M. U. S. E.

20 0 0
                                    

Ranzee's POV

"Tsong, tara na alis na tayo. Inaantay na niya ko e." saad niya.

"Oo na — wa-wait lang!" kinuha ko ang bag ko at umalis na kami.

Sa SM North kami papunta ngayon dahil sabi niya, may imi-meet daw siya duon and I wonder kung sino yon. Baka jowa niya siguro or something.

"O, nasa may food court daw siya — tara!" dali-dali kami naglakad papunta don sa sinasabi niya. Kulang na lang, masubsob kami kakamadali e tsk. Sino ba kase yon at natataranta ang isang 'to?

Habang hinahanap niya yung kausap niya, may nakita akong pamilyar na mukha. Takte! Bat siya nandito? Sinong imi-meet niya dito?

"There you are." at naglakad na kami sa direksyong tinahak niya. Napansin kong sa direksyon mismo nung taong kakilala ko kami papunta. Wag niyong sabihing—

"There you are, Peter. Nice to finally see you. Musta? By the way, this is my friend, Ranzee. Ranzee ahm— this is my kausap earlier, Peter. Say hi to each other." ngiting-ngiting saad ni Erza. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana o ano pero bat sila magkakilala?

"Hi, Ranzee! Musta na?" ngiting tanong niya sa akin. Agad ko naman itong tinugunan ng isa ding ngiti.

"Hi, Pete! Magkakilala pala kayo?"

Tumango siya. "Ah, oo. Magkikita-kita daw kase mga gamer dito sa North kaya nandito ako. Hindi ako makapaniwala na makikita kita dito.. finally for the second time — I mean for the third time hehe."

"Ito kasing si Erza, kinulit ako na sumama daw dito kaya ayan. No choice e joke lang hahaha."

"Ehem! Baka gusto niyong maghanap muna ng mauupuan bago kayo magkamustahan di ba? Baka lang naman gusto niyo." pareho kaming natawa sa kanyang sinabi.

"Sige." sabi ko na lang.

Nakaupo na kami ngayon at kasalukuyan silang nagkukwentuhan ni Erza at Peter. Mukhang super close sila. Sana ol.

Dahil hindi ko na kaya pang tignan sila at dala na rin ng selos, nagpasya akong pumunta ng skydome para kunwaring may imi-meet ako kahit na wala naman.

"Saan punta mo, Raz?"

"Ah, skydome lang. Nanduduon kase si mama e, inaantay ako. Chat niyo na lang ako kapag aalis na kayo dito sa food court para alam ko kung saan ako pupunta."  sabi ko tsaka dire-diretsong naglakad papuntang skydome.

-- -- --  -  -- --

Peter's POV

"Hay nako. Kahit kailan talaga yang si Ranzee tsk tsk. Hahahahaha." lintanya ni Erza.

"Bakit ka natawa dyan?"

"Sus. Di na uubra sakin yang palu-palusot niya dyan. Selos yon kaya umalis."

"Bat naman siya magseselos e magkaibigan lang naman tayo—"

"Ayon na nga e — ewan ko ba dun. E bakit ba kase hindi ka na lang umamin ng maging kayo ng dalawa di ba? Nauurat na ko sa mga parinig ni Ranzee sa facebook e. I-crushback muna kase yon nang manahimik na. Totorpe-torpe ka pa dyan kase e nako sige ka baka maunahan ka pa ng iba. Marami ba namang nagkakagusto don." nagulat ako sa kanyang sinabi. Seryoso ba 'to? May—may gusto din pala sakin si Ranzee? Bat hindi ko alam?

"Kase hindi mo pinapaalam tsk pareho kayong dalawa hays."

"Kung natatakot ka sa rejection, wag kang mag-alala gusto ka din non. Mas boto ako sayo kesa sa ibang tao."

"Bakit hindi niya sinabi? E di sana—"

"Gaya ng sabi niya samin last month, hindi daw ugali ng palay ang lumapit sa manok dahil ang manok mismo ang siyang dapat na lumapit para makakain na. In short, ayaw niyang masira image naming mga babae kaya as long as kaya niyang itago, itatago niya yung feelings niya para sayo. Kung alam mo lang mga pinaggagawa non, baka mapagkamalan mo pa siyang baliw."

"Kaya kung ako sayo, umamin ka na."

"Wag kang mag-alala, walang ibang gusto yon kundi ikaw lang. Ikaw ang bukambibig non kung alam mo lang. At tsaka nagwalk-out lang talaga siya dahil super close tayong dalawa. Alam mo bang sabi niya e hindi daw kagwapuhan yung crush niya? Pero pogi ka naman— ah! alam ko na. Para siguro hindi ka namin maging crush kaya niya siguro sinabi yon samin. Ayaw niya ng may kahati e hahahahaha."

Se-seryoso ba 'to? To-totoo ba tong nalalaman ko? Sinampal ko ang sarili ko at nang matauhan ako, napa-aray ako.

Tinawanan ako ni Erza at palihim akong napakamot sa batok ko. Takte! Nakakahiya. Marami nga palang tao dito kase nasa food court nga pala kami. Hays tsk tsk.

Biglang nagring ang phone ni Erza.

"Yes? Ah, oo bakit? Ha? Ano— imposible. Akala ko ba mi-meet niya mama niya dyan? Hindi? Weh?" napatingin siya sakin sabay sabing, "Paktay! Lagot na." naguluhan naman ako sa sinabi niya kaya napatanong ako.

"Bakit daw?"

Binaba niya na ang phone at tsaka humarap sakin.

"Sabi ko sayo e. Dapat umamin ka na. Tignan mo tuloy mukhang mauunahan ka pa ata ni Ric. Hays. Bagal mo kase e tsk tsk." a-ANO!? SI RIC!? BAKIT SIYA!?

"Tara nga puntahan natin." sabi ni Erza at tsaka kami nagpunta sa skydome.

"Oh, Pete! Nandito ka din pala? What a nice day!" sabi ni Ric sabay ngiti niya kay Ranzee. Mukhang mauunahan pa ata niya ko.

Tinignan ko sila saglit at tsaka hinila palayo si Ranzee sa skydome. Nagpupumiglas siya pero hindi ko yon pinansin sa halip, mas lalo kong hinawakan ang kanyang braso. At sa huli, nagpatangay na lang siya sakin.

Hindi ko alam kung saan ko siya ipupunta pero sandali kaming napahinto sa may bakanteng lugar dun parin mismo sa SM North.

"A-ano bang nangyayari sayo ha, Peter? Bakit mo ko hinila nang ganon? Alam mong bang masakit yon ha!?"

"Wala nang mas sasakit pa sa nakita ng dalawang mata ko kanina, Ranzee." nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata.

"A-ano ibig mong sabihin?"

"Hindi pa ba halata? Gusto kita."

"Gusto kita, Ranzee... matagal na matagal na. At simula ngayon, wag na wag ka nang lalapit sa kahit na sinong lalaki dahil..."

"Akin ka na... naiintindihan mo ba... love?"

Nanlalaki ang mata ngayon ni Ranzee. Hindi siguro niya sukat akalaing aamin ako at dito pa talaga sa mall.

Magsasalita pa sana ako nang may narinig akong boses—pamilyar naboses.

"Nice one, Rico. Success ang plano natin." sabi ni Erza.

"Oo nga. Mga seloso't selosa amp pero yieeeee sana ol makakajowa na! Hahahahaha!"

Agad kaming lumingon ni Ranzee sa kinatatayuan nila Erza at Ric na kasalukuyan namang nagtatawanan at nakaharap samin.

"Sus. Maggagalit-galitan kayo samin? Pasalamat kayo tinulungan pa namin kayo dahil kung hindi baka hanggang ngayon nagpaparinig pa rin kayo sa isa't isa tsk tara na nga, Ric. Lilibre kita bilis hahahahaha!"

THE END.

SANA OL DI BA?

SHORT STORIES COMPILATION Where stories live. Discover now