Chapter 22

1K 26 8
                                    


Chapter 22

"Sunny! Bilisan mo dyan last na 'yan na customer kasi mag clo-close na tayo."

Nabalik ako sa katinuan ko nang narinig ko ang sigaw ni Marlon sa likod kaya agad akong napalunok ako nahihirapan na tumingin sa harap.

"W-W-What's y-your order s-sir?" nanginginig kong tanong.

Hindi ito sumagot sandali kaya dahan-dahan ko siyang tiningnan. Halos lumabas ang kaluluwa ko nang nakita ko siyang nakatingin din sa akin.

"I'd like a half-caff with soy milk and no sugar please," he stopped for a while and looked at my name tag.

Shit! Hindi ko maiwasan na mabagalan dahil hindi ako makagalaw ng maayos.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong umalis agad dito dahil nahihirapan akong huminga, nahihirapan akong tingnan siya.

"O-Okay." sagot ko sabay nilagay agad ang order niya.

Pagkatapos ko ay agad ko binigay sa kanya ang resibo at nagmamadaling umalis nang bigla siyang nag salita ulit.

"My change?"

Dahan-dahan akong humarap sa kanya at hindi ko maiwasan talaga mahirapan huminga dahil sa napapaso niyang tingin.

Kinuha ko ang sukli at binigay 'yon sa kanya. Umalis na ako doon at dumiretso sa locker.

Nah inhale-exhale ako at kinalma ang sarili.

Paano siya nakapunta dito? Paano niya nalaman na nandito kami? Ano na ang mangayayari?

Paano si Roscoe?

Magulo masyado ang isipan ko at halos mabaliw na ako kakaisip kung anong gagawin ko ngayon na nag pakita siya ulit. Alam kong dadating ang araw na ito pero hindi ko akalain na ganito kabilis.

Kailangan kong sabihan si Hailey. Kailangan niyang malaman ito.

"Sunny!" rinig kong sigaw ni Marlon.

Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat kaya naman kinuha ko ito agad at huminga ulit ng malalim.

"Kalma Sunny..." pinakalma ko ang sarili ko at nang tapos na ay bumalik na ako sa loob.

Sinalubong ako ni Marlon ng ngiti.

"Araw ko...salamat ah kasi pumunta ka," sabi niya.

"O-Oo naman," sabi kay sabay ngiti. Nakita ko na wala na masyadong tao sa loob at tumingin din ako aa wrist watch ko.

Pasado alas sais na pala.

"Anyway yung last customer pala natin is friend ng owner ng cafe na 'to."

Napahinto ako saglit.

Friend?

"Hindi mo sinabi yung name! Jusme kung sinabi mo ako nalang sana nakipag usap." pinaypayan niya ang sarili niya.

Napalunok ako.

Hindi ko pa kailanman nakita ang may-ari ng cafe na 'to kaya nakakapag-taka din kung sino at mas nagulat ako na kaibigan pala niya si Maddox.

Kaya ba nahanap niya ako agad?

Umiling-iling ako.

"Hoy! Nakikinig kaba?" tanong ni Marlon.

"H-Huh?"

Hinawakan niya ang noo ko.

"Wala ka namang lagnat ah!"

"W-Wala naman t-talaga," sabi ko.

"Oh ba't ka nau—"

"Excuse me? Can I get some water?" a baritone voice said.

Obey The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon