JOSH MARQUEZ
AMATEUR," wika ko sa aking isipan habang napapaismid na pinapanood ang holdaper.
Alam kong natakot si Medina sa aking sinabing, subukan mo.
Kanina ko pa gustong bigwasan ang lalaki may hawak na baril at nakatutok iyon kay Medina---sinusundan ko ito kaya ako sumakay sa jeepney. Upang masiguro ko lang ang kaligtasan ng aking kapitbahay.
Hindi ko pa masiguro kung may bala nga ang baril. Pero base sa kilos ng holdaper, nasisiguro kong baguhan ito sa larangang iyon.
Ayaw niyang makipagbuno sa holdaper kaya ibinigay ko na lamang ang hinihingi nito. Tiningnan kong muli si Medina at nakaramdam ako ng awa para rito. Nanginginig at namumutla na ito sa sobrang takot.
"Subukan mo," sabi ko ulit sa holdaper, pinipigilan ko ang aking sarili na mapangiti. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ng aking kaharap. Subalit kailangan ko pa rin mag-ingat.
Saglit ko muli na tiningnan si Medina. Lalo itong namutla. She was white as sheet.
''Huwag mo akong subukan. Kayang-kaya kong patayin ang babaeng ito."
Alam kong kasinungalingan lamang ang lalaki.
Alam ko rin kung paano kumilatis ng totoong krimanal na handang pumatay makuha lamang ang gusto. At hindi iyong katulad ng lalaking ito na nauutal pa. Isa pa, dapat hindi na ito magbabanta pa. Gagawin na kaagad ang pagpatay nang walang pag-aalinlangan.
Malinaw na, ang taong ito ay hindi pa nakapatay ng sinuman. Alam ko agad ito sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa aking mga mata. It was part of my military training.
Ilang beses na rin akong nasabak sa trabaho na kailangan kong makipagnegosasyon sa malalaking kriminal o hindi kaya ay terorista. Ang lalaking ito ay wala pa sa lebel na iyon.
"Eh, 'di barilin mo siya," walang-gatol na sabi ko sa lalaki.
Pansin kong halos panawan ng ulirat si Medina sa aking sinabi.
"Mas mahalaga pa rin sa 'yo ang relo mong iyan?" sigaw ng babae na halos umiyak na.
"Yes," tugon ko.
"M-Mister..."wika nito sa nangiginig na tinig. Matindi ang nerbiyos na nararamdaman nito dahil sa tono ng boses ng babae.
Tumingin ako rito na walang imosyon ang aking mukha.
"Baka naman puwedeng ibigay mo na lamang ang relo mo. Kahit magkano pa iyan ay huhulog-hulugan ko na lamang, please naman, Mister," pakiusap nito.
"Shoot her," muli kong utos sa holdaper.
"Aba't...!" usal ng lalaki.
"I said, shoot her." Mas nilakasan ko pa ang aking tinig.
"Aba't, gusto mong gawin ko talaga!"
Nakita kong pumikit ng mata si Medina. Kaya sinamantalan ko ang pagkakataon. Maliksing umigkas ang aking kamao patungo sa mukha ng lalaki. At isa pang sipa ang ibinigay ko sa sikmura nito. Agad kong nakuha ang baril na hawak ng holdaper at dito ko itinutok.
"Kayo na ang bahala sa kanya," wika ko.
Nagmamadali akong bumaba ng jeepney. Sigurado akong galit na galit sa aking ni Medina. Pansin kong gusto akong pagkakalmutin sa aking mukha.
"Hoy, pesteng lalaking masama ang ugali!"
Bigla akong lumingon sa babaeng tumawag sa akin. Nakita ko lang naman si Medina Duerpo. Tila susugod ito sa gera habang papalapit sa akin.
Umiiling na lamang ako na pinagpatuloy ko ang aking paglalakad.
BINABASA MO ANG
THE BACHELOR PLAYBOY SERIES 2
Roman d'amourNapakasuplado at arogante ang tingin ni Medina Cuerpo sa step brother ng kanyang kaibangang si Jimsheen Tagulay-lay. Una silang nagtagpo nang kamuntik na siyang masagasaan ng kotse nito. Pinalampas niya iyon sapagkat alam niyang mayroon din siyang...