JOSH MARQUEZ
"Drugs like meth and chinese heroine were supplied last moth to different drug syndicates. Hindi ko alam kung paanong nalusutan ng mga tauhan ko sa pantalan ng Barrio Barbara.
Tahimik lang na nakikinig ako sa sinasabi ng aking kaibigan na si Rodel. Isa-isang ibinaba nito ang mga litrato sa mesa.
"There are the targets. This is Ben, the one who's next in line after Stone and Frando. Siya ang namamahala sa lahat ng operasyon mula nang mahuli natin si Frando.
This guy here in Joel Cast. Ito ang kanang-kamay ni Ben sa lugar. This one here is Eigram Lastsirk isang Chinese na matalik na kaibigan ni Ben. Hindi pa tayo nakakasisiguro kung kasabwat din siya. At siya rin ang may-ari ng fishpod sa buong lugar."
Tiningnan muna ako ni Rodel bago inabot sa aking ang dalawang litrato ng babae.
"Manilyn Torio. Alam kong malabong kasabwat siya," wika nito Rodel.
Kumunot ang noo ko ng makita kong nagningning ang mga mata nito nang banggitin ang pangalan ni Manilyn Torio. Naghinala tuloy ako sa aking kaibigan. Ito siguro 'yung sinasabi niyang matagal na niyang mahal.
Tumingin muli ako sa isa pang litrato at nagsalubong ang kilay ko ng makilala ko ito. "Ang babaeng walang manners," mahina kong usal. Ngunit hindi ako nagpahalata na kilala ko ito.
Itinaas ko ang litrato. "And who is this?" tanong ko.
"Thats is Medina Cuerpo. Malaki ang ang maitutulong niya sa kasong hahawakan mo. Siya ang makakapagturo sa atin kung saan nagtatago si Ben na alam kong kakilalala niya. Kailangan din nating malaman kung saan naroroon ang laboratoryo at bodega nila.
Alam kong madali ka lang makakalapit kay Medina dahil kaibigan siya ng step sister mo na si Jimsheen Tagulay-lay," usal nito.
Nakakunot-noong tumingin ako sa aking kaibigan. "Rodel, you know that I'll be on vacation."
"I know, but you can't go on a vacation," pakli nito.
"Why the hell not?"
"Dahil ikaw lang ang puwedeng gumawa ng trabahong ito, Josh," saad nito.
"I don't think so," sagot ko.
"You purchased a house and lot in Barrio Barbara---"
"Pati ba naman ako ay pinaiimbestigahan mo na rin?" puno ng iritasyon sabi ko rito. Tumayo ako at dumungaw sa bintana.
"No. Dumating kahapon ang ahente mo at ipinasasabi na tapos na ang renovation ng bahay mo sa Barrio Barbara."
Naiinis na napabuga ako sa hangin. "Anong kinalaman nito sa kaso?" tanong ko.
"Medina happens to be your neighbor," sagot nito.
Hindi muna ako nagsalita. Ngayon ko lang din namalan na magiging kapitbahay ko pala ang babaeng walang manners.
"What a coincidence," sarkastikong wika ko.
Ngumisi lang sa akin si Rodel at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Indeed. My source tell me that the biggest drop will happen in Barbara. Mula roon ay dadalhin ang mga droga sa Maynila upang ibenta. Kailangan nating malaman kung paano nila gagawin ang distribusyon. We have stop them."
"And if I refuse this job?" tanong ko
"I know you won't."
Kinuha nito ang isang folder at iniabot iyon sa akin.
"Noong isang linggo lang ay may natagpuang limang batang patay sa isang abandonadong bahay. Forensic experts say that these kids overdosed on meth. Gumagamit ng mga inosenteng bata si Ben para sa mga operasyon niya," pahayag ni Rodel.
Kinuha ni Rodel ang isang sobre na naglalaman ng mga litrato ng mga batang biktima ng sindikato.
"These kids are the reason you're going to postpone your vacation and do this job. Nandiyan na ang lahat ng kailangan mong malaman. You will be working undercover," bulalas nito.
Wala sa loob na kinuha ko kay Rodel ang hawak niyang folder. Bumuntonghininga muna ako bago muling magsalita.
"All right, I'll do the job," sagot ko kahit na labag sa aking kalooban.
Tiningna ko uli ang ang litrato ni Medina Cuerpo. "Is she involved in this?" tanong ko.
"Hindi pa tayo nakasisigurado sa bagay na iyan. O baka nga wala siyang alam sa mga taong nakakasalumuha niya," wika nito.
Tumango na lamang ako kay Rodel at muling tumingin sa litrato. The woman had the face of an angel. Parang mahirap paniwalaan na sangkot ito sa isang masamang gawain. Mahaba ang buhok nito. She looked like a Spanish aristocrat. Her eyes glistened mysteriously. She had a cute delicate snub nose. Her lips were full and sensuous.Kaya lang makakairita ang boses ng babae. Masyado itong matapang at wala ring manners na nakatago sa katawan.
Tumingin muli ako kay Rodel at pansin kong nakatitig ito sa litrato ni Manilyn Torio. Mukhang inlove nga ang aking kaibigan. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Mas maganda sigurong ikaw ang humawak ng kaso para lagi mo siyang nakikita," bulalas ko na kinasama mg tingin nito.
Playboy Series 2
BINABASA MO ANG
THE BACHELOR PLAYBOY SERIES 2
RomanceNapakasuplado at arogante ang tingin ni Medina Cuerpo sa step brother ng kanyang kaibangang si Jimsheen Tagulay-lay. Una silang nagtagpo nang kamuntik na siyang masagasaan ng kotse nito. Pinalampas niya iyon sapagkat alam niyang mayroon din siyang...