito," tumikhim siya.

Dahan-dahan akong tumango at binalewala nalang ang nararamdaman. Hihinto din naman siguro ang ulan mamaya kaya hinayaan ko nalang na matapos agad.

Suminghot ako at humikab.

"Sleepy?" tanong niya.

Umiling ako sa tanong niya. "H-Hindi naman,"

He nodded.

Nakatingin pa din siya sa akin kaya naiilang akong gumawa ng kahit ano kasi pakiramdam ko nakatingin lang siya sa akin.

"I'm sorry," sabi niya.

Nilingon ko siya at kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"H-Ha? P-Para saan?"

"Hindi ko alam na uulan ngayon at hindi ako nag dala ng payong.

Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at hindi alam kung anong nararamdaman.

"H-Hindi mo naman kasalanan kung bakit umuulan," mahina kong sabi.

"But still sorry for being reckless," 

Um-oo nalang ako sa sinabi niya dahil parang ayaw niya paniwalaan na hindi niya talaga kasalanan kung bakit umuulan ngayon.

Napanguso nalang ako.

Kulit mo Maddox!

Lumipas ang ilang minuto ay tumila na ang ulan kaya naglakad na kami pabalik nang parking lot.

"I have fun today and I'm still sorry for what I've done," sabi niya.

Ngumiti ako ng maliit.

"M-Matagal na 'yon kaya mag m-move on nalang tayo," mahina kong sabi.

"Yeah,"

Nakauwi kami bandang hapon at sa cafe niya ako binaba dahil hindi ko sinabi sa kanya kung saan ako nakatira kahit na nagtatanong siya kanina.

Natatakot pa din ako dahil hindi niya pa alam tungkol kay Roscoe.

Sa tamang panahon nga.

"Mama! Na miss ko po kayo!" yumakap agad si Roscoe sa akin.

Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Na miss din kita anak,"

"Gaano po ka miss?"

"Sobra!"

I giggled and he giggled also. Para kaming hindi nag kita nang ilang buwan!

My cute little boy.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko.

Nilagay ko siya sa upuan at nag hanap nang mga sangkap para mag luluto ng hapunan.

"Nag luto na po si Mommy Hailey!"

Nagulat ako. Akala ko umalis na siya?

Hindi nag tagal ay bumukas ang pintuan ng apartment at nakita ko si Hailey na pagod na pagod.

Obey The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon