JOSH MARQUEZ
Binilisan ko pa ang paglalakad. Wala akong balak makipag agromento kay Medina.
Walang anu-ano ay may tumama sa aking ulo. Hindi iyon malakas para masaktan ako ngunit sapat na iyon upang makuha ang aking atensiyon.
"What the hell!" gulat na sambit ko nang may bumagsak na tsinelas sa aking harapan. Kaya nilingon ko ang pinanggalingan nito. Nakatayo doon ang magandang kapitbahay ko at mukhang inis ito sa akin.
Pinagmasdan ko ito nang mabuti. Naniningkit ang mga nito habang nakakuyom ang mga kamay. Nagmamadali rin itong lumapit sa akin.
Nang makalapit ito sa akin ay pinulot nito ang tsinelas.
"Buwisit kang lalaki ka!"
Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang malakas niyang tampalin ang aking dibdib.
"Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa 'yo!"
Sunod-sunod ang ginawang nitong pag-atake sa akin."What the hell is your problem, woman?" galit na tanong ko rito.
"Problem? Ang kapal ng mukha mo para itanong sa akin iyan!" sigaw nito.
Nanggigigil na tumigil ako sa paglalakad upang palisin ang kamay ng babae na nakahawak sa laylayan ng damit ko.
"What in hell is wrong with you? I saved your life!" iritabling wika ko. "You should be thanking me instead of harassing me. At puwede ba, bitiwan mo ang damit ko?" Inalis ko ang kamay nito.
Nagpumiglas ito sa pagkakahawak ko. "Bitiwan mo ako!" sigaw nito, taas-baba ang dibdib sa paghabol ng hininga.
"Walanghiya ka! Paano kung tinuluyan ako ng holdaper na iyon?"
"That won't happen," nakaimid na wika ko. Kung ganoon sana ito katapang kanina, sa tingin ko'y ay kayang-kaya niya ang holdaper."Ano'ng hindi mangyayari? Nakita mo namang nakatutok ang baril sa akin! Tapos, sabi mo, barilin ako? Sira ka pala, eh!" Muli akong nitong pinalo ng tsinelas.
"Stop that! You are so annoying!""Anong karapatan mong ilagay sa panganib ang buhay ko?" sigaw nito sa aking mukha.
"I said stop it!" Inagaw ko ang tsinelas nito at inihagis ko iyon sa kung saan. "Wala namang nangyari sa iyo, 'di ba? Ano pa ba ang ikinagagalit mo?" Sa pagkamangha ko rito ay bigla na lamang itong humagulhol ng iyak.
Lalo tuloy nadagdagan ang iritasyon ko sa babae.
"Bakit ka umiiyak? Baka kung ano ang isipin ng mga tao na makakakita sa atin!" wika ko. Pero patuloy lamang ito sa pagsigok.
"I-iniisip ko lang , p-paano k-kaya kung pinatay ako noong holdaper?"
Natigilan ako sa sinabi nito. Pero para sa akin ay hindi ko naman hahayaang mangyari iyon. Pansin kong parang bata ito kung umiyak.
"All rigth," simula ko. "I told the guy to shoot you because I know his gun wasn't loaded. You understand me? Walang bala 'yong baril. Wala akong balak na ipahamak ka o ang kahit na sino. Sorry kung natakot ka."
"Natakot?" sumisigok na wika nito. "Hindi mo lang alam kung ano ang nararamdaman ko aatkihin ako sa puso."
"That's why I'm saying sorry."
"Sorry? Ano' ng magagawa ng sorry mo kung may bala pala talaga iyon at binaril ako? Ano, magso-sorry ka lamang sa malamig kong bangkay? Akala mo kung sino kang magaling!" singhal muli nito sa akin.
Muli akong nainis sa babae. "You're a hopeless case. Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na wala akong balak na ipahamak ka!" bulalas ko rin sa babae.
Nakipagsukat pa ito ng tingin sa akin.
"Wala akong pakialam sa paliwanag mo!" sigaw nito sa akin.
Umiiling na tinalikura ko na lamang ang babaeng walang manners.
"Aba't...! Hoy, hindi pa ako tapos makipag-usap sa 'yo!"Naiinis na nilingon ko ito. "Listen closely, woman. Hindi mo ako kinakausap, inaaway mo ako. Marami akong dapat na gagawin at nakakaabala ka na. Saka bakit ba sumusunod ka pa sa akin, eh, tapos na nga ang usap?"
"Kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on!"
"Then move on!"
Gigil na gigil na ako sa babaeng sunod nang sunod pa rin sa akin.
"You know what?" Pinigilan ko ang aking sarili upang huwag mapasigaw.
"Leave me alone. Pikon na pikon na ako sa 'yo." Muli akong tumakikod at binilisan ko ang aking paglalakad palayo sa makulit na babae.
Ngayon lamang ako nakaramdam ng sobrang iritasyon. Ngunit sadyang makulit si Medina dahil pa tuloy pa rin ito sa pagsunod sa akin.
Playboy Series 2.
BINABASA MO ANG
THE BACHELOR PLAYBOY SERIES 2
RomanceNapakasuplado at arogante ang tingin ni Medina Cuerpo sa step brother ng kanyang kaibangang si Jimsheen Tagulay-lay. Una silang nagtagpo nang kamuntik na siyang masagasaan ng kotse nito. Pinalampas niya iyon sapagkat alam niyang mayroon din siyang...