PLAYBOY 4

178 10 3
                                    

"Anong bang ulo ang gusto mong ipalit ko sa 'yo?" tanong sa akin ni Manilyn.

"Kahit ano, basta 'yung mabilis akong makakapag-isip kung saan ako kukuha ng malaking pera, lalo at kailangan ni Inay sa sunod na linggo," wika ko.

Biglang tumawa ng malakas ang aking kaibigan. "Siguro'y kailangan ko nang umalis upang maghanap ng ulong kailangan mo," wika nitong nakangisi.

Tumango na lamang ako rito. Agad din naman akong tumayo upang pumasok sa loob ng bahay. Para kasing bigla akong inantok kaya sa aking munting silid ako tuloy. Dahil din siguro sa pagod kaya gusto ko ng magpahinga.

"Medina, Medina!"

Napabalikwas ako nang bangon ng marinig ko ang boses ng aking Inay. Kaya nagmamadali kong binuksan ang pinto ng silid ko.

"Inay!" wika kong inaantok pa.

"Bumangon ka na riyan at kumain, dahil kagabi ka pa hindi kumakain. Ako'y aalis muna at ikaw na muna ang bahala rito sa bahay," biling ng aking Inay.

"Sige po," inaantok kong wika.

Agad na umalis sa aking harapan asi Inay. kahit inaantok pa'y pumunta na ako sa munting kusina namin upang kumain dahil nakaramdam na ako ng gutom.

  Umupo ako sa hapagkainan. Gamit ang tinidor ay tinusok-tusok ko ang pritong itlog sa aking plato. Kailangan ko pa lang magtinda ng isda ngayon para makaipon ako ng pamasahe ng Inay papauwi sa probinsya nila.

Kailangan kasing makauwi si Inay habang maaga pa. Nalaman kasing namin mahina na ang kapatid nito at gusto ni Inay na makita ito.

Matagal na rin kasi sila na hindi nagkikita, kaya kahit sa huling sandali ng buhay ng kapatid nito ay makausap at mayakap man lang ni Inay.

Tumingin ako sa pusang katabi ko kinuha ko ang natitirang itlog at ibinigay ko rito.

"Kikoy, ubusin mo iyang pagkain mo. Pasensya na at iyan lang ang naibigay ko sa 'yo. Mahirap lamang tayo kaya huwag ka ng mag-inarte," malakas kong bigkas.

Iniligpit ko ang aking mga pinagkainan. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung saan kukuha ng medyo malaking pera.

"Aahh! Himala! Kailangan ko ng himala! Nasaan ka na magpakita ka na sa akin!" bulalas ko.

Kinuha ko ang walis tambo at nag-umpis nang maglisnis sa buong bahay.

"Mang holdap kaya ako ng bangko. Ano sa tingin mo Kikoy?"  tanong ko sa pusang nakasunod sa akin.

  Ngunit wala akong narinig na tugon sa pusa. Nakatingin lamang siya sa akin, kaya napatuloy ako sa aking pagsasalita. Wala akong narinig kay Kikoy at kung may makakarinig sa akin ay siguradong  masasabihan akong baliw.

  "Kikoy, sasama ka ba sa akin? Kung sakaling pasokin ko ang bangko. Ikaw ang gagawin kong pain," wika ko at humagalpak pa ng tawa.

  "Alam mo Ki---"

Kumunot ang aking noo ng marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto. Kaya agad akong kumapit doon upang buksan iyon. Nagsalubong ang mga kilay ko ng mabungaran ko ang mukha ni Josh.

  "Kanina pa kita naririnig na salita nang salita doon sa bahay ko. Napakaingay mo. Can you please tone down your voice?"

  Kumurap-kurap ang mga mata ko ng tumingin sa lalaki. "Anong sabi mo?" nakataas ang kilay na tanong ko.

  "Ang sabi ko, ang inagy mo. Puwede bang pakibawasan? Nakakaistorbo ka na kasi."

    So, ito pala ang may-ari nang pinapatayong bahay dito lang sa tabi namin. Inismiran ko siya bago muling sumagot.

  "Wala kang magagawa kung ma-ingay ako. Alam mo kung bakit? Kasi pamamahay namin ito. Ano bang pakialam mo? Saka kahit kumanta ako rito maghapon wala kang magagawa.

Kung ako sa 'yo lumipat ka na lang uli at dalhin muna lamang ang bahay mo. Nananahimik ako rito, tapos , kakatok ka sa pinto para magreklamo," asar na wika ko.

  "Nananahimik? Nakakabingi iyang boses mo. Nakikiusap lang ako sa 'yo na huwag kang masyadong  maingay pero ang dami mo nang sinasabi. Ano ka ba, manok?" asar na tanong nito.

  Sa aking narinig ay tuluyan na akong napikon dito. "Hoy, mister! Baka nakakalimutan mo kung kaninong bahay ka nakatungtong. ngayon." Pinamaywangan ko ito, handang makipag-away rito.

  "Just tone down your voice. At kung puwede kapag nag-uusap kayo ng boyfriend mo ay pakihinaan ang boses mo. Nang hindi kayo nakakaagaw ng atensiyon ng ibang taong mayroong ginagawa."

   Kumunot ang noo ko sa sinasabi nitong boyfriend ko.

"Hoy, excuse me, 'no! Hindi ko boyfriend si Kikoy!" bulalas ko sa mukhan nito at halos mapatid ang aking litid.

Anak ng tukwa pati ang alaga kong pusa napagkamalan nitong boyfriend ko.

  "Whatever. Just tone down your voice," wika nito.

Hindi ko na magawa pang magsalita dahil mabilis nang tumalikod ang lalaki sa akin. Hinabol na lamang niya ng tingin ito hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.

"May araw ka rin sa akin Josh."

Playboy Series 2

THE BACHELOR PLAYBOY SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon