Corned Beef??

10 0 0
                                    

Nagpe-facebook ako nang biglang mag-refresh at nawala 'yung meme na dapat ishe-share ko. Sayang, nakakatawa pa naman 'yon! >//<
 
Muli akong nag-scroll baka sakaling makita ko 'yon ulit. Hindi ko na papalagpasin ang pagkakataon dahil ishe-share ko 'yon agad!
 
Puro mga picture sa beach at gala lang ang nasa feed ko. Wala man lang meme! Pangit!
 
Teka… Si Crisgen ba 'yon?
 
Nag-scroll down ako at doon ko nakita nang malinaw ang picture. Larawan 'yon ni Crisgen na matagal ko ng gusto. Kaso nadurog ang puso ko nang sa sumunod na imahe ay may babae na siyang kasama. Base sa comments, girlfriend niya daw 'yon.
 
Bumalik ako sa reyalidad matapos kong marinig ang boses ng isa sa mga kaibigan ko. Nilingon ko naman ito at nakita si Nini na nagbabasa ng librong binili niya kanina.
 
"Ah nga pala, Lyks…" panimula niya. Binaba niya muna ang libro t'saka nag-angat ng tingin sa'kin.
 
"Bumili ka do'n ng CDO karne norte. Kahit na anong size, basta CDO," aniya at binalik ang atensyon sa libro. Napakamot naman ako sa ulo ko nang hindi man lang niya ako pinagsalita at basta na lang ako inutusan. Wala namang problema doon dahil need ko ding lumabas. Magliwaliw.
 
Tumayo na ako at naglakad palabas para bumili ng corned beef. Wala masyadong tao dahil katatapos lang ng tanghalian. Mabuti dahil maikli ang suot kong shorts ngayon.
 
Pagpasok ko, nakaupo pa rin si Nini at patuloy lang sa pagbabasa. Naiintindihan niya kaya 'yang binabasa niya? Kasi kung ako, hindi eh. Ang ingay ng paligid. Sabay-sabay pang nagsasalita lahat bukod sa'ming dalawa. Sandali siyang lumingon sa direksyon ko bago maglipat ng pahina.
 
"Ano, nabili mo na?"
 
Tumango ako. "Oo. CDO karne norte, 'di ba?" tanong ko sabay pakita sa kaniya ng dala ko.
 
"Buksan mo 'yan tapos kainin mo. Pero, iwan mo 'yung takip."
 
Napakunot ang noo ko doon. "Aanhin mo 'yung takip?"
 
"Kumain ka muna bago ka mag-suicide."
 
Ha? Pinagsasabi nito? "Teka, bakit naman ako magsu-suicide?"
 
"'Di ba, hindi niyo kayang mabuhay nang wala sila?" Nag-angat siya nang tingin sa'kin. "Ipakita mo sa'kin na totoo 'yon. Ngayon mo panindigan," aniya at muling binalik ang atensyon sa libro.
 
Napabuga ako ng hangin. "Hindi ba dapat kino-comfort mo 'ko kasi malungkot ako? Bakit parang inu-udyok mo pa 'kong mapunta sa kabilang mundo?"
 
"Walang saysay ang pag-comfort ng isang tao kung hindi rin naman gagaan ang pakiramdam mo. Kung buti sana kung mawawala 'yon nang ganoong kabilis-- wala sanang nagsu-suicide."
 
Ang seryoso naman nito. Crush ko lang naman si Crisgen, eh. Hindi siya gold.
 
"Bakit napunta sa suicide 'tong pagbili ko ng corned beef? Teka, nakita mo na?" pagtukoy ko sa picture na nakita ko kanina.
 
"Kumain ka muna bago ka maglaslas," saad niya. Sandali siyang lumingon sa'kin at bumalik muli sa pagbabasa. "Walang pagkain sa pupuntahan ng kaluluwa mo."
 
Siraulo talaga 'to. "Bakit ka ganiyan, Nini!? Ang pangit mo magbiro!"
 
Iniwan ko siya doon dahil mukhang wala naman siyang pakialam sa problema ko. Kitang nalulungkot ako tapos ganiyan pa maririnig ko!? >//<
 
Tinignan ko naman ang hawak ko. Mas mabuti sigurong kainin ko na lang 'to sa dining area. Baka gutom lang 'tong nararamdaman ko.
 
