MEDINA CUERPO🤣
Alam kong galit na galit na sa akin ang lalaking kaharap ko, dahil sa kakulitan ko. Nakikita ko rin ang nanlilisik nitong mga mata.
Pansin ko rin nagpipigilan lang ito na bulyawan ako.
"Well, we all have our first times, don't we? Sumakay ka na sa likod at baka magbago pa ang isip ko na tulungan ka. Marami pa akong gagawin at masyado mo na akong inaabala."
"Kaya ko naman talaga ang sarili ko. Hindi ko kailangan ang tulong mo." Hirap na ipinagpatuloy ko ang paglalakd.
Napatili ako nang parang sako na may lamang bigas na basta na lamang binuhat nito.
"Kung ipagpapatuloy mo ang katigasan ng ulo mo, sigurado ako na pilay kang makakarating sa bahay mo. Huwag ka nang kumontra kung ayaw mong ibagsak kita," wika nitong may pagbabanta.
Naiiling na hinayaan ko na lamang ito. Sobra ang pagkaasiwang nadarama ko dahil sa sitwasyon namin. Kanina laman ay nagtatalo kami ni Josh. Ngunit heto ako at buhat-buhat niya upang tulungan.
"Ibaba mo na ako," wika ko kay Josh nang makarating kami sa bahay ko. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao.
"Sure." Dahan-dahan akong ibinababa nito.
"S-salamat."
"Siguro naman ay bayad na ako sa kung ano mang atraso na nagawa ko sa 'yo,"anito at walang paalam na umalis.
Sinundan ko ng tingin ang papalayong lalaki. Hanggang sa mawala ito sa aking paningin. Pero hanggang ngayon ay kumakabog pa rin nang malakas ang aking dibdib.
Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko. Pero kailangan kong pigilan ito.
Kahit hirap na hirap ako sa paglalakad ay pinilit ko na ihakbang ang aking mga paa upang malinisan ang aking sugat.
Bahagya akong napailing nang maabutan ko ang aking alagang pusa na si Kikoy na nakahiga sa gitna ng papag kung saan ako natutulog.
May sarili itong higaan ngunit nagpupumilit pa ring itong tumabi sa akin.
Napapangiwi naman ako sa tuwing ihahakbang ko ang aking paa. Gusto ko munang hugasan ito.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang tuluyan na akong nakapasok sa banyo. Isa-isa kong inalis ang aking kasuotan hanggang sa tanging bra at underwear na lamang ang natitira.
Humakbang akong muli upang kuhanin ang sabon.
Ngunit nagkamali ako nang hakbang at tuluyang nadulas at isang malakas na tinig ang kumawala sa aking bibig.
Halos maiyak ako nang bumagsak ang aking balakang sa malamig at basang semento. Mangiyak-ngiyak ako nang pilitin kong tumayo.
Bigla naman akong napatingin sa pinto ng banyo nang bumukas iyon.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" hysterical na tanong ko pagkakita sa bulto ni Josh.
Pakiramdam ko'y namumula ang buong mukha ko dahil sa hiya, lalo at naka panty at bra lamang ako.
"Labas!" sigaw ko, hindi ko malaman kung paano itatago ang aking sarili sa mga mata ni Josh.
"What happened to you?" tanong nito. At lumapit pa ito sa aking pwesto.
"Lumabas ka sabi, eh. Labas!" muling sigaw ko sa lalaki.
"Oh, damn!" sabi nito at tila naiinis na lumabas ng banyo.
Ngunit akala ko'y tuluyan na itong umalis aking bahay. Pero nagkamali ako sapagkat muli na naman itong pumasok sa loob ng banyo. At mayroon na itong dalang kumot.
"Here, use this." Iniiwas nito ang tingin sa akin.
"Huwag kang manilip."
"Of course not!" naiinis na sagot nito.
"T-tumalikod ka kaya!" singhal ko sa lalaki.
Sumunod naman siya sa aking sinabi.
"As if you have the body of a goddess."
"Nakita mo? Nakita mo ako?" atungal kong muli.
"Hindi," mabilis na sagot ni Josh.
"Dapat lang na hindi mo makita, dahil para lang ito sa magiging asawa ko. Huwag ka munang titingin 'di pa ako tapos."
Wala naman akong narinig na salita sa lalaki.
"P-puwede mo ba a-akong tulungan? Hindi ko na talaga kayang maglakad,' pakiusap ko sa lalaki.
"No problem."
The playboy 2
BINABASA MO ANG
THE BACHELOR PLAYBOY SERIES 2
RomanceNapakasuplado at arogante ang tingin ni Medina Cuerpo sa step brother ng kanyang kaibangang si Jimsheen Tagulay-lay. Una silang nagtagpo nang kamuntik na siyang masagasaan ng kotse nito. Pinalampas niya iyon sapagkat alam niyang mayroon din siyang...