Nanggagalaiti ako sa galit pag-dating ko ng bahay, parang gusto kong balikan ang lalaking iyon. Ang nakakainis pa'y hindi naman lang humingi ng sorry sa akin at basta na lang akong iniwan.
"Naku! Makita ko lamang muli ang lalaking iyon, sisiguraduhin kong tatagpasin ko ang leeg niya!" malakas kong bigkas, hindi ko alintana kung may makakarinig sa akin.
"Sino bang kaaway mo, Medina? Parang kang baliw diyan na salita nang salita," tanong ng aking Inay na basta na lamng sumulpot sa aking harapan.
"Wala naman po akong kaaway Inay, ang totoo niyan ay nag practice akong kumanta dahil sasali po ako sa tawag tanggalan," palusot kong malupit sa akin mahal na Ina.
"Tawag tanggalan? Ngayon ko lang ata narinig iyan?" may pagtataka sa mukha ng aking Inay.
"Opo, bago lang po iyang tawag tanggalan na aking sa salihan."
"Saang barangay ba iyan gaganapin?" usisa ng Inay ko.
Nag-isip muna ako na anong barangay ang sa sabihin ko. "Sa ano...sa...barangay hindi mahanap-hanap," anas ko.
Napasigaw ako nang malakas nang lumapat sa aking pwetan ang hawak na walis tambo ng Inay ko.
"Huwag mo akong pinag-pinagloloko, Medina!" naiinis na wika ng Inay ko.
Sasagot pa sana ako sa aking mahal na Ina nang may marinig kaming kumakatok sa pinto. Kahit gusto pa akong talakan ng Inay ay pinili na lamang nitong tumalikod upang buksan ang pinto.
Sumunod din ako sa Inay upang alamin kung sino ang panauhin namin.
"Jimsheen, Ikaw ba iyan?" dinig ko ang boses ng Inay.
Mas lalo akong nagalak nang sambitin ang pangalan ni Jimsheen. Hindi ko akalaing mapapaaga ang pagpunta niya rito sa bahay.
"Ako nga po ito tita Flor. Kamusta na po kayo?" dinig ko ang boses ni Jimsheen.
"Ayos lang kami hija. Sino ba itong kasama mo?" tanong ng Inay.
"Siya po ang step brother ko na si kuya Josh."
"Kamusta po," boses ng lalaki.
Bigla akong kinabahan sa pamilyar na tinig na iyon. Sumilip muna ako sa pinto na natatakpan ng kurtina. Wala akong makita kundi ang matikas na pangangatawan ng lalaking iyon. Naglakbay ang mata ko sa mukha nitong napaka arogante.
Humakbang na ako papalapit sa mga nag-uusap. Baka kasi kung ano pa ang isipin ng lalaking iyon sa akin, oras na mahuli akong sumisilip sa pinto.
Habang papalapit ako sa mga ito'y pakiramdam ko'y nagyeyelo ang dugo ko sa panlalamig at tila gusto kong tumakbo pabalik sa kusina para kumuha ng itak.
Bumaling sa akin ang lalaki at na babanaag ko roon ang pagtataka.
"Medina! Hindi mo man lang sinabi sa akin na nandito na pala sa lugar natin itong kaibigan mong si Jimsheen," puna sa akin ng Inay.
"Paumanhin po Inay. Ang totoo niyan ay kanina lang din po kami nagkita ni Jimsheen."
"Aah, ganoon ba Anak. Siya nga pala Josh, ipapakilala ko sa 'yo ang aking nag-iisang anak," may pagmamalaki sa tinig ng Inay.
Pormal naman ang pagpapakila ng lalaki. Ngunit hindi nakaligta sa matalas kong mata ang makahulugang ngiti nito. Inilahad niya ang kamay pero tiningan ko lamang ito.
Siguro'y napahiya ang lalaki sa hindi ko pagtanggap ng kamay niya at nakita ko ring naningkit ang mga mata nito.
"Hindi ko akalaing ang isang katulad mo ay magiging kaibigang ni Jimsheen!" patuyang wika ni Josh.
Pagkagulat ang nakalarawan sa dalawalang babaeng kaharap namin.
"T-teka, magkakilala ba kayo?" takang tanong ni Jimheen.
"Hindi!" panabay na bigkas namin ng lalaki.
