DYNI (until forever)

16 0 0
                                    

dedicated to all midzys out there.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

"Ang bagal mo talaga. At... lampa pa! Tsk." Sinamaan niya ko ng tingin. Ano na naman ba ang nagawa ko? Galit na naman siya.

"Binilisan ko naman na, ah? B-bakit nagagalit ka pa rin?"

"Tsk!" Inirapan niya ko at saka tinalikuran.

"Te-teka! Shanti! Shanti! Oy! Teka lang naman!" Pero naiwan pa din niya ko. Lagi na lang siyang gan'yan. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Sakal na sakal na. Gusto ko nang kumawala pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko mailabas 'yung sarili ko dahil ayaw niyang makita 'yon. Gusto niya, siya lang. Siya lang palagi. Nakakasawa. Pwedeng ako naman?

Matagal na kaming magkaibigan ni Ashanti. 12 years na. Sabi nila kapag lumampas ng pitong taon ang pagkakaibigan niyo, panghabang-buhay na daw 'yon. Pero bakit parang hindi? Imbis dapat masaya, parang lumungkot lang lalo nung tumagal. Para bang paulit-ulit na lang 'yung nangyayari. Kung dati okay lang sa'yo, ngayon hindi na. Kung dati maluwag pa, ngayon mahigpit na.

Ayaw na ayaw niyang nakakakita na may iba akong kinakausap. Gusto niya siya lang. May iba pa kong kaibigan bukod sa kaniya. Nahihiya tuloy ako sa kanila. Iniisip kasi nila na mas gusto kong kasama si Ashanti kesa sa kanila.

Ayaw din niyang may iba akong kasama lalo na 'pag aalis. Siya nga kasama ko pero 'yung utak niya nasa ibang tao. Tapos kung itrato ako, parang hindi niya kaibigan. Para akong basura 'pag siya kasama ko. Lahat bawal. Sa kaniya lang pwede ma-apply lahat ng bawal sa'kin. Unfair, 'di ba?

Pero kahit na gano'n siya, hindi ko pa rin siyang magawang iwan. Lagi akong nand'yan para sa kaniya. Suportado ko lahat ng gusto niya. Kahit hindi ko gusto, um-oo na lang akoㅡ sumaya lang siya. Ni hindi ko nga magawang piliin ang gusto ko, eh. Ang hirap.

Ngayon, mag-isa na naman akong naglalakad pauwi. Hays.

Mabuti na lang at maraming mga halaman dito. Nakakagaan sa pakiramdam. Nakakaganda ng araw. Pumikit ako at dinama ang hangin. Kay sarap mabuhay!

Nasa ganoong sitwasyon ako nang biglang may sumigaw.

"M-miss! Tabi!"

"Potek!"

Napaupo ako. Sinamaan ko siya ng tingin bago tumayo.

"Hindi ka ba tumitingin? Alam mo namang may tao dito. Tsk! Panira ng moment." Nakasimangot ako. Ngumiti naman siya nang alanganin. Napapahiyang yumuko.

"Pa... sens'ya na. Nawalan kasi ng preno 'yung bisikleta ko." Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako. "O-okay ka lang? May sugat ka ba? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalala niyang tanong. Bahagya akong ngumiti.

"Hindi... Okay lang ako. Pasens'ya na din sa inasal ko."

Ngumiti siya na abot tenga. "Na'ko! Wala 'yon! Sigurado ka bang okay ka lang?"

"Oo. Okay lang talaga ako." Tinignan ko ang bisikleta niya. "Ikaw ba, ayos lang? Mukhang kailangan mo nang ipaayos 'yan."

"Oo nga, eh. May alam ka bang nag-aayos ng bisikleta dito? Bago lang kasi ako dito."

"Sure. Tara do'n."

Nagtungo kami sa mga nag-aayos ng bisikleta. Napalitan na 'yung sira kaya naman pwede na niyang magamit 'yon ulit. Akmang babayaran ko na nang bigla niyang hinarangan kamay ko at binigay ang perang hawak niya do'n kay Kuya Stefano.

"Bakit?"

Umiling siya. "'Wag na, uyㅡNakakahiya. Ako na nga 'tong nakadisgrasya, eh." Ngumiti ulit siya.

SHORT STORIES COMPILATION Where stories live. Discover now