"Isda! Bili na kayo ng isda!" sigaw ko habang nakalagay sa aking ulo ang maliit na batya. Kailangan kong mapaubos ang isdang nilalako upang kahit papaano ay mayroon kaming pambili ng bigas ng Inay ko. Kapag kasi hindi ko ito napaubos ay papagalitan na naman ako nang pinagkukunan ko ng isda, baka hindi na ako bigyan sa sunod nang ilalako ko.
"Medina Cuerpo!"
Napatigil ako sa tumawag sa aking pangalan. Tumingin ako at nagsalimbayan ang kilay ko sa pagtaas nang bumulaga sa mukha ko ang napakagandang kutis ng isang babae.
"Bibili ka ba ng isda, Miss?" tanong ko sa magandang dilag, ngunit may pagtataka sa aking isipan kung bakit
kilala niya ako."Hmmm! Mukhang hindi muna ako kilala, Medina?" tanong ng babae sa akin.
"Wala naman kasi akong kilala na katulad mona maganda," sagot ko rito, ngunit tinitigan ko ito sa mukha.
Malungkot na tumingin siya sa akin. "Hindi mo ba talaga ako natatandaan? Ako ito ang dating kapitbahay ninyo at umalis papuntang US.
Kumurap-kurap ang mga mata ko nang tumingin sa babaeng kaharap ko. Ngayon lang pumasok sa kukuti ko kung sino ito.
"Jimsheen Tagulay-lay?" tanong kong nanlalaki ang mata, hindi rin ako makapaniwala.
"Yes! Ako nga ito, nakakapagtampo ka naman," anas nitong may pagtatampo sa boses.
"Paumahan, Jimsheen, ang ganda-ganda mo na kasi kaya talagang hindi kita nakilala," wika ko rito.
Nagulat pa ako rito nang bigla niya akong yakapin. Iiwas sana ako dahil nahihiya ako sa amoy ko. Pero sadyang makulit ni Jimsheen. Mahigpit pa rin akong niyakap kahit na amoy isda ako.
"Sobrang namis kita, besty!" bualalas nito.
Kaya kahit na hihiya ay hinayaan ko na lamang si Jimsheen na yakapin ako.
"Ano ba ang ang tinitinda, Medina?" tanong nito.
"Nagtitinda ako ng isda para kahit papaano'y may pambili kami ng bigas. Mahina na rin kasi ang inay ko kaya hindi na siya makakapaglaba," malungkot kong wika rito.
"Huwag ka nang malungkot besty sapagkat bibilhin ko ang lahat ang tinda mong isda. Para makauwi ka na rin dahil tanghali na," wika ng kaibigan kong si Jimsheen.
"Sigurado ka bang bibilhin mo ang lahat ng isdang paninda ko?"
"Oo, bibilhin ko, ilang kilo ba ang lahat ng iyan?"
"May limang kilo pa ang lahat ng ito." Gusto kong maglupasay sa tuwa. Hindi nga ito nagbibiro at binila nga niya ang paninda kong isda. Nagulat pa nga ako nang mag-iwan pa ito ng isang kilo para daw may ulam kami ng inay ko.
Agad na rin nagpaalam si Jimsheen sa akin. Nangako din itong dadalawin kami ni inay sa bahay. Sinundan ko na lamang ng tingin ang papalayong bulto ng kaibigan ko. Ang laki na nang pinagbago nito. Katulad lang din nila ito na dating mahirap.
Pero nagbago ang buhay nila ng makapag-asawa ang ina nito ng isang bilyonarong lalaki. At doon nga umunlad ang buhay ng kaibigan ko. Dinala sila sa US at doon na pinagpatuloy ang pag-aaral.
Muli akong naglakad na pauwi para makapagluto na rin ng ulam namin ngayon tanghalian. Umikot ang mga mata ko sa buong paligid, nakikita ko ang mga kabaryo ko na mga nakangiti pa rin pero na babanaag ko sa kanilang mukha ang pagod.
Maliit lang ang Barrio Barba pero kahit na sabihin maliit na Barrio lamang ito ay hindi naman naghihikahos ang mga tao rito. Iilang na nga lang matatawag na talagang walang-wala at isa na ako roon.