"Wow! Hindi kayo magkakilala? Pero tingin ko sa inyo ay parang gusto ninyong patayin ang isat-isa sa klase ng titigan ninyo," bulala ni Jimsheen.
Napailing na lamang ang aking Inay. Hindi na lang din ako muling nagsalit. At baka lalo lang humaba ang usap.
Tahimik lang ako bahang nakaupo. Patuloy naman nag-uusap ang mga kasama ko.
"Sabihin muna nga sa akin ang totoo kuya Josh! Magkaaway ba kayo ng kaibigan ko?" muling usisa ni Jimsheen.
"Naman, akala ko'y tapos na kami sa paksang iyon," mahina kong wika.
"Isang munting insidente lang Jim at para sa akin sa akin ay walang kuwentang pag-usapan," wika ni Josh.
Parang umusok ang ilong ko sa mga sinabi ng lalaki. Pakiramdam ko'y nangangati na ang paa ko na pumunta sa kusina upang kumuha ng itak at tapyasin ang leeg nito.
"Kung anoman ang munting insidente ay sana naman ay magkaayos na kayong dalawa," pakiusap ng aking kaibigan.
Napatawa ang lalaki na kinakunot-noo ko. "May mga taong sadyang maramdamin, Jimsheen. It's a pity na isa ang iyong kaibigan sa mga iyon. Ngunit para sa 'yo'y kaya ko siyang pag-tiisan."
Kundi ko napigilan ang aking sarili'y napagsalitaan ko na sana ng masama ang lalaki. Tumahimik na lamang ako at kinimkim ang matinding galit para sa lalaki.
"Tita Flor, paumanhin po," magalang na wika ng lalaki.
"Aahh, walang problema sa akin hijo alam kong magkakaayos din kayo ng anak ko.
Hindi naman nagtagal ang mga ito. Babalik na lang daw sila sa sunod na araw. Hinatid ko sila sa labas ng bahay. Yumakap pa nga sa akin ni Jimsheen. Tumingin din ako sa lalaki at nakikita ko ang isang mapanuring titig naibinigay niya sa akin.
"Ilang taon na ang kaibigan mo, Jimheen?"
"Magkaedan lang kami kuya dalawangput lima."
"Magkaeda kayo?"
"Yes, kuya may problema ba?.
"She still has to learn some manners..."Halos pabulong, ngunit sapat lang para marinig ko.
"Kuya!" bulalas ni Jimsheen.
Nginitian muna ako ng lalaki. "Hindi mo tinanggap ang kamay ko kanina, remember?"
"At dahil doon ay sasabihan mo ako na walang alam sa tamang asal?"
Pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo. Humigpit rin ang hawak ko puno na nasa tabi ko.
"Kuya Josh, please tama na!" pagmamakaawang turan ni Jimsheen.
"Maliit na bagay upang hindi kita pagbigyan, Jimsheen. Siguro'y kailangan na nating umalis," wika ng lalaki at tumalikod na para pumunta sa kotse.
"Besty, patawad sa nagawa ng aking kuya."
"Ano ka ba ayos lang iyon!" Wika ko.
Pero ang totoo ay kanina pa ako nagpupuyos sa galit. Ayaw ko lang ipahalata sa kaibigan ko dahil wala naman siyang kasalanan. Hindi muna ako pumasok sa loob ng bahay. Sumagap muna ako ng sariwang hangin at pinalamig ko ang aking ulo.
"Meds! Anong ginawa mo rito sa labas ng bahay ninyo?"
Tumingin ako sa babaeng biglang sumulpot sa aking harapan.
"Ikaw pala, Manilyn. Nag-aalis lang ako ng init ng aking ulo at baka anomang oras ay biglang sumabog," asan ko.
"Ay, tamang-tama dahil kapag sumabog iyan ay papalitan na lamang natin ng ibang ulo!" makalas na bigkas nito.
"Anong klaseng ulo?" tanong ko.
Playboy Series 2
BINABASA MO ANG
THE BACHELOR PLAYBOY SERIES 2
RomansaNapakasuplado at arogante ang tingin ni Medina Cuerpo sa step brother ng kanyang kaibangang si Jimsheen Tagulay-lay. Una silang nagtagpo nang kamuntik na siyang masagasaan ng kotse nito. Pinalampas niya iyon sapagkat alam niyang mayroon din siyang...