MEDINA CUERPO
Hanggang ngayon ay asar pa rin ako sa pagmumukha ng lalaking ito, kaya patuloy ko siyang sinusundan.
Napanganga ako nang maramdaman kong may tumusok na bagay sa aking paa. Kaya bigla akong napatigil sa paghakbang.
Tiningnan ko ang paa ko na walang sapin. Halos maluha ako nang makita kong nagdurugo ang aking talampakan.
"You are very stupid." Yumuko ito at tiningnan ang nasugatang talampakan ko.
"Hindi ako stupid. Umalis ka na. Paulit-ulit mo lang akong iniinsulto, eh!" singhal ko sa lalaking suplado.
Ngunit hindi ako pinansin ni Josh at patuloy lang na sinusuri ang aking talampakan. Nakita ko ring napatiim-bagang ito nang makita ang maraming dugo na lumabas mula sa sugat ko.
"What happened to you?" tanong nito.
"Salubsob lang 'yan. May natapakan ako kanina na matulis na bagay. Huwag mo na akong pakialaman. Mas malaki ang tsansa kong mabuhay sa salubsob kaysa sa bala ng baril ng isang holdaper," puno ng sarkasmong wika ko.
Nakita kong inilabas nito ang panyo at itinali iyon sa paa ko.
"It could get infected."
"Lilinisan ko na lang pag-uwi sa bahay," mahinang sabi ko rito.
Medyo naiilang ako dahil matagal muna akong tiningnan.
"Can you walk?"
"Sugat lang 'yan. Hindi ako nabalian o naputulan ng paa. Salamat at makakaalis ka na."
Nagkibit-balikat lamang si Josh at tumayo. Kahit kailan ay hindi ako hihingi ng tulong sa lalaking iyon.
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang hapdi na nagmumula sa aking paa. Minsan ay hindi rin ako makapaniwala sa sariling kagagahan ko.
Tumayo ako ngunit nang subukan kong itapak ang aking paa ay napangiwi ako sa naramdamang sakit. Mukhang mahihirapan akong makalakad upang makarating sa bahay.
Sana ay hindi ko na lamang hinabol ang supladong lalaki para awayin. Hindi na sana ako napahamak.
Napabuntonghininga ako. Kumuha ako ng patpat sa gilid ng daan at ginawa iyong tungkod. Hirap na naglakad ako. Baka hapon na ako makarating sa bahay at siguradong nag-aalala na si inay.
Isang buntonghininga uli ang pinakawalan ko bago nagpatuloy sa paglalakad.
Nagulat ako nang mag-angat ng tingin, nakita ko ang magaling na lalaking suplado na nakaupo sa isang nakatumbang puno ng mangga.
"Akala ko ba umalis ka na?" nakataas ang isang kilay na tanong ko rito.
"I was waiting for you. I knew you wouldn't hold for long. The wound is too deep and it will soon be hurting like hell. Kahit iniisip mo na masama akong tao, hindi naman kita puwedeng pabayaang mag-isa rito sa ganyang kalagayan mo."
Umismid ako sa sinabi nito. Masyadong mahangin ang dating nito sa akin.
"Hindi sa hindi ako nakakaintindi ng english pero puwede naman sigurong mag-Tagalog ka na lang? Tutal, kaya mo naman," pang-iinis ko sa lalaki.
Sa halip na patulan ang aking sinabi, ngumiti lamang ito sa akin. Bigla kong nakalimutan ang galit para sa lalaki.
Natagpuan ko ang aking sarili na nakatingin sa ngiti nito. Lalo itong gumuwapo sa aking paningin.
Nagulat ako nang tumalikod ito sa akin at yumuko.
"Come on now. Let me help you."
Saglit na napamaang ako sa gagawin nito.
"Para sabihin ko sa 'yo, ikaw pa lang ang nagsabi sa isang holdaper na barilin ako," mataray na sabi ko rito.
"What! Hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakapag move on?" asar na naman tanong ni Josh.
PLAYBOY SERIES 2
MEDINA&JOSH😂🤣
BINABASA MO ANG
THE BACHELOR PLAYBOY SERIES 2
RomanceNapakasuplado at arogante ang tingin ni Medina Cuerpo sa step brother ng kanyang kaibangang si Jimsheen Tagulay-lay. Una silang nagtagpo nang kamuntik na siyang masagasaan ng kotse nito. Pinalampas niya iyon sapagkat alam niyang mayroon din siyang...