Naabutan ko naman sila Marie at Honey na nanonood ng kung ano.
 
Lumingon si Marie sa direksyon ko. Tumingin muna siya sa hawak ko t'saka ako nginitian. Narinig ko namang tumawa si Honey sa gilid niya.
 
"Katatapos lang ng tanghalian-- kulang ba? Sana sinabi mo," bungad ni Marie nang lapitan ako. Umiling lang ako. Hay nako, wala akong time makipagbiruan, Marie!
 
"May iba akong pakiramdam d'yan sa hawak ni Lyka, Marie," saad ni Honey sabay nginuso ang dala ko.
 
"Let me guess… she told you to buy and die?" Ngumiti nang nakakaloko si Marie habang tinaas-baba ang kilay niya. Natawa naman siya nang makita ang reaksyon ko. 
 
"Bakit… paano mo nalamang pinabili 'to? Eh, wala namang nagsabi sainyo--"
 
"Base sa nakita namin, mukhang kailangan mo nga niyan ngayon, Lyks," tawa niya.
 
"Alak ang kailangan ko, Marie! Hindi corned beef!!"
 
Pinagtatawanan lang ako nung dalawa. Paano niya nalaman… I mean, 'yung "she" ba na tinutukoy niya ay si Nini?
 
"Naalala ko," rinig kong sabi ni Honey. "Malungkot ako no'n. Walang corned beef sa bahay kaya pinabili niya ako--Ayun na 'ata ang nakakatawang na-experience ko," halakhak niya.
 
"Malungkot ka tapos pabibilin ka ng corned beef?" natatawa niyang iling.
 
"CDO?" tanong ni Marie sa kaniya. Tinanguan naman siya nito at nagtawanan.
 
"Bakit daw? Bakit ka daw niya pinabibili ng CDO?" tanong ko.
 
"Ano pa ba? Para mag-suicide!" tawa niya. Siraulo talaga ni Nini.
 
"Kaya 'wag kayong magpapakita sa kaniya kapag malungkot kayo. Or mas mabuting 'wag niyong ipapaalam na malungkot kayo," payo ni Marie habang natatawa.
 
"Kasi baka pagbilhin ka niya ng CDO corned beef!" segunda naman ng natatawang si Honey.
 
"Pero seriously speaking, ilang tao na ang na-corned beef--" bungisngis ni Marie. "I mean, ilang tao na ang naganiyan niya." Nilingon naman ako ni Marie. "Kaya alam mo na ang gagawin sa susunod," kindat niya.

"'Yan ay kung meron pang susunod," natatawang segunda ni Honey. "Mukhang nasa paraiso ka na niyan. Hindi ka namin mapapabalik dito sa lupa dahil hindi naman kami diyos. Pero kahit maging diyos kami, hindi ka na namin ibabalik dito."

Agad namang natawa ang noo'y nagpipigil na si Marie na nasa gilid ko. Mga baliw talaga 'to. Mas may ilala pa pala sa mga kaibigan ko. Akala ko si Nini na 'yung pinaka eh, hindi pala. (‘﹏*๑)…

"Tama," pagsang-ayon naman ni Marie. Agad naman akong napailing. Gagatungan pa nga. "'Wag mo nang pahirapan 'yung tita mong pinaglihi sa sama ng loob. Maawa ka sa kanila, Lyks."
 
"Bwisit," ang tanging lumabas sa bibig ko. Tinawanan lang nila ako. Nginuso ni Marie 'yung hawak ko.
 
"Kainin na lang natin 'yan tapos itapon na lang agad 'yung lid para safe."
 
"Mas mabuti kung uumpisahan na natin ngayon bago pa tayo makita ni Nini," singit ni Honey. "Once na makita niya 'yan ulit, oorasan ka niya. Oras na mangyari 'yon, ikaw pa lang ang mamamatay." Namilog ang mata ko sa'king narinig.
 
S-seryoso ba? Taranrado talaga 'tong mga 'to-- nananakot pa, eh! Huhu.
 
"S-sige!" napapalunok kong tugon. Agad naman na nagtawanan ang dalawa. "B-buksan niyo na!"
 
At napuno na naman ng halakhak ang buong dining area. Makapag-tiktok na nga lang mamaya! Baka totohanin ni Nini 'yung sinabi niya, eh. >//<

created: 05/11/2022.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SHORT STORIES COMPILATION Where stories live. Discover now