Kung hindi ako kumayad ay walang naman kaming makakain ng mahal kong inay. Hindi na rin kasi ito nakakapag-labandera dala ng katandaan.
Kahit ang pagtitinda nga ng sampaguita ay ginawagawa ko at tuwing araw ng linggo ay na roroon ako sa simbahan para magtinda ng sampaguita, sayang din kasi ang kikitaan ko kung magtitigil lang ako rito sa bahay, malaking tulong iyon sa amin.
"Medina, pauwi ka na ba?" tanong ng dalawang babaeng biglang sumulpot sa harapan ko.
"Oo, pauwi na ako dahil naubos na ang lahat ng tinda kong isda," sagot ko kay Manilyn Torio, isa ito sa matalik kong kaibigan.
Tumingin din ako sa isang ko pang kaibigan na si Vin Pascual, may pagka pusong lalaki naman ito. Iwan ko ba rito, bakit pinasok ang pagiging tomboy, kung titingnan naman ang itsura nito ay siguro akong magandang babae ito kapag ganap na isang dalaga.
Hindi naman nagtagal ay umalis na rin ang mga kaibigan ko. Kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, iyon nga lang ay halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang magkakasunod na pagbusina ng isang sasakyan, agad akong tumingin sa kaliwa ko at ganoon na lang ang gulat ko dahil isang dangkal na lang at sasayad na sa akin ang unahan ng kotse.
Nabitawan ko rin ang hawak ko na batya. Pakiramdam ko'y tumakas ang kaluluwa ko sa aking katawang lupa.
Bumukas ang pinto ng kotseng at lumabas mula roon ang lalaking pinagpala. Napanganga ako at halos hindi makaimik. Ngayon ko lang kasi na pansin na halos malapit na pala ako sa gitna ng kalsada.
Ang layo na pala ng lipad ng utak ko, kaya kamuntik na akong mamatay sa kabaliwan ko.
"Magpapakamay ka ba?" singhal sa aking ng lalaki at agad na lumapit siya sagawi ko.
Ngunit wala pa ring lumabas na boses sa akin, nakatitig lamang ako sa mukha ng lalaki.
"Ohh, pipi ka ba o bingi? Alin ka sa dalawa?" pauyam na tanong nito.
Parang bigla akong natauhan sa sinabi ng lalaking kaharap ko. Hindi na pala siya gwapo sa harap ko, kundi isa na siya pangit na nilalang na nagkatawang tao.
Imbes kasi na humingi siya ng tawad sa akin dahil sa kamuntik na niya akong masagasaan ay para bang siya pa ang matapang
Nang makahuma na ako sa pagkagulat ay nanlilisik ang mga mata ko na tumingin sa lalaking baliw. Lumapit ako nang bahagya rito.
"Ayos ka rin, noh? Ikaw na nga itong may kasalanan, ikaw pa itong matapang, imbes na mag sorry ka sa akin nagmamayabang ka pa?" bulyaw ko sa mukha nito wala akong pakialam kahit tumalsik ang laway ko sa mukha nito.
Umakro ang isang kilay ng lalaking kaharap ko hindi siguro nito inaasan ang sinabi ko.
"Ikaw ang biglang pumunta sa gitna ng kalsada!" itirang wika nito.
"So, nakita muna pala ako, eh, 'di sana'y ikaw ang umiwas. Hoy! Kahit saang korte tayo makarating, kung nabangga mo ako, sa mata ng batas ikaw pa rin ang kriminal!" sigaw kong muli.
"Ah, actually, I have no intentions of killing you. Kaya imposibleng ma-convict ako. Unless---"
"Oh, shut up! Wala akong balak na pakinggan ang katwiran ng batas mo!" bulalas ko at halos lumabas ang litid ko sa pagsigaw sa lalaki.
PLAYBOY SERIES 2
BINABASA MO ANG
THE BACHELOR PLAYBOY SERIES 2
RomanceNapakasuplado at arogante ang tingin ni Medina Cuerpo sa step brother ng kanyang kaibangang si Jimsheen Tagulay-lay. Una silang nagtagpo nang kamuntik na siyang masagasaan ng kotse nito. Pinalampas niya iyon sapagkat alam niyang mayroon din siyang...