Alas-otso ng umaga. Nakangiti ako habang papasok sa malaking bahay ni Eigram.
"Ohhh, Medina. Mukha yatang maaga kang nakaubos ang iyong tindang isda?" tanong agad sa aking ni Eigram nang makita ako sa bungad ng pinto.
"Medyo swinerte ako ngayon araw, kaya maaga akong makakauwi sa bahay upang makapagluto ng pananghalian namin ni inay," wika kong nakangiti.
Tumango naman sa akin ni Eigram. Agad ko ring ibinigay dito ang pera.
Hindi naman ako nagtagal sa bahay ni Eigram. Nais ko rin kasing makauwi agad, mabuti na lamang at may dumating agad na jeep kaya nagmamadali akong sumakay.
Kaya lang ay inis na inis ako sa lalaking katabi ko rito sa loob ng jeepney. Kanina pa ako sinisiksik nito at lalo na at sobra akong naiinitan.
Sisikmatan ko sana ito nang makuha ng isang bagong sakay na pasaher ang aking atensiyon. Gusto ko itong sipain papalabas ng jeepney. Sapagkat hanggang ngayon ay asar na asar pa rin ako sa supladong lalaki.
Natuon ang pansin ng lahat dito. Artistahin talaga ang dating ng lalaki, pang-Hollywood ang kalibre.
Lihim akong nagmasid sa lalaki at may pagtataka rin sa aking isipan. Nasaan kaya ang kotse nito at bakit nakikipag siksikan dito sa jeepney.
Naputol ang lihim kong pagmamasid sa lalaki nang may maramdaman akong malamig na bagay sa aking tagaliran.
"Holdap ito!" deklara ng lalaking kanina pa gumigitgit sa akin.
Nakaramdam ko ang unti-unting pagtakas ng kulay ng mukha ko. Nanlalamig din ang buong katawan ko. Lalo na nang mapagtanto kong baril ang hawak ng aking katabing lalaki.
"Hubarin ninyong lahat ang mga alahas na suot ninyo! Pati ang mga wallet at cellphone ninyo ay kailangan ko rin!"
Halos ikabingi ko ang malakas na sigaw ng holdaper.
"Kapag hindi kayo sumunod ay tutuluyan ko ang babaeng ito!" sigaw ng lalaking holdaper.
Naramdaman ko ang pagdiin pang lalo ng malamig na bakal sa tagiliran ko. Tuluyan na nga akong napaiyak. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa labis na takot.
"Bilisan ninyo nang kilos!"
Ilang ulit akong lumunok upang alisin ang panunuyo ang lalamunan ko. Nanginginig din ang buong katawan ko.
"Manong, wala po akong pera," naiiyak na wika ko.
"Hindi puwedeng wala kang pera! Sige na, ilabas muna kung ayaw mong tuluyan kita!"
"Please, Manong holdaper, huwag po ninyong kuhanin lahat nang kita ko sa aking pagtitinda ng isda. Iyan na nga lang ang pera ko," wika ko at baka sakaling madaan ko sa drama at pakiusapan ang halang ang kalukuwang ito.
"Manahimik ka!" Lalo nitong idiniin sa aking tagiliraan ang baril na hawak nito.
Itinikom ko na lamang ang aking bibig dahil sa takot sa lalaking aking katabi. Pumikit din ako ng mga mata upang kumalma ang aking sarili.
"Lord naman... Ayoko ko pang mamatay. Please naman po, huwag ninyong hayaan na may mangyaring sa akin," piping dasal ko. Iyon lamang ang kaya kong gawin sa mga oras na ito.
"Ikaw, ibigay mo sa aking ang iyong kuwintas!"
Kaya bumaling ako sa aking kapitbahay na suplado. Inalis nga nito ang kuwintas sa leeg nito. Ibinigay ng lalaki ang hinihingi ng holdaper.
Tumingin ako sa lalaki, wala akong naaaninag na takot sa mukha nito.
"Pati iyang relo mo, ibigay mo sa akin," wika ulit ng holdaper kay Josh.
Nakita kong tumaas ang kalay ng lalaki. Tingin ko'y walang balak na ibigay ng lalaki ang relo.
"Hindi."
Nagulat ako sa sagot ng lalaki, sabi ko nga, eh, wala talaga itong balak ibagay ang relo.
"G-gusto mong tapusin ko na ang buhay ng babaeng ito?!" malakas na tanong ng holdaper kay Josh.
"Subukan mo," sagot ng lalaki.
Halos mamutla ako sa sagot ng lalaki. Parang gusto ko itong sakalin.
BINABASA MO ANG
THE BACHELOR PLAYBOY SERIES 2
Roman d'amourNapakasuplado at arogante ang tingin ni Medina Cuerpo sa step brother ng kanyang kaibangang si Jimsheen Tagulay-lay. Una silang nagtagpo nang kamuntik na siyang masagasaan ng kotse nito. Pinalampas niya iyon sapagkat alam niyang mayroon din siyang...